Cristal.
Halos Dalawang Buwan, na din ang Nakalipas, simula nang magtapos ako nang Grade12. Sa susunod na buwan nga ay kailangan ko nang mag Enrol.Hinde pa ako nakakapili nang papasokan.Ang sabi ni Lola ay mas maganda daw sa bayan, kaya lamang ay medyo malayo pa itong mansyon sa bayan kaya nagdadalawang Isip pa rin ako dahil sa layo nang byahe.Kong dito naman ako sa Malapit,Oo nga't ayos din naman ang Paaralan dito kaya lamang ay nasa Mismong Baryo namin iyon nakatayo.Sa ngayon ay ayaw ko pang makita si mama.
Marami ang nangyari sa mga nakalipas na araw nang Pananatili ko sa Mansyon ni Lola.Malimit na din dumalaw ang kaibigang kong Si Mike, at Marie sa akin, palage ko silang sinasama sa taniman kaya tuwang,-tuwa ang dalawa..Ang sabi ni Lola hinde ko naman daw kailangan magtrabaho o pagudin ang sarile ko para tumolong sa mga gawain sa bahay at sa taniman, ngunit tumanggi ako, tama na yong pinatira nya ako nang libre at susuportahan ang aking pag-aaral.
Upang makabawi sa lahat nang tulong ni Lola pinakiusapan ko ito na mag-tatrabaho ako sa Mansyon.kaya ito ako ngayon tumotolong sa pag harvest ng mga UBas, 5:00 am ng Umaga ay sinimulan na namin ang mamuti para hinde kami abutin nang masyadong Init.Halos ang lahat nang tauhan dito sa Mansyon ay Nakakasundo kona kahit pa nga ba meron ibang pinag-lihi ata sa sama ng Loob.Hinde ko na lamang Pinapansin, kahit saan ata naman saang Lupalop nang Lugar hinde mawawalan nang ganitong Klase nang Tao, ang kulang sa Pansin...
"" Cristal! Sama ka sa amin mamaya maliligo kami ni Martin sa Batis. Nang sa ganon Makita mo din ang napaka gandang bAtis dito sa loob nang Hacienda ni Lola Aida.Pang hihikayat sa akin ni Alma.Agad naman na nagning-ning ang aking mga mata, palagi kong naririnig sa mga tao dito ang tungkol sa batis na iyon, ngunit halos Tatlong Buwan na ako dito ay hinde ko pa iyon Nasisilayan, dala na din nang pagod sa trabaho dito at wala din naman akong kasama..
"" Oo nga Cristal. Sumama kana sandali lang tayo doon para naman ma enjoy din natin ang Bakasyon.Alam mo ba favorite place yon nang Apo ni Madam Aida.Kwento naman ni Martin.
Hinde ko alam kong bakit kahit hinde ko pa nakikita ang Apo ni Lola Aida ay parang Excited ako na makilala ito.Sabi nang mga nakakakilala dito ay may pagkasuplado daw ito ngunit may mabait din naman Puso lalo na sa mga trabahador, Sabi ni Lola Kahapon sa Akin sa darating na araw ay Dadating ang kanyang Apo.kaya pawang abala ang mga tao sa Mansyon, Pinaghahandaan ang pagdating nang Nag-iisang apo ni Lola.
""Susubukan kong mag paalam kay Lola At Nanay kong payag sila ha pero hinde ko maipapangako, dahil alam nyo naman na dadating ang señorito kaya baka may ipag Utos sa akin sa Mansyon.Malungkot kong sabi sa dalawa, gustuhin ko mang sumama, ay baka hinde din ako payagan dahil sa mga gagawin sa loob nang mansyon.
Tuwang-tuwa ako nang Pumayag si Lola at Nanay na sumama ako sa Batis kay Martin at Alma, talagang sinamahan nila akong mag Paalam kila lola kaya Halos magtatalon ako sa tuwa nang Pumayag sila at agad kong Niyakap si Lola.
"" Ay diyos kong bata! maghinay-hinay ka nga para kang Hinde dalaga kong Kumilos.ngingite-ngiteng paninirmon sa akin ni Lola pag kalas ko nang yakap dito.Ganon din ang Ginawa ko kay Nanay Niyakap ko din ito Nang mahigpit, Iiling-iling naman itong Niyakap ako pabalik..
