Nakita ko si Allayah at lumipad siya palapit sa akin. Pinilit ko na lamang ngumiti at kinalimutan ang mga inisip kanina. "Magandang araw, Allayah.." Napatingin ako sa kulay pink niyang pakpak na kumikislap, napakaganda talaga nila. "Kamusta yung pagkikita niyo ni Sean? Pasensya na ngayon lang ulit ako nakadalaw dito sa Hermeas." Napangiwi ako. "Hmm, hindi na niya ako maalala, eh. Pero ayos lang! Kasi aayain ko siyang lumabas at pumasyal dito sa Hermeas.." Kahit isang linggo na ang nakalipas ay hindi pa rin ako tumitigil. Hindi tulad ng una at pangalawang pagkikita namin ay nagagawa ko na siyang makausap ngayon kahit minsan puro tango at maiiksi lang ang sagot. Napangiti rin ako ng maalala isang beses ay nagdala ulit ako ng pagkain sa bahay nila at diniretso ko nang sinabi na para s

