Forty two (Unedited)

3775 Words

"Hayan, sana ay umepekto itong ointment na ipinahid ko sa sugat mo." aniyang nakangiti. Nilingon niya ito at ganoon nalang ang kakaibang lakas ng pagtibok ng puso niya nang makitang mataman itong nakatitig sa kanya. Kakaiba ang pakiramdam na makipagtitigan sa isang guwapong nilalang na ngayon nya pa lamang nakita sa tanang buhay niya. "H-huwag mo nga akong titigan ng ganyan." aniya at iniwas ang tingin. Pero hindi mawala sa pakiramdam niya ang mataman nitong pagtitig sa kanya kaya muli niya itong tinignan. Wala ba itong balak na alisin ang malagkit na mga tingin nito sa kanya? Baka hindi siya makapagpigil at halikan niya ito? Biro lang. "Hindi mo ba talaga aalisin ang tingin mo sakin?" naiirita na siya. Bakit ngayon ay hindi ito nakikinig sa kanya? Nagawa nga siya nitong sundin kagabi

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD