Jessa's POV "IF only I could, I would." Hindi niya alam kung ano ang ibig sabihin ni Xyrius doon. Gusto niya sanang isipin na ayaw rin nitong mawala siya sa buhay nito. Na gusto siya nitong makasama hindi dahil isa siyang laruan. Gusto niyang isipin na baka mahal rin siya ni Xyrius... Kaso ikakasal na ito. Paano na siya kapag nangyari iyon? Saan siya pupulutin? Wala siyang tiwala sa sarili niya. Alam niya na kung mas lalo pa siyang tatagal sa tabi ni Xyrius at kung hihilingin nitong maging kept woman siya nito, papayag siya. Dahil tanga siya. Sa sobrang tanga niya nasasaktan siyang isiping handa siyang palayain ni Xyrius kung kaya lang nito. Napaka tanga niya dahil may bahagi ng isip niya na pumapayag sa kahit na anong set up na ilatag nito sa kanya manatili lang siya sa tabi nito

