Chapter 3

1697 Words
Jessa's POV UMUWI siyang bagsak ang balikat matapos puntahan ang Tita Beth niya, kapatid ito ng Mommy niya pero wala rin siyang napala. Tumanggi itong pautangin siya kahit na halos magmakaawa siya dito. Ganun din ang ibang mga kamag-anak nila na nilapitan niya. Iisa ang sagot ng mga ito at mga walang balak pautangin siya. Sa dami ng mga kamag-anak nila wala siyang nahingan nang tulong kahit isa. Samantalang noon natatandaan niya laging lumalapit ang mga ito sa Mama niya lalo na sa Papa niya. Mga nangungutang at nagsasanla. Pero bakit ngayong sila ang nangangailangan nang tulong wala man lang gustong tumulong sa kanila? Nakakasama ng loob. Nakarinig pa siya ng masasakit na salita kesyo bobo raw kasi ang Papa niya at uto-uto. Pagod at sama ng loob lang ang napala niya. Naubos ang buong araw at pamasahe sa pagbabakasaling may isa man lang sa mga kamag-anak nila ang makakatulog sa kanila pero wala, nga-nga! Isa na lang ang naiisip niya. Ibenta ang bahay. Malaki ang bahay nila, mansion na ngang maituturing, ang alam niya milyon ang halaga ng bahay nila. Pwede niya iyong ibenta at ang matitira ay kukuha siya ng mas maliit na bahay para sa kanilang mag-ama. Nagmamadali na siyang pumara ng taxi at nagpahatid sa bahay nila. Wala ang Papa niya pagdating niya. Agad siyang umakyat sa library kung saan nagsisilbing opisina noon ng Mama niya. Ganoon pa rin ang ayos niyon walang binago at pinanatiling ganoon kung paano ito iniwan ng Mama niya. Biglang kumirot ang puso niya sa alaala ng ina. Kung nabubuhay siguro ito hindi ganito ang buhay nila ng Papa niya. Hindi niya kailangang lunukin ang pride at magmakaawa sa ibang tao para makahingi nang tulong. Nilapitan niya ang desk ng Mama niya at dinampot ang picture frame nito roon. Naupo sa swivel chair habang tinititigan ang picture ng ina. "Ma, bakit kasi nagmadali kang umalis? Hindi ko tuloy alam kung paano ako hahanap ng sampung milyon pang bayad sa utang ni Papa," pagkausap niya sa litrato ng ina. "Sapian mo naman ng kahit konting swerte si Papa." Suminghot siya at hinaplos ang litrato ng Mama niya. "Kailangan kong isangla itong bahay o ibenta nang tuluyan para hindi chop-chopin si Papa. Si Papa naman kasi nagpauto sa Ninong, ngayon kailangan naming magbayad ng sampung milyon!" maktol niya saka napahagulgol. Ayaw niya rin namang ibenta ang bahay nila. Dito na siya lumaki at nagkaisip. Maraming memories ng Mama niya ang naririto sa bahay na ito. Mahal niya ang bahay na ito dahil pakiramdam niya kapag nandito siya kasama niya pa rin ang ina. Pero kailangan niya itong bitawan pati ang memories ng Mama niya alang-alang sa Papa niya. Tinuyo niya ang luha at ibinalik ang picture frame sa puwesto nito. Binuksan niya ang cabinet para kunin ang susi sa filing cabinet na pinaglalagyan ng mga papeles. May mga notebook, mga resibo at ballpen na naroroon. Hanggang sa natigilan siya nang makita ang sobre na galing sa isang bangko. Bigla siyang kinabahan. Dinampot niya ang sobre. Bukas na iyon. Kinuha niya ang laman sa loob at binasa ang nilalaman. Nanlumo siya ng malamang notice iyon galing sa banko. Mayroon na lang silang ilang lingo para matubos ang bahay nila. Nakasangla pala ang bahay nila! IYAK SIYA nang iyak nang makausap ang Papa niya. Inamin nito na last year pala nakiusap ang pinsan ng pinsan ng Papa niya at nanghihiram ng pera dahil nakulong ang anak nitong na sa saudi. Malaking halaga raw ang kailangan dahil kailangan daw magbayad ng private lawyer para gumalaw ang kaso, sa dami raw kasi ng inaasikaso ng COA hindi raw matutukan ang kaso ng anak nito. Kaya lumapit ito sa Papa niya at nanghingi ng tulong. Naawa naman daw ang Papa niya kaya naisipang isangla sa bangko ang titulo ng bahay nila para mapautang ang pinsan ng pinsan nito. "N-Nangako naman si Magda, anak, magbabayad naman daw sila." Hindi niya kilala ang Magda na tinutukoy nito pero kilala niya si Tita Chet na pinsan ng Papa niya na pinsan naman nung Magda. Kakagaling niya lang sa Tita Chet niya kanina at pinagtabuyan siya nito at tumangging pautangin siya samantalang nasa abroad ang lahat ng anak nito! Tapos ngayon malalaman niya na may utang ang pinsan nito sa Papa niya? "Kailan naman kaya?" galit na aniya sa ama. Ayaw niyang sigawan ito pero sobra na! Ama niya ito pero ang tanga-tanga nito sa totoo lang. "K-kapag daw nakaalis uli ang anak niya..." mahinang sagot nito. Nakaupo ito sa sofa habang nakatayo naman siya sa harap nito. Nilalamukos nito ang laylayan ng damit. Pawis na pawis na rin ang tuktok ng ulo nito at hindi makatingin sa kanya nang diretso. "Kailan naman daw aalis ang anak niya?" ngit-ngit na tanong niya. "At bakit kailangang bahay pa natin ang isangla? Hindi mo naman pinsan yon Pa, si Tita Chet ang pinsan niya bakit hindi si Tita Chet ang nagsangla ng bahay niya bakit ikaw pa ang nilapitan?" Ang hinala niya sinadya at inuto ng Tita Chet niya ang Papa niya. Alam ng mga ito na mahina at madaling mapaniwala ang Papa niya kaya sinamantala ng mga ito at duda rin siya na may balak pang bayaran ng mga ito ang Papa niya. "Paano kung hindi ka bayaran nung Magda? May ilang linggo na lang, Pa, maiilit na ang bahay! Tapos limang araw na lang sisingilin na naman tayo ng mga pinagkaka utangan mo!" Napapadyak siya sa sobrang frustration. Hindi na ata niya kakayanin kung may dadagdag pa-- "Ang hardware?" halos pabulong na lang niyang tanong dahil bigla siyang kinabahan. Napahilamos ng mukha ang Papa niya at biglang humagulgol nang iyak. Napasalampak siya ng upo sa harap ng Papa niya. "H-Hindi na t-tayo nakakabayad ng upa sa puwesto anak... A-anim n-na b-buwan na... Pinaalis na tayo doon noong nakaraang lingo pa tapos... tapos nagdemanda sa DOLE ang mga tauhan dahil w-wala akong maibigay na separation pay... K-kaya a-ang s-sabi ko s-sa kanila n-na lang ang laman ng h-hardware yun na lang ang separation pay nila." Malakas na napahagulgol na lang siya sa narinig. Na-iimagine niya kung paano kinuyog ng mga tauhan ang Papa niya kaya napilitang ipamigay ang mga materyales sa hardware. Galit siya dito pero awang-awa naman siya. Kaya pala parang wala sa sarili ang Papa niya nitong mga nakaraang araw, kaya pala bigla na lang itong nagdeklara na magtipid. Yun pala walang wala na talaga silang ititipid. Sadsad na sadsad na sila! NAKATUNGANGA lang siya sa vanity mirror niya sa loob ng kuwarto niya. Wala na siyang mailuha pa. Sagad na pati luha niya. Kailangan niyang gumawa ng paraan. Hindi niya pwedeng pabayaan na lang ang Papa niya. Di baling mailit ang bahay nila o mawala na ang hardware nila. Tanggap niya iyon kahit sinisisi niya ang Papa niya. Pero hindi niya pa rin kayang pabayaan na lang ang Papa niya. Isipin pa lang natatanggalan ito ng bato o ng kung anumang bahagi ng laman loob nito, hindi na niya kinakaya. Binuksan niya ang drawer niya at kinuha roon ang tarheta na ibinigay ni Mr. Guiller Moretti. Ang sabi nito sa kanya willing itong bigyan siya ng trabaho. Alam niyang baka hindi niya masikmura ang ibigay nitong trabaho pero... May choice ba siya? Kung kinakailangang siya ang magbenta ng mga internal organ gagawin niya wag lang ang Papa niya. Maaga siyang nagising kinabukasan hindi dahil may pasok siya kundi dahil pupuntahan niya si Mr. Guiller Moretti. Makikiusap siya dito o hihingi ng trabaho. Kahit ano basta wag lang mapahamak ang Papa niya. "K-Kain ka muna, anak..." aniya ng Papa niya ng madaanan niya ito sa sala. Nakasuot ito ng apron at nagva-vacumm ng sahig. Hindi niya ito pinansin dahil masama pa rin ang loob niya dito. Dire-diretso siya sa labas at naglakad papunta sa sakayan. Sumakay na siya ng taxi papunta sa address na nasa tarheta. Nasa ortigas ang builiding. Isang itim na building na may gold plated na BE sa itaas. Napakatayog ng gusali pero napaka-eleganteng tignan. Mukhang tama ang desisyon niyang huwag tumakas. Kung pag-aari ni Mr. Guiller ang building na ito malamang na marami itong pero, maimpluwensya at kayang kaya silang burahin sa mundo na walang ibang nakakaalam. Sumagap muna siya ng hangin bago naglakad patungo sa entrance. Agad na lumapit siya sa security doon. "I need to talk to Mr. Guiller Moretti. He gave me his card," aniya sa security guard at iniabot ang tarheta. Tinignan siya mula ulo hanggang paa ng security guard. Kahit kinakabahan hindi siya nagpahalata. Halatang duda ang security sa kanya. Naka-tee shirt siya na may superman sa harap at ripped jeans. Naka-pony tail ang buhok niya. Napatingin siya sa salaming dingding. Mukha siyang teenager na magfi-fieldtrip. Rumadyo ang guard pagkakita sa tarheta. May kinausap ito sa kabilang linya saka siya binalingan. "Can I know your name, Ma'am?" magalang na ani ng guard. Wala na ang pagdududa sa mga mata nito. "J-Jessica. Jessica Chongson," aniya. Tumango naman ang security guard at muling nagsalita sa walkie talkie nito. "Akyat ka na raw po sa 13th floor, Ma'am," anito at itinuro ang gawi ng elevator sa kanya. "Thanks," aniya at lumakad papunta sa elevator. Malamig sa buong paligid. Centralize siguro ang buong building. Namangha siya sa ganda ng loob nang tuluyan siyang makapasok. May malaking fountain sa gitna na may babaeng nakahubad at may hawak na vase sa tagiliran at may umaagos na tubig, sa itaas niyon ay isang napakalaking chandelier na kumikinang ang mga crystal. Sa likod ng fountain ay reception. Sa gilid ay recieving area na may mga leather couch at malalaking vase na may mga nakapintang imahe at sa kaliwang pathway ang mga elevator, doon siya tumungo. Napansin niyang pinagtitinginan siya ng mga nakakasalubong at nadadaanan niya. Paano na ang hindi, pulos naka-business attire ang mga tao doon samantalang mukha siyang pupunta sa palengke. Bigla siyang nakaramdam ng panliliit kaya napayuko siya. Nakipila siya sa harap ng elevator at sumakay nang bumukas iyon. "13th floor," aniya sa elevator operator. "Ma'am?" parang di makapaniwalang ani ng elevator operator. "Kako 13th floor ako, Kuya," aniya pagkatapos ay nakarinig ng mga bulungan ng mga kasama niya sa loob ng elevator. Anong problema ng mga to? - aniya sa isip. To be continued...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD