Jessa's POV MAGANG-MAGA ang mga mata ni Jessa paggising niya kinabukasan. Wala siyang ginawa kundi ang umiyak nang umiyak. Pakiramdam niya kasi parang kahit anong gawin niya laging may nagiging problema. Parang ayaw ng langit na magkaayos sila ni Xyrius. Linggo ngayon at wala siyang pasok sa school at mamayang hapon pa ang duty niya sa coffee shop. Wala siya sa mood bumangon. Ayaw niyang gumalaw sa pagkakahiga habang nakatingin sa kisame. Ilang oras siyang ganoon hanggang sa maramdaman niya ang pagkalam ng sikmura napilitin siyang bumangon at nagtungo sa maliit na kusina niya. Kumuha siya ng cup noodles sa cup board at nilagyan iyon ng mainit na tubig. Sumalampak siya sa sofa na ilang hakbang lang mula sa kusina. Inilagpag niya sa lamesita ang cup noodles ng may mapansin siya. Din

