Lunch Date

1468 Words
CHAPTER 3 "Hindi ako makapili ano kakainin ko, pwede ikaw nalang ba Ana pumili para sakin?" pagpapakiusap niya sakin "Sure, why not?" I signed the waiter for me to order. "2 pasta, 2 lemon juice, 1 White Caviar, 2 Crab soup, 1 pepperoni Pizza, and 1 margarita pizza, Chicken Curry also, and a bowl of rice" I ordered The waiter repeated my order, at tumango lamang ako. "An-anafisa, siguro sobrang dami naman ata ng order mo? Dalawa lang naman tayo kakain" saad niya, pero nang marinig ko ang tiyan niya natawa ako "Sorry" pagpapaumanhin niya dahil sa tiyan niya na kumulo "HAHAHA it's okay, mauubos natin yan" pagpapa encourage ko sa kanya Ilang minuto lang nandiyan na ang order namin. At nilagay na sa mesa namin. "Wow! Andami!" Pagkamangha niya "Wala pa tayo dessert, kaya wag ka muna mamangha" ngiti ko, mukhang di talaga siya nakakakain ng ganon kaya pati sa reaksyon niya at natutuwa ako. Nagsimula na kami kumain, at dahan dahan lang ako kumain. Habang ito si Fire ay sobrang bilis kumain. "Fi-fire.. dahan dahan ka lang kumain baka mabulunan ka" pagpapaalala ko lang sa kanya, ako kinakabahan sa ginagawa niya e. "So-sorry" nauutal niyang sabi at habang nagsasalita may pagkain pa sa bibig "Okay lang yun, pero dahan dahan ka lang" at nginitian ko siya. Maya maya ay nabulunan siya hayss.... Nagsenyas ako sa waiter na papakuha ng tubig, kaya binigyan niya kami ng 2 tubig. At pinainom ko kay Fire. Hinampas niya ang dibdib niya, tas uminom pa ng tubig. "O-okay na ako, salamat" "Walang anuman, dahan dahan ka nalang sa pagkain para di ka mabulunan" pasweet voice muna ako haha Maya maya ay naubos niya na ang kanin niya, at ang ginawa niyang ulam ang white caviar at chicken curry. As for me, chicken curry nalang since I don't like caviars nor fish. Pagkatapos niya naubos ay sakto dumating na yung pepperoni pizza at yung margarita pizza. "Ito tikman mo masarap to" turo ko at kinuha ang margarita pizza saka sinubo sa kanya "Ohmygoshhh sinubo ko sa kanya!!!" Naguumapaw ako sa kilig at saya di ako makapaniwala "Masarap ba?" pagtatanong ko, sana masarapan siya "Oum masarap" chaka nginitian ako, parang umaapaw yung saya sa loob ko Chaka kumuha na din siya ng pepperoni pizza at margarita pizza, pinag alternate niya nalang. Chaka ako ganon din. Hanggang sa naubos na namin. "M-may dumi ka sa labi" chaka pinunasan yung dumi sa gilid ng labi niya "Salamat, ikaw din meron" chaka pinunasan niya din sa labi ko kaya di ako makagalaw at mas nagulat ako nung sinubo niya sa labi niya... "Ohmygoshh!! Sinubo niya! Pakshet!!" Nag uumapaw na salita sa isip ko "Sa-salamat" nahihiya ata nauutal na ko! Napapayuko nalang ako sa hiya "Busog kana ba?" tanong ko sa kanya "Hmm.. oo" tipid niyang sagot sakin "Pwede order muna tayo ulit ng dessert?" saad ko "Ahh e, busog na kase ako, if gusto mo sasabayan kita pero isa nalang sana sobrang mahal kase chaka di ko din naman mauubos sayang lang kung ganon" pagdirekta niya ng sagot sakin "Hmm.. sige hati nalang tayo" saad ko Nagsenyas ulit ako sa waiter na mag order ulit ako "1 banana sundae" I ordered saka umalis ang waiter "Pwede mo ba makwento ang buhay mo?" tanong ko sa kanya, since nacucurious ako about sa kanya "Hmm... Sige since magkaibigan naman tayo, chaka sabi ng Nanay Goreng, naaksidente daw ako kaya nagka amnesia ako. Chaka pinapamaintain ko yung grado ko at moral para sa scholarship ko, ng makapasa ako at makakuha ng full scholarship at makapag aral sa mataas na paaralan para mas mabilis ako matanggap sa mga trabaho o course na pinag aaralan ko" pagkukwento niya sakin, nalungkot ako ng marinig iyon "Nakakalungkot isipin na pinag daanan mo lahat ng yun, saan ka pala nagtratrabaho?" tanong ko sa kanya "Sa may Jabee crew lang ako nagtratrabaho, sa mga fastfood" napayuko siya, nahihiya ata siya na sabihin sakin "Magkano naman kinikita mo sa isang oras o araw?" Dapat malaman ko lahat tungkol sa kanya "150pesos per day ako, kahit papaano nakakaluwag naman na nakakabili ako ng ulam chaka bigas para sa kay Nanay Goreng at yung kapatid ko na dalawang taon na si Nina" "Hmm.... Pwede ko ba kayo mapuntahan o mahatid ka bago umuwi?" pagtanong ko sa kanya "Hu-huwag na, nakakahiya na nilibre mo pa ako sa mamahaling restaurant tapos ihahatid mo pa ako" pagpapaliwanag niya sakin, nalungkot ako nang malaman yun "Sige na pleasee? Magkaibigan naman tayo pretty pleaseee...." pagpililit at nakapouch ako sa kanya para dapat pumayag siya "E- ah maliit lang kase bahay namin" nahihiya niyang sagot "Wala naman sakin problema" "E sige na nga, pagbibigyan kita dahil kaibigan na kita, ikaw pa lang ang una kong kaibigan" saad niya at napangiti ako At dumating na nga ang Banana Sundae na inorder ko. Chaka pinagsaluhan na namin. Pero habang sumusubo ako, nahuhuli ko siyang napapatitig sakin, kaya napapayuko nalang siya. "Fi-fire..?" banggit ko sa pangalan niya "Ano yun?" "Pwede mo ba ako samahan sa mall? Mamimili lang sana ako chaka hatid na din kita sa bahay niyo" dugtong ko pa Tumango lamang siya, hanggang naubos na namin yung banana sundae. Matahimik samin, wala masyadong usapan. Nagsenyas na din ako sa waiter na babayad na ko ng bill. Chaka binigay din ito sakin "Ma-magkano ang sa bills?" nahihiya niyang tanong "40,734 pero ako na bahala dun" chaka nginitian ko siya, at nginitian niya din ako ng matipid Nilagay ko na ang card ko sa bills, at kinuha na ng waiter. Maya maya binalik na din saakin. Buti talaga di ito kinuha ng daddy at di niya pinablock ang card na binigay niya sakin. Tinawagan ko muna si Tatay Erni, para sunduin kami. Ilang minuto lang din nandito na siya. Kaya lumabas na kami at sumakay. "Tatay Erni, sa mall po" chaka tiningnan ko ang phone ko at madami nag reacts sa i********: post ko tungkol kay Beatrice, andami din shares nasa 20k shares na. Tiningnan ko ang oras sa phone 3:12pm na pala. Nagsimula ng ipaandar ni Tatay Erni yung kotse, chaka malapit lang naman kami sa mall. 15mins lang na byahe, natraffic lang kunti. Pero tamad talaga ako maglakad lalo na sobrang busog ako "Fire, ano yung i********: account mo?" tanong ko sa kanya, sana sabihin niya "Ah, e ano kase.... Wala akong phone" nauutal at nahihiya niyang sagot sakin kahit ako nagulat "What!!! Ohmygoshh!! Ikaw lang ata yung tao na walang phone na kilala ko!" napayuko siya sa sinabi ko, naiilang na siya "Sorry, sorry di ko sinasadya sadyang nagulat lang talaga ako. Pasensya na" "Okay lang yun sakin" chaka nginitian ako na mapait, alam ko sa sarili ko na hindi totoo yung ngiti na yun Nakarating na din kami sa mall sa wakas, chaka hinawakan ko ang kamay ni fire, kahit siya nagulat sa ginawa ko. Pero di niya inalis, nakakaramdam ako ng init sa kamay namin na magkadikit at magkahawak. Sakto nakita ko ang mga damit sa panlalaki. Meron din sapatos at mga gamit ng lalaki. Kaya agad ko siya hinila papasok. Bibilhan ko na din si Daddy, at si fire din. Pinaupo ko muna si fire sa upuan. Kumuha ako ng 18 na damit na sa bawat kuha ko na maganda na bagay para sa kanya. Chaka binigay sa babae, para hawakan niya. "Fire, sukatin mo to lahat ng to na pinili ko" sabay turo sa hawak ng babae "A-an-anna naka-nakakahiya" nauutal na siya ng sobra at namumula na mukha niya "Sige na magkaibigan naman tayo, kaya payagan mo na ko" pagmamakaawa ko sa kanya at pagpapapilit. With pouch ulit at cry baby eyes para maawa "Ahh- eh ano kasee si-sige na nga" he replied Kumuha na din ako ng mga pantalon and shorts niya at salamin, chaka belt na din baka need niya. Kumuha na din ako ng Perfume na panlalaki, Ambitious Black Water ang nakalagay. Di naman mamahalin, pero sobrang bango. Kaya oks na siguro yun. Baka kase masyado na siya mahiya na sobrang dami na binili ko. Alam kong di siya sanay e. Binigay ko nalang lahat sa babae di na kaya ng kamay ko. Pumili na din ako para sa kay Daddy, pumili ako ng suite dahil need niya pang meeting at business attire niya. Chaka pollo na din, para makapagbonding kami yun susuutin niya. Chaka binigay na ng babae lahat ng kinuha ko para sa Kay Fire. Yung para kay daddy ay binayaran ko na. Nakita ko lumabas si Fire, naka pollo at nakashorts, nakasalamin din na pang vacation nakahawak yung kaliwang kamay niya sa pocket. Nakaopen yung 2 button niya, nakikita ko yung dibdib niya! Muskulado! Grabe! Ang hot niya! Napapalunok ako sa sarili. "An-anna... Annaa" nagising ako sa imahinasyon ko ng marinig ko boses niya na tinatawag ako "Ba-bakit?" tanong ko, napapalunok nalang talaga ako
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD