"Numen, let us go!""Remove the mark!"Sunod-sunod nilang reklamo at pakiusap sa akin. Kahit nasa loob na kasi si Mr. Phillips, hindi pa rin nawawala ang transparent na harang sa loob. Nagtuloy-tuloy lang ako sa stage habang hindi inaalis ang tingin kay Helene. Kung anong ikinaputi ng itsura niya, ganoon naman ikinarumi ng pakay niya rito sa Prios. Mahihiya ang itim na usok ni Morticia sa kanya. "Chancey, thank the gods, you're safe!" nag-aalalang bungad sa akin ni Helene at paglapit ko, niyakap niya agad ako. Ni wala man lang nagbago sa timpla ng mukha ko kahit yakap niya ako. Gusto kong manggagaling sa kanya ang katotohanan-kung magsasabi man siya ng totoo. "Numen, we can't tolerate this action of yours!" Lumayo ako kay Helene bago ko tiningnan ang lahat ng nagrereklamo sa akin. "May

