Walong-Oras, din ang aking naging Byahe.Pagtapat ko sa Higanteng-Gate nang aming Hacienda, agad akong Bumusina. Ilang Sandali lamang Ang Lumipas, nang Bumukas ang Maliit na pinto sa gawing Kaliwa, na para lamang daanan nang mga tao.Lumabas duon ang Isang Lalaki, na tansya ko ay Isang Security-Guard.na agad ko naman nakilala.Si Manong Larry ito.Ang Pinaka matagal nang naninilbihan sa aking Lola. Bata pa lamang ako ay ito na ang Security nang Haciendang ito.Si Manong Larry, at Manong Efrin. Kwento pa nga sa akin ni Lola. Isa ding kasambahay,ang naging Asawa nito.. At sa loob na din nang Compound na piling manirahan..
Napaka-bait ni Lola, sa mga Tauhan niya dito sa Hacienda..Lahat nang may Pamilya na ang Pinagawan nito ng sarileng Bahay. At Kabilang sa Mapalad na nagka-Bahay ay si Manong Larry at Manong Efrin. Katuwiran kasi ni Lola tuwing Tinatanong namin ito kong Bakit niya ginagawa? Mas Magaan Magtrabaho, kong May Maayos na Pinapa-hingahan. at nasa Maayos ang Lagay nang Buong Pamilya. At pasasalamat na Daw niya iyon sa Magandang Serbisyo sa Kanya nang Mga Tao..Hinde lamang Sa Pa-bahay, Natatapos ang Pagtulong ni Lola. Pati na din sa Pag-aaral nang mga Anak nang Kanyang Trabahador. Katunayan nag patayo pa ito Nang Sarileng Paaralan, Sa iba' t-ibang Baryo, pati na din sa kabayanan nang San Andress. Mula Elementarya,Hanggang High School, Ay sa mga baryo Nya Naisipang Ipatayo.Samantalang Ang Kolihiyo ay sa Bayan nang San Andress.Galing Sa Hirap si Lola.Kaya Ramdam nito ang Hirap at sakripisyo nang mga Batang nag-tatrabaho, at nag -aaral..Ito ang madalas na Tulongan ni Lola.Kaya karamihan sa Nakatanggap nang Scholar ay mga Working Student..
Mahihinang Katok sa Bintana nang Aking Kotse ang nag-pabalik, sa akin sa Reyalidad. Agad ko itong Pinag-Buksan nang Bintana, at Masaya ko itong Binati. Bakas ang Gulat, at saya sa Kanyang mga Mata.
""Magandang Gabi,! Manong Larry.Kamusta po? Magiliw kong Pagbati dito.
""Ikaw na ba iyan, Señorito Joshua? Aba'y Ikaw nga.Hinde Agad kita nakilala ang Laki mo Na at Binatang-binata kana.Hinde na ako.magtataka kong Madami nang Napaiyak Na Babae ang Ka-Gwapohan mo. Welcome Back Señorito. Masaya ng-Masaya ako at Nakabalik kanang Muli dito. May Bahid pag-Bibiro nito.."Maayos Naman kami dito Señorito.Suportado pa din kami nang Lola mo. Nakangiteng Dugsong nito..
Gusto kong Mapangiwe sa Unang Sinabi nitong Madaming Napa-iyak.Kong alam lang nito ang Sinapit ko sa Babae.Baka isa ito sa Pagtatawan ako..Naiileng kong Kastigo sa Sarile..Ngite na lamang ang Naging Sagot ko kaya Nag-paalam na itong Bubuksan ang Gate.Kaya tinanguan ko na lamang ito.
Halos Ilang Kilometro pa ang Layo sa Mansyon.Ngunit aninag kona ang Malakas na Liwanag na Nag mumula duon at Ang malakas na tugtogin. Napa-iling na lamang Ako.Habang nakapaskil pa din sa aking Labi, ang Isang Ngite."" Si Lola talaga nag-abala pa! Pipe kong Usal.
Nang makarating sa Bungad ng Mansyon,agad kong 'ginarahi ang aking Sasakyan.Mabilis akong Lumabas,Iginala ang Paningin.Nakakatuwa lamang pag-masdan.Ang mga Taong nakangite.Bakas sa kanilang muka ang saya..Nakakataba nang Puso ang Mainit na pagsalubong sa akin nang mga tao.
