Chapter 5

1997 Words
Chapter 5 Suzanne's POV What a very nice view, huh? Naka-topless kasi siya ngayon at tanging towel sa ibaba lang ang suot niya at basa rin ang buhok niya that makes him so hot. Makikita mo rin ang abs niya and other muscles that makes his body hotter. Siguro kaliligo niya lang. Nang mapansin niya akong nakatingin sa abs niya he chuckled. Oh, my virgin eyes. Tumalikod ako sa kanya at lumabas sa silid na iyon. "Keep calm, katawan lang niya ang nakita mo, abs lang at hindi ang iba. Huwag kang papatinag Anne, huwag kang papaapekto, act normal. Tapang-tapangan mode." Bulong ko sa sarili ko habang nakapikit at nakahawak sa dibdib ko. Ibinukas ko ang mga mata ko at bigla namang nagbukas ang pintuan ng library. Naramdaman ko namang lumabas din siya. "Sinong kausap mo?" Tanong niya sakin habang nakatalikod ako sa kanya at ramdam ko na malapit lang siya sa likod ko. Paano ba ito? Anong palusot ang gagawin ko tsaka ayokong makita siya ulit na ganoon ang itsura. Humakbang ako palayo sa kanya. Mahirap na baka maramdaman ko ang abs niya sa likod ko. Humarap naman ako sa kanya at nagtakip ng mata, takip talaga ah, hindi 'yong may sisilipan pa. "Ooops! H'wag kang lalapit sakin baka mamaya..." Humakbang pa ako ng patalikod para lumayo sa kanya. "Ano bang problema mo? Mag-uusap lang naman tayo doon sa agreement natin." "Ikaw! Ikaw ang problema ko." Humakbang pa ako palayo sa kanya nang biglang may natapakan akong bagay dahilan para matumba ako. Hinihintay ko nang bumagsak ako sa sahig nang may naramdaman ako na nakahawak sa likod ko at nakahawak ang isang kamay niya sa bewang ko. "Next time be careful, my wife. What's wrong with you? Did you eat your breakfast?" Iminulat ko naman ang mga mata ko at nakita ang gwapo niyang mukha. Ang bango niya. Napatingin naman ako sa katawan niya at nakadamit na siya ngayon. Wala nang abs? Ang manyak ng isipan mo Anne. Nagtaka naman ang mukha niya. Tumayo na ako mula sa pagkakahawak niya sa akin at umayos. Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. Oo nga pala hindi pa ako nagbibihis at naka-wedding gown pa ako. "Magbibihis lang ako Ty... Oo nga pala, wala akong damit, nasa bahay ko pa." Ito lang naman ang damit ko na suot ko nang dinala ako dito ni Tyrill kagabi. "Kumain ka na muna doon sa dining room, ipapakuha ko na lang 'yong mga damit mo kay Greg." "T-teka. Dito na ako titira?" Tanong ko sa kanya. "Kumain ka muna. Nandoon na si Aling Cely sa kusina. Preparing for our food. Punta ka na doon susunod na lang ako. I'll call Greg first." Pumasok siya ulit sa library at naiwan akong tulala. Nice answer, huh. Tumuloy na ako sa kusina at may middle-aged woman doon na naghahanda ng pagkain. Ang bango, nakakagutom. "Ah, Ma'am..." "Anne na lang po." "Naku huwag na, Ma'am Anne. Kain ka na, naghanda na ako ng pagkain." Hinila niya naman ang upuan at pinaupo ako. Nakakahiya ang baho baho ko pa at naka-gown pa ako. Ano na lang iniisip ni Tyrill ngayon? So ano naman Anne kung mabaho ka? Wala namang pakialam sayo 'yong lalaking 'yon eh at saka peke lang kayo. Nang maisip ko iyon ay nakaramdam ako ng kirot sa dibdib. Dumating naman si Tyrill na nakangiti. So sweet smile. Umupo siya sa tabi ko at nagsimula nang kumain. Habang kumakain siya ay napatingin siya sakin. "Why are you staring at me?" Iniba ko naman ang tingin ko at bumaling sa middle-aged woman na naghanda ng pagkain namin. "Aling?" "Aling Cely na lang, Ma'am Anne." Nakangiti niyang sabi. "Aling Cely hindi ka po sasabay sa amin? Sabayan mo na po kami." Pagyaya ko kay Aling Cely kasi nasa tabi lang siya. "Tapos na ako, Ma'am Anne. Kain lang po kayo." Kumain na ako at biglang sumulpot si Greg. "Sir Tyrill ito na po ang damit ni Ma'am Anne." "Sige ilagay