"" THank you Lola, Nanay.I love you..
"" Mahal ka din namin Anak..Tugon ni nanay kita ko pa ang Pag bagsak nang Munting butil na luha nito na agad din namang pinunasan..
"" Napaka swerte namin sayo apo..excited na akong makita mo ang Isa ko pang Apo panigurado na magkakasundo kayo.Nakangiteng pahayag ni Lola.ngite lang din ang isinukli ko sa kanila.At nag-paalam na Aalis na upang hinde gabihin.Ang dami ko pang dalang pagkain sa Basket na si Martin ang may Bit-bit.Hinde pumayag si Nanay at lola na hinde kami mag dala ang Pagkain at baka magutom daw kami.
Nang Marating sa Batis.Ay subra akong namangha, Mayayabong na Puno, ang tumatakip sa batis kaya malilim ito, mga Huni nang ibon na kaysarap pakinggan. Napaka Presko nang Hangin nakakarelax, parang nawala lahat nang bigat sa dib-dib ko.At nakakamangha ang ganda nang Tubig, kitang -kita ang Ilalim nito, ang mga bato sa Ilalim at ang mga Isda na Malayang Lumalangon.
"" Wow!! Ang ganda naman dito!. Naibulalas ko puno nang Paghanga sa Lugar.
"" Alam mo ba Every Month Pumupunta kami dito ni Martin Upang makapag Pahinga.Kwento ni Alma habang hinde maalis ang ngite sa mga labi.
"" Dito kami madalas Tumambay maski nong mga bata pa kami.Kasama pa namin si Señorito Joshua.Pahayag Naman ni Martin.
"" Talaga.!kong ganon magkakakilala na kayo sapol mga bata kayo? tanong ko sa dalawa.Sabay naman silang tumango. Pero may nakikita akong Lungkot sa mga mata nila.
'"" Magkakaibigan kami sapol noong Andito pa sila, Dito ipinanganak si Señorito Joshua, kaya sabay-sabay kaming Lumalaki, ito ang Palage naming tambayan tuwing tumatakas siya sa Mansyon. Ayaw nang Mommy nya na Lumalapit sa amin si Joshua dahil sa Mahirap lamang daw kami, at hinde kami nababagay mapalapit sa kanyang anak.Kaya tumatakas si Señorito upang Makalaro kami.Napakabait na bata ni Señorito ngunit subra kaming malungkot na kailangan na niyang Umalis.Hinde magkasundo ang Lola Aida mo at Ang Mommy ni Señorito kaya Mas Minarapat ng Daddy ni Señorito na Ibukod ang kanyang Mag-ina.At doon nila napiling manirahan sa maynila.Nalungkot naman ako sa kwento ni Martin.Kawawa naman pala ang nangyari kay Lola mag -isa siyang namuhay dito Sa hacienda.
""" Kong ganon ang sabi nyo bata pa non si Señorito.Iyon na ba ang huli niyang pagpunta dito?? tanong ko sa dalawa.
"" Dumadalaw-dalaw dati yong Mag-ama dito ngunit nabalitaan namin Limang taon simula nang Umalis sila Dito.Nag Punta daw ang Mag-anak sa London at Doon nanirahan. si Alma ang Sumagot.
""kilan Ang Huling Nakita nyo ang señorito??patuloy kong tanong Hinde ko alam bakit intrisado ako sa buhay nya.parang may bahagi nang puso ko ang gusto siyang makilala.
"" 3years ago noong Last na Punta niya dito bago siya nag Graduate nang Architic. Napamulagat naman ako sa sinabi ni Martin, hinde sa Tagal na panahong hinde nakakauwi dito ang Señorito.Kong hinde dahil sa tinapas niya..As In Wow!!
"" Talaga isa siyang Architect!! hinde makapaniwalang tanong ko sa dalawa!Nagkibit balikat lang naman ang Dalawa na parang Wala lang sa kanila ang Tinapos nang Amo namin.
