Keith's POV
Sa mundo natin hindi lahat nang tao ay masaya. Hindi lahat ay nakangiti. May mga taong hindi makahanap ng dahilan upang ngumiti. Isa na ako doon.
Taliwas sa ugali ko ngayon ang ugali ko noong bata pa ako. Lagi akong masaya at halos bungisngis na sobrang ngiti. Para sa akin noon napaka gaan ng mundo, lahat ng naisin ko ay nakukuha ko. Mapa materyal man o hindi. Siguro kung isa ako sa mga normal na teenagers ngayon ay masasabi kong spoiled ako. Halos lahat ng makabagong gadgets ay meron ako, hindi ko na kailangan humingi dahil kusa itong binibigay ng Papa ko. Pero yun na nga eh, hindi ko naman hinihingi yun. Wala ni isa sa mga yon ang hiningi ko. Pakiramdam ko tuloy ginagawa niyang pampalubag loob o pampabbawas ng kasalanan ang mga iyon.
Pero may kasalanan nga ba siyang nagawa sa akin o sadyang naging sarado lang ako sa mga explanations niya. Aaminin ko, masama ang loob ko sakanya pero hindi ako galit. Malaki ang kaibahan ng dalawa, spelling pa nga lang iba na meaning pa kaya?
Minsan nga gusto ko nalang sumuko o kaya ay lumayo na lang. Wala akong makitang dahilan para mabuhay pa.
Mahirap para sa akin ang ngumiti, parang kung ngingiti ako ay isang malaking kaplastican lang iyon. Pero Noon yon. Ngayon mukhang nakahanap na ako ng dahilan, isang dahilan, para ngumiti man lang.
Laurence Paolo. Nasaktan talaga ako nang malaman ko na may girlfriend siya. Sa ikli nang panahon na alam ko na may gusto siya sa akin ay parang hindi ko na siya maalis sa isip ko. Siya lang kasi ang unang nagsabi noon sakin. Hindi ko naman deserve ang masabihan ng ganoon at wala pang gumawa noon. Kaya nung sinabi niya iyon ay may katiting na bahid ng ligaya ang dumungis sa akin.
Siguro hanggang doon na lang iyon. Wala nang susunod pang magaganap. Hindi na masusundan pa o matutuloy ang mga iniisip ko. Parang pinaasa lang niya ako tuloy. Sinabi niya na may gusto siya pero wala naman siya ginawa tungkol doon, Oo umasa ako na may kasunod iyon. Pero may girlfriend na pala siya. Wala nang dahilan para umasa pa ako, pero heto parin ako at di mapigilang hindi tumingin sakanya.
"Tara bili tayo shake Keith." Out of nowhere na sabi ni Alex. Magkatabi kami sa Laboratory ngayon at gumagawa ng experiment kung ano nga ba ang likido sa utak natin. Gumagamit kami ng tunay na katawan ng tao, cadaver.
"Tapos ka na ba sa paper mo?" Tanong niyang muli nang lingunin ko siya." Sinilip niya iyon at nakitang tapos na. "Sus. Tara nga!" Hinawakan niya ako sa braso at hinila palabas.
"Teka wala ako-"
"Libre ko na Keith. Lam ko namang naiwan mo sa bag mo wallet mo."
Binatawan na niya ang braso ko nang makalabas kami sa Lab. Gawain talaga ni Alex ang manghila, or sakin lang ata. 4 hours straight ang lab subject namin. Buryong-buryo na kami pero nakakalahati palang namin iyon. Ang kagandahan lang sa Lab subjects ay actual ang ginagawa at maaari mong gawin ang gusto mo basta may ipass ka pagakatapos ng klase.
"Ate dalawang mango shake yung isa geen at yung isa yung matamis na yellow." Inabot ni Alex ang green mango shake ko at niyaya akong maupo muna.
Ngayon ko lang natitigan si Alex ng ganito. Busy-ng busy siya sa paginom ng shake niya habang ako tinititigan siya. Gwapo to eh, kahawig niya yung paborito ni Nanay na batang artitsta, Enrique Gil ata yun. Basta yun. Ang kaso lang si Alex ay medyo mas lalaki tignan kesa dun. Maangas. Siguro dahil sa tattoo niya sa kamay at sa braso. Mas maamo tignan si Alex kesa kay Paolo na kala mo Padilla kung umasta. Mukhang malibog si Paolo. Feeling ko nga manyak yun eh. Phuckshit, bakit ko bigla naisip yung gagong yun?!
