"Ayos lang po" ngumiti ako at uniwas ng tingin He let out a heavy sigh. Kumuha siya ng pinggan sa gilid at nilagay ang kalahating pagkain niya roon. Doon ko lang napagtanto nung ibinigay niya saakin ang pinggan kaya napalaku ang mata ko dahil sa gulat. "Nako 'wag na po" nahihiya kong sabi "Ay nako! Ang bata bata mo pa tapos hindi ka kumakain. Sige na kainin mo na" kinuha ko ang pinggan at pinasalamatan si Chef Gill sa ginawa niya Alas sais trenta umalis na kaagad ako. Hindi ko kailangang magpagabi sa restaurant dahil hindi naman ako full time worker kagaya nina Chef Gill kaya half day lang ako for thirty days. Naglakad ako papuntang bahay nang may napansin akong tumatayo sa gate, hindi ko makita ng klaro kaya tumakbo ako palapit. I sighed in relief ng napansin kong si Magnus nakatayo

