Sumisikip ang dibdib ko habang unti-unting namumuo ang luha sa mga mata ko. Sinubukan kong tumayo pero nanghihina ang mga binti ko. Gamit ang natitirang lakas inabot ko ang tissue na nalaglag. Pano ba naman kasi dahil sa galit ko sa main character ng pinanood ko natapon ko ang tissue tapos ngayon naman ay umiiyak ako sabay sa pag iyak niya.
Why do people get hurt? Bakit ba kasi nasasaktan ang tao kapag nagmamahal. Bakit ba kasi kakambal ng pagibig ang sakit? Ayan tuloy nasasaktan yung bida. Bakit ba kasi hindi pweding magmahal ng hindi masasaktan.
Natauhan ako nang tumunog ang cellphone ko. Tawag iyon galing sa kaibigan ko na sinagot ko naman.
"ano?" hindi ko sinasadyang maging tunog galit ako.
"oh, ano na namang ginagawa mo Aya?"
"Netflix and chill" nakangiting saad ko habang naghahanap na naman ng baghong papanoorin
"May sagot ka na sa calculus?" pag-iiba niya ng topic
Natigil ako sa paghahanap ng papanoorin ng naalala ko na may assignment pa pala kami.
"Meron ba? " wala sa saariling saad ko habang tiningan ang google classroom namin. Sa Sabado pa deadline, may limang araw pa. Napangiti ako habang bumalik sa Netflix tab.
"Malayo pa deadline, may papanoorin muna ako. Sige bye" pinatay ko ang tawag at ibinalik ang mata sa laptop.
Hindi naman ako kagalingan sa chess pero ewan ko lang kung bakit ito yung napili kong panoorin. Episode 6 na ako sa "Queen's Gambit", sumasakit na ang mata ko sa panonood pero parang naka glue ang mga mata ko sa laptop. Napamura ako ng biglang may tumawag.
Sinagot ko ito agad na iniisip na may klase ngayon. Nasampal ko ang sarili ko ng narealise ko kung sino iyon, nagmamadali akong ioff ang camera.
"napatawag ka?" halata sa boses ko ang iritasyon
"na miss kita" diretsong saad niya, miss mo ko pero iba jinowa mo.
"mag open ka ng camera gusto kitang makita." He added.
"ayaw ko" bukod sa ayaw kong makita niya ako, hindi ako prepared. Bakit ba kasi tumatawag siya ng walang pasabi.
"Sige na babe, na miss talaga kita" I rolled my eyes in irritation. May girlfriend ka na ulol. Tigilan mo ko.
"Natandaan mo yung dati..." Nagsimula nanaman siyang pag usapan ang matagal ng tapos.
"move ka na" I interrupted. Tumawa siya.
"Babe, na miss kita. Please open ka na ng cam. Gusto kitang makita"
"ayaw ko nga, hindi pa ako nakapag suklay" tumawa siya sa sinabi ko. I bit my lips stopping myself to smile. Tang ina, ako yata yung hindi pa naka move on nito.
"okay lang naman babe kahit hindi ka pa nakapag suklay, tanggap kita babe kahit ano ka pa, please mag open ka ng cam" saad niya habang may pa ngiti ngiti pa.
"bakit ba?" leche naman kasi tong taong to eh, may girlfriend na nga tapos hito siya pinapakilig ako.
"Babe alam ko kinilig ka, nakangiti ka na ngayon diba?" panghuhula niya. Medyo tama rin naman ang hula niya.
"babe, pag uwi ko aayusin ko" I took a deep sigh.
It was years ago, five years. Limang taon na ang lumipas simula noong naghiwalay kami pero hanggang ngayon nandito pa rin siya. Minsan iniiisip ko ring bigyan siya ng chance, pero mahirap kapag ayaw ng mga taong naka paligid sa inyo. We both wanted each other, but the world seems to tear us, it separates us just like how the ocean separates each continent.