BRIAN NAKAUPO ako ngayon sa harapan ni mommy at daddy, tila ang dibdib kong parang sasabog na sa kaba. Hindi ko gusto ang timpla ng mommy na pabalik-balik ang tingin sa akin at kay Rav. Habang ang daddy naman ay busy lang sa pakikipag-usap kay Ninong Renaldo. “Papakasal?” Ang boses ng mommy na hindi maganda ang timpla sa boses. “Reah, malaki na ang anak mo.” Singit naman ng Ninang Jen sa gilid niya. “Seventeen lang ang anak ko, Jen.” Kunot na kunot ang noo niyang bigkasin iyon. “Ilang taon ako noong nag-asawa ako, ah!” Sagot naman ng ninang. “Iba ang panahon noon sa ngayon. Mahihirapan siya, dahil ma-media na ang mga tao ngayon!” Ang pangangamba ni mommy ang tumatak sa isip ko. Nilingon ko si Rav sa gilid ko na hinahayaan lang magsalita ang mommy. Nang mahuli niyang nakatingin ako s

