Chapter 19 Suzanne's POV Nagising ako nang wala si Tyrill sa tabi ko. Asan na naman kaya siya? Naalala ko pa 'yong kagabi, naibigay ko na pala sa kanya ang puri ko at wala akong panghihinayang na nararamdaman kasi mahal ko siya at alam kong mahal niya din ako. Ang sarap pala talaga sa pakiramdam ng may nagmamahal sayo na higit pa sa pagmamahal mo sa sarili mo. Tumingin ako sa paligid at hindi ko pala kwarto 'to, dito pala ako dinala kagabi ni Tyrill. Tumingin ako sa ilalim ng kumot at wala pa rin akong saplot na suot maliban sa kumot na tumatakip sa buong katawan ko. Nabigla ako nang magbukas ang pinto ng kwarto at pumasok si Tyrill na may mapaglarong ngiti sa akin habang hawak-hawak ang isang tray ng pagkain. Naupo siya sa kama sa tabi ko. "Good morning, my loving wife. How's you