mo na lang d'yan. Bahala na siya mag-ayos." Parang galit na sabi ni Tyrill. Cold siya ngayon, bakit? "Thank you Greg." Binigyan ko si Greg ng napakatamis na ngiti. Bigla namang tumayo si Tyrill at may sinabi kay Greg. Umalis naman si Greg at tumingin sakin ng seryoso si Tyrill. "Magbihis ka at pumunta ka sa library. Ayusin mo ang sarili mo at may pupuntahan pa tayo pagkatapos nating mag-usap. Bilisan mo." Bossy niyang saad at tumuloy sa floor kung saan nandoon ang library. Kinuha ko naman ang mga damit ko at pumunta sa kwarto ko. "Nakakainis talaga 'yon. Kanina lang nakangiti siya tapos naging bossy nong dumating si Greg. Moody psh." Pagkausap ko sa sarili habang nagbibihis kasi katatapos ko lang maligo. Lumabas na ako at pumunta sa library, walang katok katok ay pumasok ako sa loob. Nandoon naman siya habang nakaharap sa laptop at nang mapansin niya ako ay pinatay niya ito at pinaupo ako kaharap niya. "Bakit ang tagal mo? Oh, pirmahan mo 'yan. Rules natin 'yan sa agreement." Seryoso niyang saad sabay abot ng papel. Binasa ko ito at pinirmahan. May nakalagay doon na siya ang gagastos ng pangangailangan ko, aaktong sweet sa harap ng ibang tao, gagawin ang kanya-kanyang trabaho at walang mangyayaring ano, 'yong alam niyo na, 'yong ano, basta. Pinirmahan ko ito at ibinigay sa kanya habang napakaseryoso ng titig niya sa akin. "Dito ka na tititra for six months. Nakausap ko na rin ang head ng NBI na dito ka lang sa bahay magtatrabaho na kasama ako. We work as a team. And about your five million bill, I'll give it to you tomorrow. " Walang emosyong saad niya sa akin. Tumango na lang ako at nagsalita siya ulit. "I have a gift for you, it's a laptop. You can use it for your investigating work para hindi ka na mahirapan. Check it in your room later." Wow! Ang bait niya naman, may laptop pa ako. Na-miss ko ang paggamit ng laptop ko dati sa bahay ni daddy pero matagal na din 'yon. Simula ng layasan ko siya ay wala akong balita kung ano ang ginagawa niya sa buhay niya ngayon. I miss him so much kahit na ganoon pa siya. Tumikhim naman siya at wala pa ring expression ang mukha niya. Ayoko ng ganito kami ang cold niya at ako parang katulong niya lang na pinagsasabihan. I tried to be comfortable. "G-galit ka ba?" Tanong ko sa kanya. "Sa tingin mo?" "Magtatanong ba ako kung alam ko? Like hello, I'm not Madame Auring, fortune teller." Pagsusungit ko sa kanya. "Fine. I don't like what happened last night. You act like a bitch." Walang emosyon niyang sabi. "I didn't kiss him." Mariin kong saad. "So what did I see last night? What are you trying to explain, that I'm only hallucinating when I saw it? Damn Zanne, you are my wife!" Tiim-bagang niyang saad at napatayo pa siya. Ano pang panalo ko dito? "I did not kiss him! Believe me, I dare him to lean down and act like he is kissing me. Why are you acting like you're my true husband?" "Then why did you do it?" Galit nga siya. Kung alam mo lang, para makuha mo ang atensyon ko, Tyrill. "It's none of your business, Tyrill. You aren't my true husband." "I'm sorry. Tara may pupuntahan tayo." Malungkot niyang saad. 'I'm sorry' playing again and again in my ears. It's just like a sweet melody playing in my ears. Sinundan ko siya at wala kaming imikan sa isa't-isa. Sumakay kami sa kotse niya at improving siya ngayon, pinagbuksan niya ako ng pinto ng kotse niya, kagabi kasi hindi. Huminto kami sa may mall at bumaba doon. Hinawakan niya naman ang kamay ko. I feel some electric spark again. Nagpunta kami sa isang boutique na puro mamahalin ang mga panindang damit. Ano namang ipambibili ko dito at wala pa naman ang sahod ko. Next week pa. "Choose whatever you want, I'll pay for it." He insists. Pangit ba ang damit kong