"Ano ba yan Keith, pati ba naman sa pagsipsip mabagal ka? Konting bilis naman sa pagsipsip." Reklamo ni Alex.
"Tsaka di ka ba naaasiman diyan?" Dagdag niya na pinilingan ko naman. Masarap naman talaga to eh.
"Kanina ko pa napapansin na nakatingin ka sakin, nakatingin ka nga ba?"
"Napatingin lang."
Kilala ako ni Alex na hindi sinungaling kaya hindi ko magawang ideny na tinitignan ko siya dahil totoo naman.
"Bakit?"
"Wala lang."
"Tinamaan ka na ba sakin?" Nakangisi niyang tanong.
"Hindi." Di ako marunong magsinungaling.
"Tss, pero kay Laurence tinaaman siya sakin na matagal mo na kasama di man lang?!" Nakukunsume niyang tanong.
Napanganga naman ako sa sinabi niya. Obvious ba ako na tinaaman ako kay Paolo?
"Ikaw, sabihin mo nga, pangit ba ako?!"
"Hindi naman."
"Good, naniniwala ako. Di ka naman marunong magsinungaling eh." Sabi niya nang nakangiti. "Di ba ako nakakalibog?"
Nasamid ako bigla sa sinabi niya kaya napatakbo ako sa sink at iniluwa ang shake na nasa bibig ko. Nang makahugas ako ay bumalik ako sa table. Nakabusangot na si Alex at iritang irita. Walang tigil pa sa pag galaw ang kanyang paa.
"Nakakainsulto ka naman Keith ah, sobrang walang appeal ko ba sayo?!"
"Hindi naman sa ganun, di ko lang talaga masagot tanong mo."
"Haay! O eto nalang, may chance ba na magustuhan mo ako?"
Meron nga ba?
Bukod kay Nanay at Papa, si Alex palang talaga ang nagpakita ng malasakit sa akin. Siya palang talaga ang kumilala sakin. Tiniis niya ang ugali ko na walang tao ang makakagawang intindihin ako. Kahit medyo rough siya sakin ay bahagi na din siya ng buhay ko, kahit na medyo magulo ito.
"Oo."
"Yes naman!" Malakas at masaya niyang sabi. Halos alog-alugin na niya ang katawan ko sa pagyugyog niya sakin.
"Kala ko walang tao ang posibleng magkagusto sakin! Meron naman pala kahit isa! HAHAHAHA!"
"Sino may gusto sayo?" Biglang sabi ng sumulpot na si Paolo mula sa likod ko. Napatingin naman ako dito habang papaupo siya sa tabi ni Alex.
"Bro, akala ko walang sino man ang posibleng mahulog sakin! Meron naman pala kahitsi Keith lang!"
On cue, namula ang pisngi ko. Nakakahiyang marinig ng First Crush ko iyon.
Tumingin naman ng masama si Paolo sakin na ikinagulat ko. Nakakapang-liit ang tingin niyang nanlilisik. Napayuko nalang ako.
"Hinahanap ka ng kagroup mo sa Lab Alex." Sabi ni Paolo na halatang nagngi-ngitngit sa galit. Napatakbo naman si Alex pabalik nang Lab at naiwan kami ni Paolo.
Tumayo siya at hinila ang braso ko. Pakiramdam ko ay magpapasa iyon dahil ang higpit nang hawak niya dito. Natatakot akong sabihan siyang bitawan ako dahil galit siya at baka suntukin niya ako.
Dinala niya ako sa C.R medyo malayo sa Lab at inilock niya ang pinto. Pang isang tao lang kasi iyon dahil ginagamit iyon sa paglinis ng aparatus. Isinandal niya ako sa pader habang ang kamay niya ay nasa magkabila ng mukha ko sinisiguradong wala akong takas
Ang lapit ng mukha namin sa isa't-isa. Naamoy ko nang ang hininga niyang amoy menthol. Hinihingal siya sa galit. Nakatingin lang siya sa mata ko at bakas ko sa mata niya ang pagkagalit at irita. Di ko naman alam kung may nagawa ba ako o nasabi para magalit siya. Ilang saglit pa ay nagsalita na siya habang ako naman ay napayuko lang.
