Chapter 15 Suzanne's POV "You. I'm inlove with you, Tyrill. I love you." Pagkasabi ko non ay hindi siya kumibo at natulala lang. Hindi ko rin inakalang masasabi ko 'yon sa kanya. Ano bang pumasok sa isipan ko at nasabi ko ang mga 'yon? Papanindigan ko na lang 'to, tutal nasabi ko naman na sa kanya. He sighed and kissed my forehead before he left me. Hindi ko inakalang wala siyang imik nang masabi ko 'yon sa kanya at nasaktan ako kasi hindi niya ako sinabihan ng kahit anong salita bagkus hinalikan niya lang ako sa noo at umalis na. Ipinikit-pikit ko na lang ang mga mata ko para pigilan ang luhang nagbabadyang tumulo. I lay down on my bed and try to sleep. Pagkagising ko ay madalim pa, tinignan ko ang oras at alas kwatro pa lang ng madaling araw. Tumayo na ako kasi hindi na din lang