suot? Nakasuot lang naman ako ng jeans, color black long sleeves at boots. Astig nga eh. Pagkatapos naming namili ng pagkarami-rami ay kumain kami sa mamahaling restaurant at hindi ako komportable sa suot ko. Paano ba naman backless siya, ang mga sinusuot ko lang na dress ay 'yong mga mahahaba ang tabas at hindi ganito. Habang kumakain siya ay hindi ko mapigilang mapatingin sa kanya kasi ang hot niya sa suot niyang V-neck white T-Shirt at gray jeans. Hindi siya formal pero bagay niya rin ang mga modern style na sinusuot ng mga lalaki diyan. Umuwi na kami nang hindi nag-iimikan sa isa't-isa. Pagkapasok na pagkapasok ko sa loob ng bahay ay diretso ako agad sa kwarto ko at napansin ang laptop na may ribbon pa at may note sa gilid. For my wife Zanne. Your husband, Tyrill Kinilig naman ako doon at parang baliw na tumatawa mag-isa. "Kahit gan'on ka may pagka-sweet ka rin pala 'no? Sana lagi ka na lang sweet para langgamin ako. Psh korni ko." Napatingin ako sa likod ko kasi nga parang may kumaluskos nang nakita ko si Tyrill na nakangiti ng nakakaloko. Parang kamatis na siguro ang mukha ko ngayon sa sobrang pula. "I guess you have an imaginary friend?" "H-hoy Bakit ka nandito? Ikaw! Ipabugbog kaya kita sa multo kong kasama! T-teka, would you mind? I have my privacy here." Iwas ko kasi awkward na ang paligid namin. Hindi niya pinansin ang sinabi ko bagkus nilapitan niya lang ako habang seryoso ang mukha niya at titig na titig sa akin. Mabilis siyang nakalapit at tinulak ako kaya napahiga ako sa kama at siya naman ay isinandal pa lalo ako at pumatong siya sa ibabaw ko, itinaas siya pa ang kamay ko sa headboard para hindi ko siya matulak. Oh no, mali itong ganito, Anne. "You want me to become sweet, huh? I'll show you the Tyrill sweet mode." Inilapit niya pa ang mukha niya at magkadikit na ang aming mga ilong. Paano ba ito, pipikit na ba ako? Akmang hahalikan niya na ako sa labi pero sa noo niya ako hinalikan at tumayo na siya. "Witwiw!" He whistles while staring at my exposed legs. Agad ko naman itong tinakpan at tumayo ako. Kung hindi ka lang gwapo Tyrill nabigyan na kita ng halik. Joke suntok. "Bastos ka! Manyak!" Tinulak ko naman siya hanggang sa makalabas siya at sinarado ko ng malakas ang pinto. "Nice legs, sweetie. When can I touch those?" Tanong niya pa sa pagitan ng pintuan. "Never!" Sigaw ko sa kanya. "Think again. I like your gorgeous face when you feel embarrassed." Pagkasabi niya ay nakarinig ako ng footsteps at nagsalita pa siya. Akala ko umalis na ang mokong. "Baby, open the door you forgot your things in my car." Napilitan naman akong buksan ang pintuan at nakita ko siya na nakakaloko ang ngiti. "Thanks." I insists in sarcastic tone. Inilapag niya naman ito sa may side table at ngumiti pa sa akin. "Look, I want to be your friend. I think it will help as we work on to our agreement. So, friends?" Inilahad niya naman ang kamay niya at inabot ko ito. Tama nga naman siya, minsan pairalin ko rin ang pagiging mabait ko sa kanya, mabait naman pala siya eh. "Friends." I said with a wide smile on my face. At least hindi na awkward ang atmosphere namin hindi gaya ng kanina. Binitawan niya naman ang kamay ko at nagsalita. "I think I want to kiss you." Pagkatapos niyang sabihin ay hinalikan niya ako sa labi pero smack lang. I feel his soft lips again and I want it so bad. Ano bang pinagsasabi mo Anne? Ang manyak na ng isipan mo. "My thank you reward." Ngumiti pa siya ng nakakaloko at hinampas ko siya. Umalis naman siya sa kwarto ko na malapad ang ngiti sa labi. This day was full of happiness and awkwardness with him. I think I like him too. No Anne, it's just a happiness not a romantic feelings from him.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD