Chapter 31 Suzanne's POV "We need to talk." Halos nakakatakot na boses ang narinig ko mula sa kanya. "T-Tyrill... N-nasasaktan ako." Reklamo ko habang hila-hila ang mga kamay ko habang tinatahak namin ang daan papunta sa garage. Hindi naman siya umimik at pagkarating namin sa itim na Audi na kotse na sa pagkakaalam ko ay kotse niya ay binuksan niya ang pinto at saka ako tinulak papasok. Napasigaw pa nga ako kasi akala ko sasampalin niya na ako. Nakakatakot siya, ngayon ko lang siyang nakitang ganito magalit sa akin. Ano bang nagawa kong mali? Wala naman ah. Mabilis siyang nakasakay sa driver's seat at ako naman ay tahimik siyang pinagmasdan. He started the engine and drive rigidly. "Tyrill ano ba? Dahan-dahan lang." Reklamo ko kasi ang bilis bilis niyang magpatakbo. "H'wag ka ngang

