Matapos niyang kumain ay ito na mismo ang nagligpit ng pinagkainan niya. Wala siyang ibang ginawa kundi sundan ang bawat kilos ni Paul. Nang makabalik ito galing sa kusina niya ay nagkatininginan ulit sila ng lalaki. "S-salamat.." siya ang unang nagsalita dahil mukhang wala itong balak. Tumango naman ang lalaki at dinampot ang susi ng kotse nitong nakapatong sa ibabaw ng cabinet niya. "I'm leaving. Take your meds and don't go to work." anitong may kasama pang bilin. As if kakayanin niyang pumasok sa hospital na hindi kailangang mag wheelchair. Baka mas kailangan pa siyang gamutin kesa sa mga pasyenteng nandoon. "You're not concerned, don't you?" sa halip ay sambit niya. "I'm not, Yna." "Alright then. Kaya ko na ang sarili ko. Go." pagtataboy niya sa lalaki. Parang ayaw pa nitong uma

