Pagsapit ng hapon ay saktong patapos na si Yna sa hospital. Hindi siya masyadong napagod dahil pa ilan-ilan lang naman ang pasyente sa araw na iyon. Uuwi siya ng maaga ngayon dahil may gusto siyang kainin..Dati naman noong ipinagbubuntis niya si Paulen ay wala siyang matinding craving pero ngayon ay parang may bigla nalang pumasok sa isip ni Yna at nag connect sa tiyan niya.. Iniisip palang niya ang pagkain na iyon ay parang nanunubig na ang kanyang bagang. Nagmamadali siyang magligpit ng mga gamit at nag apply ng manipis na lipstick. Pagkatapos ay lumabas si Yna sa opisina bitbit ang kanyang shoulder bag. Sigurado ang bawat hakbang niya patungo sa lobby nang may humarang sa kanya.. It was her mom. Agad na bumaba ang tingin nito sa bandang tiyan ni Yna kaya alam na niya kung ano ang pa