"Gusto si Alex?!"
Pumiling ako habang nakayuko padin.
"Sagot!"
Napakislot ako sa sigaw niya. Nagulat talaga ako.
"Hindi ko siya gusto."
Napahinga siya ng malalim.
"Tignan mo nga ako." Naiirita niyang sabi. Hinawakan niya sa baba (chin) at itinaas ang mukha ko upang magkatinginan kami.
"O ano yung narinig ko?"
Wala sana ako balak sumagot dahil hindi na niya kailangan pa malaman lahat. Sino ba siya at ano ko ba siya? Pero
"Please, sumagot ka naman Keith." Nagmamakaawa niyang sabi.
Huminga ako nang malalim at tinignan siya sa mata.
"Tinanong niya ako kung posible ba siyang magustuhan. Sabi ko naman ay Oo."
Napabuntong hininga siya at pumikit. Ilang saglit lang ay minulat niya ang mata niya at tinignan ako ng nakangiti.
"Mabuti naman at nagkakalinawan."
Muli ay nagkatitigan kami. Mas matangkad siya sakin kaya naman medyo nakatingala ako sakanya. Siguro tumagal din ng dalawang minuto ang titigan namin bago niya ako halikan..
Hinalikan niya ako sa Noo. Napapikit ako sa ginawa niyang iyon at lalong naguluhan.
Hinila niya ako palabas ng banyo at naglakad kami.
Naguguluhan ako sa mga inaasta ni Paolo. Hindi ko alam kung ano ang daoat kong maramdaman. Ayoko namang hayaan ang sarili ko na bumuo ng kahit anong conclusion dahil ayokong umasa. May Girlfriend siya. Walang posbilidad mangyari ang naiisip ko.
"Diba sabi ko sayo wag mo ako tipirin sa mga salita?" Habang naglalakad kami.
"Oo."
"Sus, ayusin mo ah. Maging madaldal ka naman sakin oh?"
Tinignan ko lang siya at tumango ako. Lihim akong napapangiti sa mga ginagawa niya. Ayaw ko naman ipakita sakanya iyon dahil baka isipin niyang kinikilig ako.
Nang makarating kami sa Lab ay bumitaw na ako sa pagkakahawak niya sa kamay ko at inunahan siyang makapasok.
Pagupo ko ay sinulyapan ko siya at kinindatan niya ako. Mukha talagang manyak ang gago.
Tinuon ko ang attensyon ko sa ginagawa naming experiment. 80% na tubig gawa ang utak. Pinkinsh ito at napakalambot at sobrang lagkit ng likidong bumabalot sa utak. Ito ay para suportahan ang utak upang hindi ito umalog-alog o bumaliktad kapag ikaw ay naghe-headbang.
Kasalukuyan kong sumisilip sa microscope nang biglang may kumalabit sa Lab gown. Si Paolo.
"Hello." Sabi niya. Akala ko ba ako ang weirdo?
"Hi." Sabi ko naman na parang timang.
"Ano ginagawa mo?"
"Nababaliw ka ba?" Biglang basag ko sakanya. Bigla namang siyang sumimangot.
"Ano ba yan Keith makiride ka naman?!" Bulong na pasigaw ni Paolo.
Hindi ko alam kung matatawa ba ako o maasiwa sa ginagawa niyang pagpapacute. Oo, bakit bawal na ba akong matawa?
"Osige." Medyo nakangito kong sabi.
Bigla siyang lumapit sa akin habang nakatinging pang manyak nanaman.
"Ang cute mo palang nakangiti, tsk."
"Baliw."
"Sayo."
"Alis na." Sabi ko.
"Isa! Pinapaalis mo na ako ngayon?"
"Tatapusin ko pa to eh."
"Dalawa!"
"Sige na alis na."
"Tatlo!"
"Huh?"
"Apat!"
"Bakit ka nagbibilang?"
"Pagsabi ko nang lima dapat handa ka."
