CHAPTER 1

2180 Words
SHELLS I TRIED not to get bored here in Santa Polera. Wala kang makakausap kung hindi ang mga kasambahay. Nilalaro ko lang ang shells na nakapatong-patong at naging isang magandang chandelier ang style. "Ang galing mo naman, Fem!" Puri ni manang sa akin. Alam ko naman na nililibang niya lamang ako. Matipid akong ngumiti sa kaniya't nilingon ang pintuan. Tatlong araw na akong naririto sa Santa Polera, pero hindi ko na rin nakita sa tatlong araw na iyon ang lalaking anak ni Ninang Jen. "Ayaw mo ba gumala sa labas?" Rumehistro ang liwanag sa aking mukha. Finally! Papayagan na rin nila ako makalabas! Noong isang araw ay hindi sila makakilos, dahil sa akin. Dagdag pa ata ako sa gawain nila. "Tatawagin na lamang kita kapag nakaluto na ako ng meryenda, Fem." "Salamat po, Manang..." "Dito ka lang sa nasasakop ng mansyon," sunod ni manang na ikinatungo ko naman. Hindi pwedeng hindi ko sundin iyon—malalagot ako kay mommy, kapag nalaman niya. Naglalakad ako sa puting buhangin sa likod ng mansyon ng mga Fuego. Kita ko ang asul na dagat, habang ang mga puno ay nagmimistulang nagsasayawan mula sa simoy ng hangin. Ang ganda talaga ng tanawin... Mabilis akong napangiti at agad na nagulat nang may makita akong isang malaking shell sa hindi kalayuan. Dahan-dahan kong nilakad ang pagitan ng shells. Medyo malaki iyon at nakakabigla na lamang na makakita ng katulad nito hindi kalaliman ng dagat. Inapak ko ang paa ko sa tubig ng dagat at mas lalong nakaramdam ng ginhawa. Nakaka-refresh talaga! Marami nanaman akong ibabahagi sa mga classmates ko! Susulitin ko na ang ilang araw ko rito bago ako umuwi sa amin. "Hi!" Masayang bati ko sa shells at agad iyon na inangat. Kinagat ko pa ang labi ko't natakot noong una, saka ko naalala na sa napanood ko mula sa cartoons noon ay maririnig mo raw ang dagat kapag itinapat mo sa tainga mo ang shell. Agad ko naman iyong ginawa. Totoo nga! Nabigla ako sa aking narinig. Inilayo ko sa akin ang shells at pinagmasdan iyon, pwede ko kaya ito iuwi? Tanong ko sa aking isipan, ngunit baka hindi pwede. Ibinalik ko ang shell sa aking tainga upang marinig ang huni ng alon at ng hangin. "Ahh!!! Ahh!!! Yes, O—ohh!!" Ha? Ganito ba ang tunog talaga ng dagat? Inilayo ko iyon ng kaunti at napag-isipan din na itapat muli sa tainga ko. Baka guni-guni ko lamang ang mga naririnig ko. "Lick it, R-rav! Ahhh..." ha? Ano 'to? Bakit nasama ang pangalan ni Rav? Tila may nakakadismaya sa mukha ko ngayon, dahil naririnig ko na ang pangalan ni Rav sa shells. Laking gulat ko na lamang, nang marinig ko muli ang tila kakaibang boses. "Yes, Rav! More—ayan na! Ahh!!" Agad akong lumingon at doon ko natagpuan ang babaeng nakatalikod, habang ang kilala kong lalaki—oh, my gosh! What are they doing?! “R-rav… stop—ahh! May b-bata, Rav!” Nabitawan ko ang aking dalang shell at agad na tumalikod. Para akong robot kung maglakad—tuwid ang likod at natakbo. Obiously, Rav didn’t like me! Hindi ko rin alam ang ginagawa nila, but I know it’s forbidden! Ano ba ang nakikita ko sa lugar na ‘to! It’s beautiful disaster! Kailangan ko na mag-pray kay God! “Dear God, I’m sorry. I think I’ve seen a scene that's only for adults? I guess—ahh!!” Malakas akong napasigaw, dahil sino ba naman ang magdadasal nang naglalakad? Ang inakala kong matatalisod ako at mahuhulog sa buhangin ay hindi iyon nangyari. I open my eyes slowly and see his masculine body. Kumurap-kurap pa ako sandali, dahil sa kaniyang makapal na kilay. Magandang mata at malalagong pilikmata ay parang naubusan na ata ako ng sasabihin. “What are you doing here?” May tigas na tono sa kaniyang tanong. Itinayo niya ako, ngunit hindi niya na kasama ang babae kanina. Doon ko lang napagtanto na ibang babae iyon, kaysa sa una kaming nagkita. What are they doing ba? Are they playing or something? “I-I came here! To… for this.” Inangat ko ang aking dalang malaking