"Don't move," Paos niyang bulong. Natikom ang bibig ko. At tumigil sa pag kilos. Nanghihina siyang lumunok at sinandal muli ang ulo sa couch. Ang mabigat niyang paghinga lang ang tanging naririnig sa sulok ng kwarto. Hanggang ngayon ay nakapatong pa rin ang kanyang mainit na kamay sa bewang ko. Ang akward ng position namin kaya hindi ako makagalaw ng maayos. Napalunok ako. At nilapat ang aking kamay sa kanyang nuo. Mahina akong napamura dahil sobra ang taas ng lagnat niya. Bumababa ang tingin ko sa labi niya. Tuyo ito at kita na ang pagkaputla. I can't believe he handled it on his own. Agad kong nilibot ang tingin sa kwarto at hinanap ang aid kit. Hindi naman ito ang pakay ko pero hindi naman ako ganon kasama para iwanan siya ng ganto ang lagay. I was slightly surprised when he rested

