8

962 Words
BEAUTY POV Napailing ako. Why would I thinking him? Bago pa ako nito makita ay agad akong lumiko ng daan sa madilim na sulok. Nakahinga ako ng maluwag ng marinig ang kanilang papalayong yabag mula sa kinaroonan ko. Lumabas ako sa pinagtataguan at walang alinlangan na umalis kaagad sa lugar na iyon. Mabilis ang naging lakad ko hanggang halos takbuhin ko na ang daan patungo sa building ng apartment. Napatingin ako sa mga kamay kong ngayon ay nanginginig. Niyakap ko ang sarili ko dahil sa lamig ng hangin ng gabi. Natigalgal ako marinig ang sunod-sunod na putok ng baril. Sa sobrang tahimik ng paligid ay paniguradong nangingibabaw ang tunog na iyon. "What are you doing here in the middle of the night?" Agad akong napaharap sa nagsalita. Bumungad sa'kin ang babae. Nakasuot siya ng pantulog na damit. Tumikhim siya ng makitang nakatitig ako sa kanya. "I think ikaw yung sinabi ng landlady na bagong lipat noong nakaraan buwan. Beauty, right?" Casual niyang sabi. But I refused to speak. At mukhang napansin niya iyon. "Mabuting pumasok ka na. Lumalalim na ang gabi." Saad niya. Bahagya pa siyang tumingin sa bandang likod ko kung saan narinig ang pagputok ng baril. I know she's hiding something. "I know you heard it too." Agad kong sabi. Pero mahina siyang natawa. "Baka may sumabog lang transformer ng poste. Madalas 'yon mangyari dito" Tamad niyang inayos ang kanyang kulot na buhok. Na parang normal lang ang kanyang narinig. "Yung sunod-sunod na crime na nagyayari sa lugar na ito..can you explain that to me?" Natigilan siya sa paglalakad. Binigyan niya ako ng mapanuring tingin. She give me a crossed arms. "Those things...are so complicated. At kung ako, ikaw. Wag mo nang alamin dahil mapapahamak ka lang" Seryoso niyang sabi at tumitig sa mga mata ko. Pinagmamasdan niya ng katawan ko na tila'y sinusuri. "Baka nga..hindi mo man lang kayang protektahan ang sarili mo kapag nasa panganib ka na. Just stay aside and let the authorities solve that problem. " Medyo natatawa niyang sabi na halos ikataas ng kilay ko. What does she mean about that? "Don't be offended, huh. It's just that... you seem weak and can't fight—" I didn't let her finish what she was saying when I quickly knocked her down on the pavement to overpower her. Biglang uminit ang ulo ko sa sinabi niya. Napangiwi siya sa aking ginawa pero walang akong naramdaman na kahit anong konsensya ng makita siya sa sahig na nakahinga at iniinda ang sakit. Hindi ko nakakalimutan ang ilang teknik na tinuro sa'kin ng yumao kong Lolo Boy noong bata pa ako pagdating sa simpleng pagdepensa sa sarili. He is a general while he is still alive. "Yeah, I think I am." Sarkastikong sabi ko at inayos ang uniform na suot ko. Agad ko siyang nilagpasan ngunit bago 'yon ay napansin ko ang nakatayong lalaki sa third floor kung nasaan ang room ng apartment ko. Napatingala ako ng makita siyang may hawak na sigarilyo na tila'y kanina pa nakatingin sa direksyon ko. His eyes were blank, but there's a smirk on his red lips. Bumilis ang t***k ng dibdib ko at umiwas ng tingin dito. Bumilis ang t***k ng dibdib ko at umiwas ng tingin dito. Para saan naman ang ngisi na 'yon? Pinagpatuloy ko ang aking hakbang pataas ng hagdan hanggang sa ako ay makarating sa third floor. Nanatili ang tingin ko sa sahig at hindi inangat ang tingin dahil alam kong nakatayo pa rin siya doon. Mariin kong kinagat ang labi ko at kinuha ang susi ng apartment ko at pinilit na wag itong lingonin. Medyo nanginginig pa ang kamay ko sa pagkuha mula sa aking bag. Sh!t Bakit ba ako kinakabahan? Napamura ako sa isip ko ng mahulog ang susi sa sahig. Nataranta ako. Bahagya akong yumuko ngunit sa paghakbang ko ay napadasog palapit sa kanya ang susi dahil natamaan ito ng sapatos ko. Ngunit mas natigilan ako ng makita ang susi sa mismong harap ng sapatos niya. What the h-----Beauty! I know he's watching me. Umangat ako ng tingin sa kanya. At tama nga ang hinala ko. He's looking at me. Naka-cross ang braso niya at nakakunot ang nuo sa akin. Dinilaan niya ang kanyang labi. There's amusement in his cold eyes. Iniwas ko ang tingin ko at mabilis na kinuha ang susi sa sahig at tumayo. Halos matabunan agad ako ng anino niya dahil matangkad siya sa akin. Wala naman siyang imik pero alam kong pinagmamasdan niya talaga ang kilos ko. Na hindi ko matagalan. His presence is giving me a shiver in my body. Nanghihina ang tuhod ko sa simpleng tingin lang niya. At 'yon ang kinaiinis ko sa sarili ko. Tapos naaamoy ko pa yung pabango niya. And it's so addicted kahit matapang ang amoy. I pursed my lower lip. This is the first time na makita ko siyang lumabas ng apartment niya kaso gabi nga lang--- "Don't come closer!" Natataranta kong banta kay Drystan ng makita ang paghakbang niya palapit pa sa akin. Malalim siyang natawa. "Why? Are you scared, kitten? " Tanong niya. At may munting ngisi sa labi. Kitten? Napapikat ako. Nakaramdam ako ng inis. "Gandang ganda ng pangalan ko tapos tatawagin mo lang aking kitten!" Inis at pabulong kong singhal sa kanya. Kuyom ang daliri ko at hindi mapigilang kagatin ang labi. Buong akala ko ay magagalit siya sa sinabi ko ngunit hindi ko inaasahan ang kanyang ginawa. He laughed deeply, but it sounded sexy in my ears before placing some strands of my hair behind my ear. Parang may dumaloy na kuryente sa katawan ko ng dumampi ang mainit niyang daliri kaya naman natigilan ako. Tila'y tumigil ang paghinga ko ng tumama ang blankong tingin niya sa mga mata. "Gorgeous," he whispered deeply while looking into my eyes.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD