Jessa's POV "BAKA nagsasawa na sa'yo?" mahinang bulong ni Emma sa kanya. Dumukwang pa ito sa mesa. Inis na itinulak niya ang mukha nito palayo sa kanya. Naasar na inirapan niya ito. Nginisihan naman siya ng bruha. Mas lalo niya tuloy nami-miss si Mina. "Baka busy lang," ani naman ni Elizabeth na naupo sa katabi niyang bakanteng upuan. Ito ang may-ari ng coffee shop na kinaroroonan nila. Nakakatawang isipin na pagkatapos ng lahat ng nangyari noong college heto sila ngayon, magkakasama sa iisang lugar at nagkukuwentuhan. Naging ka-close niya na ang dalawa dahil na rin kay Xyrius. Madalas siyang isama ni Xyrius sa gimmick ng mga ito. Girlfriend ni Gareth si Elizabeth habang sabit naman sa grupo si Emma. Noong una naiilang siyang kasama ang dalawa. Sino ba namang hindi? Eh, pare