Halos lahat nang upuan ay Ukupado.May matanda,Bata at Mayroon ding Dalaga't-binata. Habang Abala ang aking mata sa Paglilibot. Naramdaman kong parang kanina pa'y, may mga matang sa 'aki'y nakatingin bukod sa aking mga taong kaharap. Dumako ang aking mga mata sa Bintana mula sa itaas nang Aming Mansyon. At hinde nga ako nagka-mali sa Aking Pakiramdam. Isang Bulto nang Babae ang aking Nakita, at nakatingin din ito sa akin. Hinde ko Maaninag ang Kanyang Muka, Dahil sa Layo nang Distansya, Pero naka sisiguro ako na Isa iyong Babae. Base na Din sa Haba nang Buhok, at Pangangatawan. Kahit sa Malayuan makikita mo ang Kurba nang Kanyang Katawan.Hinde ko Mawari ang aking Sarile nguni't para akong namagnit sa aking kinatatayuan at hinde ko maalis ang pag nakatingin sa kanya, kahit pa nga ba madami na ang tumatawag sa aking pangalan, sa kanya pa din ang aking Buong Atensyon.Hinde ko pa man nakikita ang may Ari nang Bultong 'yon ay Napapa-bilis na nito ang t***k nang Puso ko. Nang Mapansin siguro nang Dalaga na Nakatingin din ako sa kanya ay agad itong Bumalik sa silid. Pakiramdam ko'y dismiyado pa ako nang hinde na ito Makita.." Shitt! ano kaba naman Self! andito ka para mag Move on hinde para magpalokong Muli".kastigo nang isang bahagi nang utak ko. Naawat lamang ang aking Pagtingin sa Taas nang magsalita sa aking tabi. sa wari'y koy kanina pa din ito nakatingin sa aking Tinitingnan.dahil Okopado nang Babae ang aking isipa'y hinde ko naramdaman ang pagdating nito.
"" Siya si Cristal! Napaka Gandang Bata iyan, Mabait, masipag, matalino at Palakaibigan.Bunos na lamang ang kanyang Pagiging Malambing. Bakas sa Boses nito ang Paghanga sa Dalaga. Nakangite ko itong Hinarap, kahit nagulat sa Presensya niya ay hinde ko iyon Pinahalata.Tangeng tango lamang ang aking naging sagot sa kanyang mga sinabi, para iparamdam dito na hinde ako Intresadong malaman kong anong klaseng tao ang dalaga.Ngunit sa aking loob ay Nasiyahan ako sa aking Nalaman.At bigla ang pagsibol nang Interes na Makilala ang Dalaga.
"" Lola Aida!" Galak na galak ang aking puso.Nang Masilayan muli ang aking Mahal na Lola.Agad ko itong Niyakap nang Mahigpit at hinalikan sa Noo. Gumanti naman ito nang Yakap sa akin na May ngite sa mga Labi."" I Miss you My Grandma!.""
"" Apo! Mabuti naman at Naisipan mo na akong Dalawin. Akala ko'y pagpatay na ako saka ka lamang Nabalik dito sa Mansyon. himig pagtatampo nitong sabi sa akin.
""Im-im sorry! Im sorry lola!. Naging Busy lamang Po ako sa aking trabaho. at hinde nagkaroon nang Oras na Makapamasyal dito sa iyo. Pero ang importante ay Andito po ako ngayon sa Inyong Harapan. Kaya wag nyo pong Sabihin na Pagnamatay kayo ay saka lamang ako magpapakita.Hinde po iyon ganon lola!.hayaan nyo po at Babawi ako dahil hinde lamang Araw, linggo.Kung hinde Buwan po akong Andito sa inyo.. Agad naman itong Bumitaw sa Pagkakayakap sa Akin nang Matapos kong Magsalita. Nangingilid ang Luha nito, pero hinde naitago ang saya sa Mga Mata nang Matanda.Marahil hinde ito Makapaniwala sa tagal kong Pananatili dito. Matagal na kasi itong nag lalambing na Umuwi kami dito, pero talagang Gipit sa Oras.Lalo na noong Umpisahan kong Ipatayo ang Sarile kong Kumpanya. J.A Construction Buildeng. Binabalak ko pa nga itong palitan nang Pangalan, pag Uwi ko..Hinde kasi maganda ang Ala-ala nang Pangalan na iyon. Pero saka kona lamang iisipin ang Bagay na iyon. sa ngayon ay Eenjoy ko Muna ang Bakasyon.
"Talaga ba Apo! magtatagal ka dito? Masayang tanong nito sa akin.
""Tree to Four Months Lola! Depinde sa katawan ko kong Handa na ba uli't magtrabaho. Labis ang Saya na namutawi sa medyo may kulobot nang Muka ni Lola.Hinde na nga nito napigilan ang Kumawalang luha sa kanyang mga Mata.Agad ako nitong muling Niyakap nang mahigpit kaya ginantihan ko din ito nang mahigpit na yakap.
Bago pa man kami magka-iyakan ay Inaya ko na 'to. Sa Bulwagan dahil nag hihintay Na ang mga Tao, na sabik ko na ding Makita. Bago Umusad sa 'king kinatatayuan ay muli kong tiningala ang kwarto sa itaas, at nakita kong muli itong nakasilip.Agad na akong hinila ni Lola, kaya nawala na roon ang aking Atensyon.