CHAPTER 18
Paano ko na sasabihin sa kay Fire na ipapakasal na ako sa iba ni Daddy?
Maya maya ay pumasok na kami sa kwarto ni Fire. Madaming nakakabit sa katawan niya. Naluluha ako, pero dapat magpakatatag ako.
Tumatawag sakin si daddy, at lumabas ako para sagutin tawag niya.
"Sweetheart, they will gave us 1 week for you to choose. Just please accept it, and marry the long lost son he is still missing, so you can be with fire for a short moment. He is Aliazar Geral Treias. He is still missing in 20years" saad ni daddy, galit pa din ako sa kanya dahil pinapa arrange marriage niya ako sa hindi ko naman kilala.
Dahil sa Private ko dinala si Fire, kaya malaki din ang bills at kapos ang company kaya kailangan ko mapasang ayon. At kahit nalang sa unang pangalan ni Fire ay magkaparehas sila, kaya kahit papaano iimagine ko nalang na si Fire ang papakasalan ko.
[5 days later]
"Ho nanay goreng?! Sino po ang kumuha sa kay Fire?!"
Naiinis ako dahil may kumuha sa kay Fire. Na kakarating ko lang sa Hospital dahil sa sobrang busy hindi na ako nakapunta ng limang araw.
"Iha, totoong magulang niya. Nagpa Dna test na din sila na malaman ay anak nila si Fire. Kaya inuwi na nila si Fire sa Bahay nila" rinig ko sa boses ni Nanay Goreng ang puyat at pagod
"Anong totong magulang? Nanay Goreng diba ikaw ang totoong magulang niya?!" Hindi ko na namalayan na tumaas na ang tono ko sa kanya
"Hindi Iha, simula nung anim na taong gulang pa si Fire ay saka na siya napunta saamin. Pinagamot namin siya sa hospital kase nabangga din siya ng kotse kaya siya nagka amnesia. Kaya nagsabi na din ako sa presinto na ganoon nga, pero hindi ko pa nasasabi sa kay Fire na hindi ako ang totoo niyang magulang" humahagulgol na sa iyak si Nanay Goreng, hindi din ito nasabi sakin ni Fire. Ang alam ko lang ay nagka amnesia lang siya
"Nanay Goreng, saan po nila dinala si fire?"
"Hindi ko alam, pero mukhang mayaman dahil madaming gwardya na nakaaligid sa kanila. At may nakasunod na kotse na kulay itim din" pagpapaliwanag niya saakin
Naghire ako ng secret investigator pero kahit ito ay wala din napala, hindi niya malaman saan si Fire. Naiinis na ako!
[Wedding Day]
"Daddy... Tama ba tong ginagawa ko?" naluluha na ako na iba ang papakasalan ko
Tumango lamang siya, at hindi ko na din ito sinabi sa kay Nanay Goreng kahit siya ay malulungkot sa balita na ito.
Nasa labas na ako ng pintuan, nasa church kami dahil ang gusto ko ay Church wedding, at ang taong ipapakasal sana saakin ay Si Fire. Pero mukhang hindi na matutuloy.
Yumuko lamang ako habang naglalakad, hindi ko kayang tingnan ang mukha ng papakasalan ko.
Nang makarating ako sa altar ay bumaling ang tingin ko sa lalaki.
"Fire?....." bulong ko
"Totoo ba to? Ikaw ba talaga yan fire? O nag iimahinasyon nalamang ako" bulong ko pa
"Hmmm.... Ano sa tingin mo?" cold niyang sagot sakin na wala man lang kibo
"Aliazar Geral Treias, are you accepting this woman in front of you to be your wife and cherished her forever?" Saad ng pari
"Yes, I do"
"Anafisa Rhain Libera, are you accepting this man in front of you to be your husband and cherished him forever?"
"Y-yes... I do" sagot ko
"Now I pronnounce you husband and wife, now you may kissed the bride" saad ng pari