MALL "WOW!" Hindi ko akalain na mas maganda pa ang mall nila rito. Parang kakaiba, dahil iilan lang ay mayroon. "Where's the Gucci at?" Iyon agad ang tanong ko kay Rav pero kita ko ang mabilisang pagkunot nito ng noo. "Gucci? May pera ka ba?" Lumubo agad ang aking pisngi, nang mapagtanto kong wala nga pala akong pera. "Wala, titingin lang." Pero dahil ayaw kong sirain ang araw na kung saan medyo naging mabait siya sa akin ay hindi na ako nagpumilit pa. "I think there's a lot of boutique here, na hindi kilala—" Magsasalita sana siya, nang alam kong ikakainit nito ng ulo, kaya sinundan ko iyon agad, "Na magaganda!" Mabilis kong tinapos sasabihin ko. "Maraming magaganda!" Muli kong sabi na ngayon ay ikinaaliwalas ng mukha niya. "I really wanted to go here. Naalala ko noong birthday ni Kuy

