Keith's POV
"Bakit naman ganon yan. Masagi ko lang eh napipindot na?!" Reklamo ni nanay dahil nakukunsume siya sa iPad niya.
"Nay, touch screen po kasi."
"Hay, ewan. Makapagluto na nga lang."
Nagpapaturi siya kung paano gamitin ang bigay ni papa na iPad. Napilitan tuloy akong gamitin ang sakin para matutunan ko itong kalikutin at nang maturuan ko din si nanay. Kulit lang niya.
Pagdating ko sa kwarto ko ay humiga ako nang kama ko at pumikit. Biyernes ngayon at wala kaming pasok. Wala pa namang mga pagkakaabalahan na gawaing pang-skwela dahil naguumpisa pa lamang ang sem.
Iidlip na muna sana ako ang kaso ay biglang may pumasok sa isip ko. Isang imahe ng taong nakakapagpairita sakin. Yang Paolo na yan. Yang damuhong mayabang na pangit na yun.
*Flashback*
"Keith wala ka bang gustong bilhin? isasabay ko na na para ikaw nalang magbantay sa pwesto natin." Sabi ni Alex.
"Vanilla shake nalang." Sabay abot ko nang pera. Madalas naman gawin ni Alex yun eh kaya sanay na ako. Noong una nakakailang at nahihiya pa ako pero bigla akong binatukan ni Alex at sinabing wag daw ako maarte at mahiya. Kaya ayun di ko na siya kinontra. Sadista yan eh. Siya panaman din ang unang itinuring ko na kaibigan at mukhang nagkamali pa ako nang desisyon.
Pagbalik nila ay nilapag nila ang pagkain nila, kasi shake lang sakin at ang sakanila ay full meal. Isang order ng sisig at tag-dalawang cup nang kanin. Nagulat naman ako nang iabot sakin ni Alex ang shake ko at ang pera ko na buo pa.
"Di mo binayaran shake ko?"
"Wala silang palit. Sakto lang dala ko kaya si Laurence muna nagbayad ng shake mo. Bigay mo nalang sakanya." Pagexplain niya habang busy sa pagpiga ng kalamansi at paglagay ng toyo sa kinakain.
"Bigay ko maya." Sabi ko dun sa Paolo at tanging tungo lang sagot niya. Yabang kamo niya.
Nang matapos nila ang pagkain ay nagkayayaang magyosi muna sila. Bilang nagyoyosi din ako ay sumama na ko at nang mapalitan na din ang pera ko at mabayaran ang unwanted utang ko dun sa Paolo
"O, yung bayad ko sa shake." Sabay abot ko nang trenta pessos.
"Wag na. Libre ko na." Sabi niya sabay hithit ng yosi.
"Kunin mo na." Pilit ko. Siyempre ayoko naman na magkautang sa lalaking to. Baka isipin niya na gusto ko din na ilibre niya ako.
"Wag na sabi. Ilibre mo nalang ako pag minsan." Di na ako nakasagot dahil dumating na si Alex at ayaw kong marinig niyang nagpupumilit ako isauli ang pera dahil baka sadistahin ako niyan.
*End of Flashback*
Lintik na. Imbes na wala akong iniisip na utang eh nagugulo ang isipan ko dahil sa Thirty-pessos na shake na yan. Ayokong may utang. Ayoko yung pakiramdam na may kinuha o binigay sa akin ang isang taong di ko naman ganoon kakilala. Pakiramdam ko kasi nagakautang ako nang loob, ayoko nun.
Dahil sa wala naman akong magawa maghapon ay napagpasyahan kong linisin at ibahin ang style ng kwarto ko. Sa totoo lang kasi wala naman talagang kalat o dumi ito at lung meron man ay alikabok lang mula sa naiwang bukas na bintana.
Inilipat ko ang kama ko malapit sa bintana. Sinunod ko naman ang dalawang maliit na couch at ginawang parang maliit na sala ang kabilang sulok, doon ko na din nilagay ang T.V at ang Xbox ko. Matapos yun ay umupo muna ako dahil medyo nahilo ako dahil sa bigat ng mga pinaguusog ko.
Npansin ko andami ko palang mga sapatos na di pa nsusuot at mga damit na nakapaperbag pa. Wala naman kasi akong pagsusuotan niyan eh at lagi naman yung all-white uniform ng mga Nursing ang suot ko. Inilabas ko sa paperbag ang mga damit at ini-hanger sa loob ng cabinet. Marami din naman palang magaganda sa bigay ni Papa. Maging ang mga sapatos ay magaganda din, gusto ko talaga ang Vans kaya kapag yan binibigay ni Papa ay kinakapalan ko mukha ko at tinatanggap ang mga ito.
Natigil ako sa pag-aayos nang magring cellphone ko. Sa tagal ko nang meron niyan eh ngayon ko lang narinig magring yan ng umaga. Madalas kasi gabi tumawag si Papa at kung minsan ay sa Skype lang.
Bukod kay Papa at Nanay ay isa lang ang may alam nang number ko at si Alex yun. Nakasave naman number niya pero nang tignan ko ang Cellphone ko ay numero lang ang lumilitaw. Nakatitig lang ako dito hanggang sa tumigil ang pagring nito.
Pabalik na sana ako sa pagaayos ng cabinet nang bigla namang nagbeep ito na nasisignal na may message ito.
"Sagutin mo Keith! Alex to!" Sabi sa text. Rereplyan ko sana na ok pero nagring na ito ulit. Nagdadalawang isip pa ako kung sasagutin ko ito dahil parang kinakabahan ako sa call na ito.
"Hello?! Tagal sumagot!" Malalim na boses at medyo pasigaw ang bumungad sa tenga ko. Hindi si Alex to.
"Asan si Alex?"
"Nag-Cr. Pinapasabi niya na dadaanan ka namin diyan mamayang 5pm."
"Pero-"
"Hindi! Sumama ka!"
Hindi na ako nakasalita pa dahil pinutol na nung bwisit na Paolo na yun ang linya. Bakit kailangan pa nila ako isama sa kung saan mamaya? Alam naman ni Alexna hindi ko hilig yan eh? Nakakabadtrip naman. Bukod sa pabigla na ay ayoko pa ang mangyayari! Tss.
Labag man sa loob ko ay pumasok ako sa banyo upang maligo. 4:30 na kasi at baka. totoohanin nga nilang daan nila ako dito. Atleast man lang ay nakaligo ako. Nang matapos ako sa pagligo ay 5:11 na. Tinignan ko amg phone ko at umiilaw ito, may tumatawag.
Inabot ko ang phone ko at saktong pagslide ko palang ng screen ay narinig ko na ang nagsasalita sa kabilang linya.
"Keith Henson! Lumabas ka at kanina pa kami dito!" Sigaw ni Alex.
Nagsuot ako ng underwear at boxershorts at nang vneck saka lumabas ng bahay upang papasukin sila.
"Kanina pa kami dito. Bakit antagal mo Keith?" Mahinahomg sabi ni Alex. Sa phone lang naman sumisigaw yan eh, sa personal takot ata.
Napatingin naman ako sa kasama niya na parang iritang irita. Hindi ko alam kung nakabusangot lang siya o naiinitan o ewan. Bwisit yung Paolo na yan.
Pinapasok ko sila at pinaupo muna sa sofa. Iniwan ko sila nang walang pasabi at pumanhik sa taas upang magpalit ng damit. Npansin ko kasing medyo maikli ang suot kong shorts.
Napili ko isuot itong itim na button-down na polo. May mga disenyong ibon ito sa bulsa, tapos ay itim na lahat. Napansin ko na itim lahat suot ko kaya camouflage na Vans ang sinuot ko. Para may ibang kulay naman.
Pagbaba ko ay may juice na sa lemesita ang dalawa. Nakita o din na inuusisa sila ni Nanay.
"Ngayon lang nagsama ng kaibigan si Keith dito. Siguro mga matalik niya kayong kaibigan." Sabi ni nanay.
Wala pa talaga akong isinama sa bahay. Kahit si Alex. Kaya lang alam ni Alex ang bahay namin dahil inihatid na niya ako dati.
"Nay, alis na kami. Uwi nalang po ako agad, may susi naman ako." Tumango naman si Nanay at sinenyasan ko naman na tumayo na ang dalawa.
Lumabas na kami at sinenyasan ako ni Alex na sumakay sa kotse na itim. Hindi ito yung kay Alex. Pagsakay ko sa likod ay ang amoy agad ang napansin ko, mabango ang kotse niya. Sa tabi ko ay mga damit at isang pares ng sapatos, pambasketball ata.
"Saan tayo pupunta?" Tanong ko kay Alex. May karapatan naman ako magtanong kung san nila akong lupalop balak idala.
"Sa bahay nila Laurence. House party. Wala ang mga magulang niya at kapatid! Masaya to Keith!"
Hindi na ako sumagot pa. Mamaya ko na kakausapin ng masinsinan yang Alex na yan. Matatamaan yan sakin eh. Alam naman niya na ayaw ko mga ganitong bagay. Hindi ako nahihiya, wala akong pakealam sa iisipin nila sa akin. Sila nga di ko pinapakealaman eh. Hindi din dahil sa ayoko sa mga tao. Mas komportable lang akong mapag-isa at tahimik lang.
"Wag ka kabahan. Masaya to promise!" Sabi ni Alex. Tumingin lang ako sa binatana naglagay ng earphones.
Bakit naman ako kakabahan? Kasi maraming tao? Nyeta, bakit hayop ba ako ni di sanay sa tao? Wala akong dahilan para kabahan. Prof nga namin na terror di ako magawang pakabahin eh. To pa kayang paparty nung Paolo? Tss.
Pagdating namin sa bahay nila ay 6:30pm na. May kalayuan kasi ang bahay nila. Akala ko nga sa bundok na ito eh. Pano ba naman ang lalayo ng mga bahay sa isa't-isa. Malalaki ang mga ito at parang lahat ay magaganda. Malaki din ang bahay nung Paolo. Modern ang design at maaliwalas. Kaya naman pala mayabang. Maimgay ang bahay at may mga tao na. Mukhang hindi naman magagalit ang kapitbahay dahil malayo pa ang pagitan nito.