shell. Tikom ang bibig ko, matapos kong sabihin iyon sa takot na baka isumbong niya ako. “I didn’t know what you guys were doing, but I prayed to God for his forgiveness! I swear, I didn’t tell Ninang Jen that I saw you bullying her!” “What?” Tila parang nangasim ang mukha sa narinig sa akin. “You pulled her hair! She told you to stop, and you didn’t! You’re bullying her, Rav!” Tuloy-tuloy kong wika iyon sa kaniya. Mas lalong naningkit ang mga mata niyang pagmasdan ako. “You think… I’m bullying her?” “Of course! What do you expect me to think? It’s forbidden to bully someone else!” “Okay, kid.” Tiim bagang niyang sabi. Kinuha niya ang shell ko kaya agad akong umalma. “Teka!” Ngunit itinaas niya iyon. Matangkad siya at wala akong palag doon. “Please!” Pagmamakaawa ko sa kaniya, pero masyado siyang sakim, nang ihagis niya iyon sa dagat. Malayo at tila imposibleng makita ko pang muli. “No!” Malakas kong sigaw at pinagmasdan lang ang tubig na umaalon. Ngayon lang ako nakaramdam ng ganito. Para na rin niya akong ni-bully! Humarap ako sa kaniya nang naiiyak. Nakita ko kung paano siya napahinto sa pagharap ko sa kaniya. “Diablo!” Bakat pa ang paa ko sa bawat hakbang kong tinatahak sa buhangin, makapunta lang ng mansyon ng mga Fuego. I hate you, Rav Fuego! “Oh? Ano ang nangyari sa ‘yo?” Iyon agad ang tanog sa akin ni manang, nang makita niya akong luhaan sa bukana ng mansyon, habang siya ay nagwawalis. “W-wala po…” hikbi ko pang sagot sa kaniya. Dali-dali na lamang akong umakyat sa taas at nagkulong. Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako sa aking kama. Namulat ang mata ko, nang makita kong padilim na ang kulay ng langit mula sa aking malaking bintana. Katapat n’yon ang magandang tanawin ng dagat. Kita ko na rin ang badya ng buwan na animo’y siya na ang maghahari ngayong gabi. Wala pang sandali sa aking pagtingin mula sa langit, nang bumukas ang pintuan. Iniwas ko kaagad ang aking paningin at ayoko siya makita. Alam kong sinabi na ito sa akin ni mommy noon, na huwag akong magtatanim ng galit. Ngunit doon ko lang napagtanto na sa mga deserving lang na tao ang pasensiya ko. “Kumain ka ng meryenda.” Hindi ko pa rin siya tinignan. Kung isusumbong niya ako kay mommy, isusumbong ko rin siya kay Ninang Jen, plus! Sasabihin ko rin na ni-bully niya rin ako! Sino na ngayon ang mas kakampihan ng mommy niya? “God damn!” Malakas usal, kaya napatingin na ako sa kaniya. Hindi ko gusto na idadamay niya si God, ha! “F*cking get up and eat!” “Huwag mo nga po akong utusan!” Galit ko ring sigaw sa kaniya. “This is not a request; that’s a command! Get up and eat!” Padabog akong tumayo sa aking kama at humarap na sa kaniya. Magkatapat kaming dalawa at nakatingala akong pagmasdan siya. “I hate you!” wika ko. “Likewise, little witch.” “Ano ba ang nangyari kanina, Rav?” Tanong ni manang ngayon kay Rav na nakain na rin sa ibaba ng turon na niluto pa ni manang para sa amin. “Naglalaro siya sa dagat, Manang.” Lier! Hindi iyon totoo! “Pinigilan mo siyang maglaro?” Sunod naman ni manang na tanong kay Rav, nang itaas lang nito ang dalawa nitong kilay bilang sagot. “Bakit mo naman siya pinigilan, Rav. Naglalaro lang naman ‘yung bata.” “Does she know how to swim?” Nilipat niya ang tingin at napunta iyon sa akin—hinihintay na sumagot. “I…I don’t,” sagot ko. “See? Kung may nangyari sa bata na ‘yan ay ako ang malalagot. Wala akong pamalit sa batang ‘yan.” Saka niya isinubo ang dulo ng turon nito at agad naman na tumayo. “Tapos ka na?” Si manang. “Opo, mauuna na rin ako sa taas.” Iniayos niya ang upuan at tinignan na agad ako. “When you’re done, take a shower and sleep.” Turo niya pa sa akin. Umalis siya nang lumingon na lang ako kay manang. “Hayaan mo na ‘yon. Ganoon talaga si Rav noon pa lang. Ganoon kasi siya napalaki ng ama niya at ina,” wika naman ni manang sa akin ngayon. Saka niya naikwento ang buhay ni Rav. “Bata pa lang siya ay laging nababaunan ng galit ang ama niya sa kaniya. Siguro ay dahil busy ang ama niya para sa mga taong umaasa sa kaniya. Governor kasi si Senyor Ramon, Fem.” Tumango na lamang ako sa kwento niya. “Naging ganiyan na lamang iyan si Rav noong nahuli niya ang sarili niyang ama na may ibang babae.” Tila parang nawala ang galit ko sandali kay Rav. “Hindi ko alam kung dahil ba doon, kaya siya naging ganiyan.” Matapos ang mga kwento ni manang sa akin ay para akong nalungkot. Parang hindi ko naman maisip kung ang daddy ko ay naging isang babae. Ibig sabihin ay pusong babae ang daddy ni Rav? Hays, that’s deppresing. Ginawa ko na lang ang sinabi ni Rav sa akin. Sinunod ko na lamang ang mga commands niya, para naman mabawasan ang init ng ulo niya. It’s my first time na may mag-yell sa akin. Sa bahay at sa school, never akong nabuntungan ng galit o hindi naman kaya ay nasigawan. Kahit ang mommy at daddy, never nila akong nasigawan. Sa unang araw ko pa lang na narito ay nanghihina na ako. And it’s new. This is my new chapter, as I can see. I’m no longer a princess when I’m here at Fuego’s mansion. Dumating ang kinabukasan nang nakatingin lamang ako sa dagat mula sa ibaba. Hindi ako makalapit, dahil baka pagalitan nanaman ako ni Rav. Hindi ko alam kung nasaan siya ngayon, baka nang aaway nanaman ng babae iyon. Please, Lord. Can you please save Rav? Palagay ko kaya siya nagagalit sa mga babae, dahil naging babae rin ang daddy niya. Kaya siguro hindi ko na makita rito ang daddy niya. Doon ko lang napagtanto kung sino ang naroon sa dagat. Sa sinag ng araw ay mas lalong namumukadkad ang balat nito. “Pogi…” Nanlaki ang mga mata ko sa sarili kog sinambit. Tinapik ko ang bibig ko, dahil parang bad words na iyon sa akin. Hindi kalayuan ang bahay nito sa kung saan siya naroroon kaya nang magtama ang mga mata namin ay kumunot na agad ang noo nito sa akin. Malayo pa lang ay kitang-kita ko na ang inis niya sa akin. Nang makita ko siyang umahon at akmang lalapit na sa akin ay tumalikod na ako. Lalakad na ako papalayo sa kaniya, nang tawagin niya ako, “Kid!” Hindi na talaga nagbago ang tawag niya sa akin. Bata naman talaga ako, pero ewan ko ba kung bakit parang iba ang pakiramdam ko sa tawag niya sa akin. Nang makalapit ito sa akin ay nanliwanag ang mata ko. “Wow!” Madali ko iyong kinuha sa kaniyang kamay. Nakuha niya ang shell ko! Inilagay ko iyon agad sa tainga ko’t narinig nanaman ang huni ng alon at ng dagat. “Pwede ko ba ‘to dalhin sa Manila?” Paalam ko sa kaniya, dahil bukas ay uuwi na rin ako. “As long as, hindi ka na babalik dito.” Ngumuso nanaman ako. Bumait siya saglit, pero hindi rin naman iyon nagtagal. Seconds lang! Nauna siyang maglakad sa akin at sumunod na ako sa kaniya. “Thank you, Rav!” Nakalagay pa rin sa tainga ko ang shell. Hindi ko rin alam kung bakit ayaw niyang tinatawag ko siyang kuya, kahit na dapat ko naman siyang tawagin na ganoon. Ngunit ayoko naman na magalit siya sa akin. Sa mga sandaling iyon ay may hindi nanaman ako mapaliwanag sa t’yan ko. Ngayon ko lang ito naramdaman… “Nagpaalam ka na ba sa kanila?” Tanong ni mommy sa akin, nang makauwi sila ni Ninang Jen. Ang akala ko nga ay kasama ko si Ninang Jen dito, ayun pala ay magkasama sila ni mommy. “Opo,” sagot sa kaniya. “Hindi ko man lang nakasama ang inaanak ko, Reah. Hayaan mo na at may susunod na man na bakasyon. Dito ka, ha!” Ngiting wika ni Ninang Jen sa akin. Bumalik ang tingin ko kay Rav na tumaas lang ang kilay nito. “Opo,” muli kong sagot. Umiling lang si Rav sa akin, kaya tinago ko ang hawak kong shell sa likod ko. “Bye, Ninang Jen.” Halik ko sa kaniyang pisngi. “Bye, Manang.” Yakap ko rin kay manang. Ngayon ay kaharap si Rav. Hindi ko alam kung paano ako magpapaalam sa kaniya. “B-bye…” Iyon lang ang paalam ko at tumalikod na sa kaniya’t lumapit na kay mommy.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD