MALAKI ANG T’YAN KO, nang isinuot ko muli ang isang wedding dress. Ilang buwan na ang nakalipas, nang mangyari ang trahedya na iyon sa amin. Doon lang din lumabas ang ilang mga baho na ginawa ng mga Abalos. Habang suot suot ang wedding dress sa hotel, ay nagulat na lamang ako nang bumukas ang pintuan. Napangiti ako nang makita ko siya, “Hi!” bati niya sa akin. “Pinabibigay ni Rav,” wika niya, nang iabot sa akin ang isang regalo na mula sa asawa ko. “Salamat, Velvet.” Hindi ko alam kung paano niya ako napatawad sa ginawa ko, pero sobrang laki ng gininhawa ko nang makausap ko siya ng maayos. “Salamat sa pagbibigay mo sa akin ng pagkakataon, Fem. Maraming salamat at pinakawalan niyo ako sa isang demonyo.” Yumakap siya sa akin at hinalikan ang pisngi ko. Doon ko lang na realize na kaya s