"Tara pasok na tayo. Maraming mga chicks sa loob!" Masayang sabi ni Alex. Di ko na tuloy siya nakausap ng masinsinan. Bwisit.
Sa garden pa lamang ay madami nang lamesa at mga teenagers na nagiinuman. Kaya pagpasok namin ay hindi na ako nagulat nang ganoon din ang datnan ko. Amoy na amoy ang usok. Hindi basta sigarilyo ang hinihithit nila.
Sinalubong kami ng grupo nang mga lalaki at nakipagkamay sila kina Alex at nung Paolo. Hindi basta shake hands yun. Sign yun. Alam ko kung anong frat sila.
"You're with a kid." Sabi nung isang lalaki. Nakatingin siya sakin, pero hindi ako nakaramdam nang kahit anong takot o kaba.
"Oh, si Keith nga pala guys. Be kind to him. He's new here. Wag niyo siyang tataluhin, sagot ko siya!" Sabi ni Alex at may tawa pa sa dulo. Nagtaas naman ng mga kamay ang mga lalaki na parang sumusuko. Mga baliw.
Matapos nila ako ipakilala ay humiwalay muna ako upang kumuha ng maiinom sa table. Sinabihan kasi ako ni Alex na wag mahiya at serve your self. Kala ko ba party to bisita ako?
"Hina. Ladies drink yan eh."
Tinignan ko lang siya. Pakealamero. Eh sa ito lang kaya kong inumin?
"Oh beer. Yan dapat!" Sabay abot nung Paolo ng bote nang beer. Inistraight ko ang laman ng baso na may laman nung tinatawag niyang pang-ladies drink at kinuha at inaabot niyang bote.
Nagpunta nalang ako banda sa terrace. Konti lang tao dito at di naman nila ako mapapansin dahil madilim na. Mukhang busy naman silang naghihipuan eh.
Nahsindi ako ng yosi at tumungga nang beer. Bakit ba ako napasama dito? Pwede naman akong tumanggi eh. Pero di ko nagawa. Parang nung niyaya ako nung Paolo eh di ako makabuo ng reason para tumanggi. Ewan kung ano to pero naguguluhan ako. Masisiraan ata ako nang bait eh? May pagkaweird na nga ako mukhang matutuluyan pa ito sa pagiging baliw! Tss!
Nakakatatlo na pala akong beer. Habang tumatagal kasi parang ang sarap ng lasa nito para bang juice na ang sarap inumin lalo na't malamig ito.
"Andiyan ka pala! Tara nga!" Nagulat ako ng bigla niya akong hablutin.
"Lasing ka na!" Sigaw ko.
"Alam ko! At dapat ikaw din!" Sigaw naman niya pabalik. Baliw ata tong Lalaking to.
"Nasasaktan ako, Paolo!"
Napatigil naman siya sa sinabi ko. Nagulat ako dahil baka ako gawin niya. Lasing na siya at parang hilong hilo.
"A-ano tinawag mo sakin?"
"Pa-paolo. Pangalan mo naman yun ah?" Ngumisi siya at hinawakan ako sa braso. Ngayon masasabi ko na kinakabahan ako. Ayokong masuntok.
"Ayos ka din no. Ikaw lang tumawag sakin niyan." Hinila niya muli ako.
Dinala niya ako sa mga nagiinuman. Yung mga kabarkada niyang sanggano. Hinanap ko si Alex upang sumaklolo kaso nakita ko siyang may kahalikang babae. Wrongshit.
"O itagay mo!" Sabi nung Paolo. Tatanggi sana ako kaso pinagchicheer ako ng mga sanggano na straight ko daw ang laman. kaya ginawa ko! Ayun parang uminom ako ng sukang sobrang asim dahil lumamukos ang buong mukha ko.
"Galing naman pala ni Keith! Woohoo!" Sigaw nung isa.
Pinaupo kami at isinali na sa ikot ng tagay. Nakakaramdam na ako ng kalasingan at pagkahilo. Parang hinahampas ng alon ang ulo ko. Naalala ko na wala pa pala ako kinain dahil biglang nagreklamo ang tiyan ko.
Hindi ko na alam ang nararamdaman ko. Hilo, sakit ng ulo, gutom. Gusto na din pumikit ng mga mata ko matapos kong itungga ang pang anim kong shot nang Jack Daniels.
"Lakas mo pala." Bulong nung Paolo sakin.
Bigla naman akong kinilabutan sa batok at pababa sa katawan sa ginawa niyang iyon. Parang may mahinang kuryenteng dumaloy.
Hindi ko alam ang isasagot ko. Hindi ko din alam kung ano ang naramdaman ko. Hindi ko din maintindihan bakit komportable ako sa kamay na nakaakbay sa akin.
Kamay ni Paolo.
End of Chapter 2.