"" Bat parang Gulat na Gulat ka.Remember mayaman sila kahit anong Kuhaning Kurso ni Señorito kayang kaya niya..Taas kilay na sita sa akin ni alma.
"" Oo nga't mayaman sila.Nagulat lang ako.Pangarap ko din kaya yon.Kaso malabong mangyari, sa hirap ng buhay.Hinde ko kakayanin yon, sa kita lang pamimitas.Malungkot kong Pahayag sa kanila.Kita ko naman ang Tungkot sa kanilang mga mata.
""Sabagay tama ka. Swerte si Señorito dahil kahit hinde nya Pag -hirapan makakapag-aral siya nang Gusto nyang course.Hinde katulad natin kailangan pa natin pag Trabahuhan.Kaya lang malas naman sa Pag-ibig.Iiling -ileng na Komento naman ni martin. Ako naman ang nagolohan sa Dalawa kong saan ba ang Punta nang Usapan.
" Anong Ibig mong sabihing malas naman sa Pag -ibig??? hinde naman makapaniwalang tinignan ako nang dalawa..
"" San kabang Lupalop Galing Cristal?? Magkakasama na kayo sa bahay nila Madam Hinde mo pa alam ang nangyari kay Señorito.Ako naman ang kakamot kamot silang Tiningnan.
"" Anong magagawa ko kong Hinde nyo ako katulad na marites!! Hinde ako nakikinig sa Usapan nila lalo na pag pamilya.Paliwanag ko sa dalawa na may ngise sa labi..Napag hahalata talaga ang mga marites.Natatawa kong sigenda.
""kami marites??hinde no!! Aksidente lamang namin iyong narinig sa mga kasamahan natin.kalat na kalat na kaya yon.Kaya daw mag babakasyon si señorito dito para makalimutan ang naranasang kabiguan sa fiance nya..Dipensa naman ni Alma na may lungkot sa Muka.Ako man ay nalungkot din sa sinapit nang aming Amo.
"" Siguro panget siya or masama ang Ugali kaya Siya iniwan nang Fiancee niya.Matamlay kong sagot.Na ikinamulagat Nang mata nang Dalawa at sabay Na tumawa.Ako naman ngayon ang nagulohan.wala naman akong sinabi na nakakatawa anong problima nang Dalawang ito.
"" What? May nakakatawa ba sa Sinabi ko? taas kilay kong tanong sa Dalawa.Bigla naman ang pagtahimik nila.pero hinde pa rin makakawala sa tingin ko ang mga.ngite nilang pilit pinipigilan..
""Seriously! Cristal naisip mo yan.Palatak ni Alma na hinde mawala wala ang munting ngite sa labi.
"" Sa Ganda ni Madam Aida.At Gwapo ni Sir maiisip mo tlaga yan...Gatol pa ni Martin.
"" Oh! kong hinde ganon ano pala ang Dahilan?? Tanong ko sa dalawa.
"" Hinde din namin alam.Pero Isa lang ang Sigurado namin na Gwapo si Señorito kaya baka pag nakita mo yon ay lag-lag ang Panty mo sa kanya.Tila kinikilig naman na sabi ni Alma..Ako naman ang hinde makapaniwala na tiningnan si Alma.
""At bakit naman malalag-lag ang Panty ko e Ang tibay nang Garter nito at Hinde luwag.Inosente kong sagot.Na lalong nagpalakas nang tawa nang Dalawa.Naiinis na talaga ko sa dalawa na ito.tawa na lang ng tawa makaligo na nga lang kesa makipag -usap sa Dalawa na ito.
Iniwan kona silang dalawa at Lumusong na ako sa batis.Noong Una ay gusto ko pang pagalitan ang Sarile ko at Umalis na lang sa batis dahil sa Subrang lamig.Ngunit nang magtagal at masanay ang aking katawan.ay ang sarap sa Pakiramdam.Hinde din naman nagtagal ay sumunod na din sa akin ang Dalawa.Halos dalawang Oras ata kaming nakababad bago magpasyang Umahon upang Kumain.Hinde pa rin mawawala ang Tawanan at Asaran. Masayang natapos ang aming paliligo at napag pasyahanan nang Umahon noong nagdidilim na...