Napaisip naman ako sa sinabi niya. Baliw na nga ata to.
"Lima!"
Nagulat nalang ako nang bigla niya akong nakawan ng halik sa pisngi. Hindi ko alam kung dapat ba akong masanay sa mga ginagawa niya o dapat ko ba siyang patigiln dahil baka masanay ako.
...
"Oi, laro dala mo ba yung iPad mo?" Kalabit sakin ni Alex. Inabot ko naman iyon sakanya. Nalaman kasi niya kay Nanay na meron akong ganun. Ang daldal kasi ni Nanay at pati yun ay naikwento niya. May ginawa kasi kaming project noon sa bahay kaya ayun simula noon ay pinipilit na ako ni Alex na gamitin iyon, actually siya lang gumagamit. Kung ano-ano dinownload niyang games na di ko naman ibalang laruin.
"Pinakealaman mo ba yung nilalaro ko?" Tanong niya matapos ko iabot sakanya iyon. Pumiling naman ako. "Good."
Habang busy si Alex sa nilalaro niya ay tinuon ko naman ang atensyon ko sa mainit na kape ko at sa skyflakes ko nang biglang dumating si Paolo at umupo sa tapat ko.
"Lahat ba nang makita mong malutong na tinapay ay sinasawsaw mo sa mainit na kape?"
"Naubos ko na kasi yung toasted bread eh." Tumayo naman siya at mukhang bibili ng pagkain. Nainggit siguro sa masarap na kape ko.
"Oh, amin na yang skyflakes." Inabot niya sakin ang isang pack ng toasted bread at inagaw ang skyflakes ko na isa palang ang nabasa ko. Kinain ko na lang iyon. Kapalit naman nun yung skyflakes ko eh.
Biglang inagaw ni Paolo ang iPad kay Alex nang magameover ata ito sa nilalaro niya.
Tumayo si Alex upang bumili ng pagkain , nagpabili din si Paolo. Napansin ko namang parang nalalamin si Paolo sa iPad ko at pasulyap sakin. Minsan naman ay parang titig siya dito.
"Buti naman ginamit ko yung binigay ko na case sayo?"
"Sayang eh."
"Tsk. Sabihin mo gusto mo din kamo!"
Binigyan niyang case yun kasi nung minsan nagasgasan iyon ni Alex ng aksidente niyang mapatong sa table na maspang. Sabi niya extra daw niya na case yun kasi meron di siya ng ganun.
"Sige nalang." Sabi ko.
Naghihintay kami ngayon sa Foodcourt dahil magpupunta kami ng hospital mamaya para sa Duty namin, 6pm to 11pm yun. Magkakasama kami ng Hospital. Nung una ang plano ko talaga ay humiwalay ng Hospital pero mapilit sila, wala na ak nagawa dahil pare-pareho kaming natanggap.
Simple naman ng buhay ko nun ah. Sarili ko lang inaalala ko. Pero ngayon iba na, medyo nagulo na dahil sa nararamdaman ko kay Paolo. Nasasaktan ako pero hindi ko kayang sabihin iyon sakanya. Pakiramdam ko talaga ay nilaro ako. Pero wala naman ginagawa si Paolo eh. Ako lang naman ang nagbibigay ng ibang kahulugan sa mga ginagawa niya. Ako mismo ang nagdudulot ng sakit sa sarili ko. Kahit gaano ko pigilan ang nararamdaman ko ay wala akong magawa. Nahihirapan ako.
Hanggang ganito na lang ba talaga? Hanggang sa sarili ko na lang ba talaga ang nararamdaman ko sakanya?
Hindi ko naman alam paano ko siya kakausapin tungkol dito. Hindi ko alam kung ano ba ang pwede ko gawin o sabihin para lang maipaalam ko sakanya. Maghihintay na lang ba ako kung may gagawin si Paolo o ako na mismo ang gagawa ng paraan. Mahirap para sa akin to dahil ito ang unang pagkakataon na mangyari sakin to.
"Tayo na?"
Napatingin naman ako kay Paolo dahil sa sinabi niya. Nagkasalubong ang kilay ko dahil naguluhan ako.
Tayo na?
"Tayo na?"
End of Chapter 5