tawag ko kaya naman nagsimula na kaming kumain. Hindi pa rin nila ako pinapansin. Ang sarap palayasin, e. "Akala ko ba dadalhin mo si Sirius dito?" Singit ko sa pag-uusap nila nang maalala ko, napatingin tuloy silang dalawa sa akin. "Busy, may pupuntahan daw sila ni Diane." sagot sa akin ni Arius. "Who's Sirius? Kapatid mo," "Yea," At hindi nanaman nila ako sinali sa usapan nila. Para akong bartender sa club na naghahanda lang sa kanila ng maiinom, habang sila ay naglalandian sa harap ko. Biglang nagring 'yung cellphone ko kaya naman sinagot ko 'yon nang hindi nagpapaalam sa kanilang dalawa. Naramdaman ko pang sumulyap sa akin si Arius pero hindi ko na pinansin. "Hey," I called for Saki. "I found a tattoo competition and I'm planning to watch the competitors. Wanna come?" "Really?

