Keith's POV
"Ikaw. Ikaw ang first love ko, Keith."
Mga salitang nakapag-pagulo sa akin. Ikinagulat ko ang sagot ni Cholo nang tanungin ko siya. Sa pagkakasabi niya nang mga salitang iyan ay parang muling nanumbalik sa akin ang isang ala-ala noong bata pa ako na inakala ko tapos na. Akala ko nakalimot na ako doon. Akala ko nakalimutan ko na ang mga ala-alang naiwan ni Nicollo. Puro akala lang pala ang lahat dahil unti-unting bumabalik ang mga nangyari. Parang muli siyang bumabalik sa mga kilos at salita ni Cholo. Naguguluhan ako. Nalilito. Maraming tanong na kailangan nang sagot, mga salitang mbinitawan na walang malinaw na kahulugan.
"B, may problema ba?" Tinig na nagpabalik sa ulirat ko.
"Ah, w-wala naman Pao. Pagod lang siguro."
Kasama ko na siya. Pinuntahan niya ako sa mall. Hindi ko na nagawang tanungin pa si Cholo tungkol sa mga sinabi niya dahil matapos tumawag si Paolo ay kaagad din siyang pumunta dito. Nahihiya man ako kay Cholo ay sumama na ako kay Paolo. Sakto naman na nagtext ang mga kabarkada niya para may makasabay siya. Iyon ang sabi niya.
"Napansin ko kanina ka pa nakatulala diyan ah." Hinawakan niya ang kamay ko. "Kung may problema andito lang ako."
Sa totoo lang marami. Di ko alam kung ano ang uunahin ko na iisipin dahil parang puputok na ang ulo ko sa mga ala-alang bumabalik at sa mga kasalukuyang sitawasyon. Pakiramdam ko sobra ang naiisip ko kaya't ngayo'y sumasakit ang ulo ko.
"Kumusta ang laban niyo?" Pagbaling ko sa usapan.
"Nanalo siyempre! Andun Boyfriend mo eh!" Sabay tawa niya na proud na proud sa sarili niya. Kahit papano nangiti ako, lakas talaga nang tiwala neto sa sarili niya eh.
"Ang yabang po?" Pabiro na sabi ko sabay tawa din.
"Masasabi mo ba na mayabang ako eh ikaw lang ang kaya kong ipagmayabang?"
Nakanangtuts, Paolo! Wag mo akong binibigla sa mga ganyan mo. Bakit kahit amoy pawis ka eh masunggaban kita.
"Ewan ko sayo Paolo!"
Pagdating sa bahay ay dumiretso kaming kwarto ko. Ipinakita ko sakanya yung mga pinamili ko, actually siya po yung unang nagbukas nang mga paperbags. Alangan bawalan ko eh masaya siya dun.
"Pao, sayo yung blue na paperbag." Kaagad naman niya iyong kinuha at binuksan.
"Woah! Kuhang-kuha mo gusto ko Keith." Its a shirt. A simple but most of us (Boys) really loves that brand.
"Ge. Grabe Paolo amoy pawis ka. Asim mo po." Asar ko. Di naman maasim pero amoy pawis na pang-mandirigma.
Hinubad niya yung shirt niya at tinaas kili-kili niya na parang nagsasabing WELCOME TO THE JUNGLE!
"Maiinlove ka sa amoy nitong kili-kili ko oi!"
"Paolo wag na wag mong subukan- YIIHHHH!"
Bastos talaga!
Tawa lang siya nang tawa matapos niya akong yakapin, ayos lang sana eh kaso sa tangkad niya eh saktong sa pawis niyang kili-kili ang sentro ko! Nyeta. Dugyot nang taong to.
Nang matapos siyang makaligo ay nakaupo na ako sa study table ko at inuumpisahan ang mga homeworks. Rewrite ng mga lectures at konting pasada nang anatomy.
"Babe alis na ako." Kalabit niya.
"Di ka muna kakain?"
"Di na. Sabay na ako kina Mommy at Hanes. Pinagusapan kasi kanina pa yang dinner eh."
Tumingin ako sa wall clock. 7:11. Kung sabagay kapag katext ko siya eh nagpapaalam siyang kakain bandang 8pm.
"Okay sige, ingat nalang."
Hinatid ko na siya papunta sa gate. Siyempre magsasara pako. Eh mamayang konti pa uwi ni Yosef galing school eh...
"Oh sige na." Sabi ko nang makalabas na siya sa gate.
Niyakap niya ako nang mahigpit tapos nang makahiwalay kami ay hinalikan niya ako sa labi. Madiin pero napakatamis.
"Keith, babe, alam ko may pinagdadaanan ka. Sana din alam mo na andito lang ako para sayo ah? I Love You."
Ngumiti ako at tumango.
"I Love You Too."
...
So andun nga talaga yung Katherine para manuod kanina sa laban nila. Sa pagkakaalam ko eh bestfriend daw nung nililigawan ni Alex yung Katherine, di ko pa siya namemeet pero parang di ko gusto ang mga gawain niya. Di naman sa nagpapaka-judgemental ako ah pero pakiramdam ko na merong mabigat na dala yang Katherine da akin and by that I mean something na di magugustuhan nang sino man.
Matapos ang basketaball gane na iyon ay maraming nabago. Biglaan, oo. Laging may mga lakad si Paolo na di ko alam kung saan. Mga biglaang pag-alis na di ko na inuusisa pa. Ayoko na lang din kasi na isipin ni Paolo na wala akong tiwala sakanya.
"Tsk! Nakakaasar naman." Bulalas bigla ni Alex.
"Oh bakit?"
"Ano ba kasi 'tong nyetang Flappy Bird na to. Ang hirap!"
"Di wag mong laruin."
"Sus. Kailangan ko mabeat yung Highscore ni Janna dito. Nakakaselos lagi nalang Flappy Bird inaatupag nun pag magkasama kami."
Baka naman kasi boring ka kausap? Kung di lang ako tinatamad eh sinabi ko na to. Kaso nauubos lakas ko sa kakaisip eh.
Ilang araw nang laging umaalis si Paolo kapag darating na yung 2hrs vacant namin. Sabi naman niya eh tinutulungan niya yung isang friend niya at ganitong oras ang pinaka-convenient sakanila. