Chapter 26

1986 Words

Jessa's POV AGAD na dinaluhan ni Kristoff si Mina. Tinulungan nitong makatayo ang kaibigan niya. Siya naman ay tila natulala kay Mina. Gusto niya itong tanungin kung bakit marami itong pasa sa mga hita nito pero hindi tumitingin sa kanya si Mina. Nanatili itong nakayuko. "What happened?" tanong ni Kristoff kay Elizabeth. Matiim ang anyo nito at tila nagpipigil ng galit. "Pinatid niya si Mina!" aniya sabay duro kay Elizabeth. "I'm not!" nandudumilat na tanggi nito. Mas lalo naman siyang nanggigil. Kitang-kita naman ng lahat kung ano ang ginawa nito kay Mina pero ang kapal ng mukha nitong itanggi pa iyon. Napakawalanghiya na sinungaling pa! "Nakita kong pinatid mo siya!" Napalingon silang lahat sa nagsalita. Si Krishia Sandoval - ang kapatid ni Kristoff at kakambal ni Kenobi.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD