Chapter 2

2141 Words
Two weeks ang lumipas ganun ang naging routine naming mag barkada. Lagi kaming pumupunta sa canteen ng sabay para makita ni Zenith si Dale. Hindi naman snob yung mga seniors kasi minsan pinapansin nila kami, kaya lang sa tuwing kinakausap nila kami kinakain din ako ng hiya. "hi" si Dale lumapit sa amin. Tiningnan ko si Zenith na napatingin sa sahig umiiwas sa tingin ni Dale. Tsk typical playboy naman kasi tong Dale, porke alam niyang may gusto sa kaniya si Zenith tinitake advantage niya. Nag uusap sila pero hindi ko iyon naiintindihan kasi hindi ako komportable sa sitwasyon namin. Hindi nawala sa isip ko yung sinabi ni Gab. Pag uwi ko sa bahay ay nandon din si mama. Minsan lang umuuwi si mama dahil sa trabaho niya. Hindi ko alam kung anong dapat maramdaman kung dapat ba masaya ako o hindi. Medyo strict kasi si mama kumpara kina lola at lolo. "Ano yang binabasa mo? Pocket book?" galit na galit na aniya habang tinapon niya ang pocket na binabasa ko. Unti- unting namumuo ang luha sa mata ko habang abot langit ang kaba ko. "Ano ba nanaman yan?" Si lola "wag kang makialam dito ma, Aya pasok sa room" namumula na siya sa galit. Takot na takot akong pumasok sa kwarto habang iniisip kung alin ang mali ko. Umiiyak ako sa kwarto habang naririnig ang sagutan nina lola. Minsan na nga lang siys umuuwi lagi pang galit. Kinabukasan, ay blanko akong pumasok sa paaralan. Hinatid pa rin ako ng lolo pero wala ako sa mood makipag usap nino man. Natauhan ako ng tumunog ang cellphone ko. Kinuha ko iyon mula sa bulsa ng uniporme ko. Binasa ko ang ang mensahe mula sa di kilalang numero. Hindi iyon nakasave sa cellphone ko kaya tintanong ko kung sino iyon. Minsan pag may ganito hindi ko nirereplayan pero may load naman ako at bored din kaya tinanong ko na lang rin. Ilang minute ang lumipas ay nag vibrate ulit ang cellphone ko. Nanlaki ang mata ko ng basahin kung kanino galing iyon. "Simoun?" bulong ko sa hangin, halo halo ang nararamdaman ko masaya na kinakabahan at takot akong malaman niya yung nararamdaman ko. "San mo nakuha yung number ko?" tinype ko iyon at sinend bago ako nagpatuloy sa paglalakad patungong classroom. "Ayaaaa" sigaw ni Dorothy at lumapit sa akin. "Alam mo ba na na dumaan dito kanina sina Dale at Simoun" nakangiting ani ni Zenith. Nanlaki ang mata ko sa huling sinabi ni Zenith, parang sa lahat ng sinabi niya iyon lang ang pumasok sa isip ko. "okay ka lang?" nag-aalalang tanong ni Zenith. Tumango ako bilang tugon at umupo sa aking upuan. Tinitingnan ko ang cellphone ko habang hinihintay ang reply niya. Nag-uusap sina Zenith at Dorothy ng biglang tumunog ang bell na hudyat para sa flag ceremony naming. Tama may flag ceremony pa kami, nahihiya ako sa mukha ko. Kilala niya pala ako tapos, pano kung makita niya ako mamaya. Agad akong napatayo sa upuan ko dahilan upang magulat silang dalawa. "may suklay kayo?" Saad ko habang hinahanap ang suklay ko sa bag pero parang naiwan ko iyon. Kinuha ni Zenith ang suklay niya galling sa bulsa ng kaniyang uniporme. "Salamat" saad ko at hinila nila akong dalawa para makapag lakad na kami patungong court. Hindi nga ako nagkakamali dahil Nakita ko agad siya, papunta sa linya nila. "uy nakatingin dito si Dale oh" saad ni Dorothy habang tinutukso si Zenith, Agad ko namang binigay ni Zenith ang suklay niya paglingon ni Simoun sa banda namin. Yumuko ako ng mapagtantong nakatingin siya sa akin, kinagat ko ang ibabang labi ko para tigilan ang sarili sap ag ngiti. "Aya, tara" nasira ang moment ko ng hinila ako ni Dorothy patungo sa linya naming. Naramdaman ko ang pag vibrate ng phone ko habang kumakanta pa kami ng pambansang awit, tiniis kong huwag basahin iyon kahit na unti-unti na kong kinakain ng curiosity ko. Baka si Simoun yun, Ano kaya yung sinabi niya. Pagkatapos ng flag ceremony ay agad kong kinuha ang cellphone ko at binasa iyon. Tama ako galling iyon kay Simoun. "sa kakilala lang, btw, how are you?" sagot niya. Kinagat ko ang ibabang labi upang pigilang ngumiti ang sarili. Kunting kumusta lang pero grabe ang epekto nito sa akin. "Aya, sino yang kausap mo?" pang-uusisa ni Dorothy. "ha? Ahh wala" peke akong tumawa habang tinago ang cellphone ko. Dorothy gave me a hard stare pero inignora ko iyon, si Zenith naman ay naka focus na sa aklat, Ganito talaga siya focus na focus sa pag-aaral. Hindi ako tinigilan ni Dorothy at umupo pa talaga siya sa tabi ko kung saan nakaupo yung Hera na kaklase namin. "Dali na, sino nga yun" pangungulit niya sa akin. "wala nga" pagsisinungaling ko sa kaniya pero hindi siya nagpatinag at kinuha ang cellphone ko. "Good morning, class get your book and open on page 28" Kukunin ko pa sana yung cellphone ko kaso biglang dumating si maam. Nakita kong may binasa si Dorothy at may tinaype siya bago niya tinago sa bag niya ang cellphone ko. Buong klase akong hindi nakapag concentrate dahil sa ginawa ni Dorothy, ano kaya yung tinype niya? Pagkatapos ng klase namin ay kukunin ko na sana ang cellphone ko pero agad namang pumasok yung next teacher naming. Hindi na maipinta ang mukha ko dahil sa pikon. Buong perio ako nakabusangot hanggang sa nag bell. "akin na" agad akong humarap sa kanila pagkalabas ng teacher namin. "chill Aya" nakangiting saad ni Dorothy at inakbayan ako. Binigay niya sa akin ang cellphone ko at sabay kaming tatlo na lumabas para kumain. " guysss, pwedi sumama?" nakangiting saad ni Hera na nakaharang sa daan. Agad tumango sina Dorothy at Zenith. Kung dati tatlo lang kami at minsan kapag hindi ako nakakasabay kina Dorothy at Zenith ay nagiging out of place ako, ngayon naman ay apat na kami, pag nag-uusap sina Dorothy at Zenith, si Hera naman at ako. Pero ang hindi ko naiintindihan ay kung paano agad na nakakasabay si Hera kina Dorothy at Zenith. Gaya ng dati ay pumunta kami sa canteen na malapit sa senior's building. Papalapit pa lang kami pero nanlalamig na yung palad ko. Tahimik lang akong sumunod sa kanilang tatlo palapit sa canteen. "Ayan na si Dale," kinikilig na ani Dorothy. Tuwing nandito kami sa canteen lagging tinutukso ni Dorothy si Zenith kay Dale. Pano kaya pag malaman niyang ka text ko si Simoun? "s**t!" napatakip ako sa bibig ko ng naalala ko na kinuha niya pala kanina yung cellphone ko. Tumalikod ako at naglakad pabalik. "Aya, san ka pupunta?" saad ni Dorothy paghakbang ko pabalik "nandito si Simoun oh" nilakasan niya ang boses niya at napapikit na lang ako sa hiya. Huminga ako ng malalim sabay takbo. "san ka pupunta?" narinig ko pang sigaw ni Hera. Pero hindi ko iyon pinansin at mas lalo lang binilisan ang takbo papunta sa classroom. Pagpasok ko sa classroom ay agad kong isinubsob ang mukha ko sa armchair ng upuan ko. "takteng Dorothy yun, pahamak." Pagmumura ko kay Dorothy habang tinatago ang sarili sa kahihiyan. Ilang sandali pa ang lumipas ay nagvibrate ang phone ko. Tiningnan ko iyon at binasa kung kanino galing. "susunduin kita mamaya"- Simoun BIglang tumibok ng malakas ang puso ko after ko basahin ang mensahe galing kay Simoun. Susunduin niya ako mamaya? Napangiti ako sa iniisip ko. Excited na tuloy akong mag uwian. Agad kong tinago ang cellphone ko ng narinig kong papalapit na sina Dorothy. "Okay ka lang?" nag-alalag tanong ni Hera sa akin. TUmango ako at tiningnan silang tatlo at yung mga pagkaing binili nila. "gusto mo?" si Dorothy. Tumango ako bilang pagsang-ayon. "Luh, bili ka dun. Ano ba kasing naisip mo at tumakbo ka kanina?" saad niya at naupo sa upuan niya. "at least, okay na rin yun. Alam mo ba kanina yung crush mo sa cellphone lang lagi nakatingin at parang may ka text" pag dadaldal ni Dorothy. Napangiti ako sa sinabi niya, kung pwedi lang sabihin na ako yung ka text niya kanina, naalala ko tuloy na hindi pa ako nakapag reply. KInuha ko ang cellphone ko at nagreply kay Simoun. "Unless, ikaw yung ka text niya" lumingon siya sa akin at kinuha ang cellphone ko, saktong pag send ko ng "okay" kay Simoun. "OMG!" pagtitili ni Dorothy. Napatingin ako sa sahig dahil sa hiya. "susunduin ka niya mamaya?" nakangiting asong saad niya. Tumango lang ako sa kaniya. "tapos? Ganiyan lang yung ayos mo?' saad ni Dorothy. TIningnan ko ang sarili, bukod sa hindi ako nakapag suklay ay okay lang naman ang ayos ko. "Hera, pahiram ng liptint mo" si Dorothy kay Hera, wala namang sinabi si Hera at binigay kay Dorothy ang liptint niya. Nilagyan ako ng liptint ni Dorothy. Hindi naman kasi ako mahilig mag ayos, kunting suklay lang okay na sa akin. "Zen, pahiram ng suklay" si Dorothy kay Zenith pagkatapos niyang lagyan ako ng liptint ay sinuklay niya ako. Kumuha din ng pulbo si Zenith at nilagyan ako. Napaka supportive naman nila. "mag spray ka" si Hera na binigyan ako ng perfume. Napangiti ako sa kanila, ang swerti ko sa kanila. Ayan tuloy mas lalo akong nag excite ng uwian. Pagkatapos nila akong ayusan ay sakto ding nag bell para sa susunod naming klase, after nito may isa pa tapos uwian na. Mas nakapag focus ako sa uwian mamaya kaysa sa klase namin. Pagkatapos ng dalawang oras na klase, ay bigla akong kinabahan. "Dors, ano? Okay lang ako?" naiilang na tanong ko sa kaniya. " oo, chiil ka lang diyan" saad niya at lumabas saglit. "Parating na sila" saad ni Dorothy na lalong nagpakaba sa akin. "sila?" tanong naman ni Zenith. "yup, kasama si Dale" nakangiting saad ni Dorothy. "Mukhang tayo ang magkakasama pauwi ngayon" saad ni Dorothy kay Hera. Mas lalo akong kinabahan, akala ko kami lang may kasama pa pala. Pero okay lang yun. Lumabas na kaming apat sa classroom at doon hinintay sila sa hallway. Habang palapit sila ng palapit ay mas lalo akong kinabahan. "Mauna na kami" saad ni Dorothy at nauna silang lumabas. Kami naman ni Zenith ay tahimik lang na naghihintay kina Simoun. "Zen, kinakabahan ako" saad ko sa kaniya. Para akong tanga,susunduin lang naman ako kaso parang naging big deal yun sa akin. "chill ka lang Aya" si Zenith, halata rin naman sa kaniya na kinakabahan siya. "hi" tipid niyang bati paglapit ni samin. Ngumiti ako ng kunti para iacknowledge yung presence niya. "tara" saad niya. Naunang naglakad sina Zenith at Dale, tapos sumunod naman kami ni Simoun. "Sa gate lang pala ako pwedi" nahihiyang saad ko sa kaniya. Hatid sundo ako ni lolo kaya hanggang gate lang kami pweding magkasama. "hmm, kumusta yung school?" naging mabagal ang lakad niya, Kaya binagalan ko rin yung akin. "okay lang naman" tugon ko sa mahinang boses. "Do you think, bagay sila?' pertaining to Dale and Zenith. Tumingin ako sa kaniya at tumango. "eh, tayo?" tanong niya na diretsong nakatingin sa unahan. Kinagat ko ang ibabang labi ko at hinigpitan ang hawak sa strap ng bag. "what do you think?" huminto siya sa paglalakad at tiningnan ako ng diretso sa mata, he smirked at me at hinawakan ang magkabilang braso ko. Napalunok ako at huminto din sa paglalakad, napatitig ako sa mga mata niya, ang gwapo talaga niya. Malapit na kami sa gate at nakikita ko na kung nasan si lolo, may kasama siya, si mama. Naghahalo halo na ang nararamdaman ko. Kinikilig ako na oarangb ewan, kinakabahan din ako sag alit na tingin ni mama sa akin. Huminga ako ng malalim and I tiptoed a bit para maabot ko siya at may binulong ako sa kaniya saka ako tumakbo patungong gate kung nasan si lolo at mama. Pagdating ko sa gate ay ramdam ko na agad ang galit ni mama, si lolo naman ay tahimik lang. Buong biyahe namin pauwi ay parang torture sa akin. Kinakabahan ako dahil sa nakaabang nag alit ni mama. "Ano yun?" saad niya sa akin pagdating naming sa bahay. Hindi ko siya sinagot at kumuha lang ako ng pinggan para makakain na ng tanghalian. "Aya, hindi ka ba sasagot? Sino yung kasama mo kanina?" tama nga ako Nakita niya yun. "kaibigan lang" saad ko sa kaniya. "pero magkasama kayo?" balik niya sa akin. Ganun naman talaga ang magkaibigan diba? Magkasama? "akin na ang cellphone mo" saad niya sa akin. Na lalong nagpakaba sa akin. Gustong gusto ko ng umiyak. "akin na ang cellphone mo" saad niya ng mas galit. Nanginginig akong binigay sa kaniya ang cellphone ko. "Simula ngayon wala ka ng cellphone, at huwag kang magpapakita sa akin na kasama ulit yung lalaking iyon." Saad niya sa akin habnag kumakain ako. Kung gaano ako ka saya kanina na kasama si Simoun ay siya namang ikinalungkot ko dahil sa sinabi ni mama ngayon. Pano ko na matetext si Simoun? Tapos pinagbawalan pa niya akong makipag kita kay Simoun.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD