NAKAPIKIT lamang ang kaniyang mga mata sa kaniyang pagkahiga sa parang na kinatutubuan ng mga puting bulaklak habang patuloy ang mundo sa paggalaw. Hinahayaan niya lamang na humalik sa kaniyang katawan ang sinag na pinapakawalan ng araw, nag-iiwan iyon ng mumunting init sa kaniyang balat na kahit papaano'y naiibsan ang lamig na hindi siya sanay na nararamdaman. Naibubulong niya sa hangin na dumating na sana ang tag-init nang hindi siya magdusa sa lamig ng panahon. Sa kasamaang-palad dalawang buwan pa bago magsimulang umangat ang tag-init kaya kailangan niya pa ring magtiis. Ang tanging magandang bagay na nangyayari sa kaniya nang sandaling iyon ay ang halimuyak ng mga bulaklak na nadadala sa banayad na pag-ihip ng hangin. Sumusuot sa kaniyang ilong ang alimuson na siyang nagpapaalala sa

