"A-ano ang date? Ano ang b-boyfriend? Ano ang asawa?" biglang tanong ni Islaw sa kanya na bigla niyang ikinapula. B-bakit nga ba siya namumula? "Kuya Islaw." Si Buchu na ang sumagot kay Islaw sa tanong nito. "Now that you know, Islaw. Tara magdate! Sagot ko ang pagkain at pamasahe mo." "Ayaw ko sayo. G-gusto ko kay Agnes!" sagot ni Islaw bago yumakap sa baywang niya. Nagulat siya pero napangiti rin. "No! Let go of him!" pinaghahampas siya ng batang babae. "Keira, masama iyan." suway niya. "Keira, you stopping that." suway din ni Buchu. "Shut up, you moron." "Keira, stop it. Masama ang mga words na binibitawan mo." turan niya na mas lalong sinamaan nito ng tingin. "You are the bad here! Inaagaw mo sakin si Islaw. Islaw, crush kita!" ani nito at nagpatuloy sa p*******t sa kanya.

