Matapos ng maliligayang araw nila ni Paul sa bahay ni Yna ay bumalik na ulit siya sa trabaho, sa normal sana niyang buhay. Ngunit ang siste hindi katulad ng dati na naghihintay lang ang lalaki sa kanyang bahay dahil sinusundo na talaga siya ni Vicente sa hospital. Hindi na niya alam kung anong isasagot sa itchusera niyang sekretarya na may kakaibang ngisi sa labi sa tuwing sinusundo siya ng lalaki. Katulad nalang ngayon na bigla nalang itong kumatok sa kanyang clinic na may kakaibang kislap sa mga mata. "Doc?" anang sekretarya niya..Nag angat ng tingin si Yna mula sa binabasang ultrasound ng kanyang pasyente. "Yes, Jess?" "Andyan na naman siya." Nakangiting turan nito na tinuro pa ang labas ng pinto. "Sino?" "Si pogi na laging sumusundo sayo..Grabe ang hakab ng damit doc, Pwedeng

