Pagmulat palang ng mata ni Yna nang umagang iyon ay parang pinupokpok ang ulo niya sa sobrang sakit. Resulta na siguro iyon sa sobrang pag-iyak niya magdamag. Tumayo siya at tinungo ang banyo para sana maghimalos pero nang matitigan niya ang sariling repleksyon sa salamin ay natigilan si Yna. "You looked liked a f*****g mess, Doctora.." mahina niyang bulong sa sarili na sinabayan ng iling. Mugto ang mata at namumula ang mukha. May eyebags pa siya sa ilalim ng mata na parang kinagat lang siya ng bubuyog. Napailinh nalang si Yna at nagpatuloy sa paghilamos. Nag toothbrush nalang sin siya at nagbihis ng komportableng damit pambahay. Wala siyang pasok ngayon sa hospital dahil linggo kaya maglilinis muna siya ng bahay tapos mamayang hapon na siya magsisimba. Una niyang nilinisan ang buong

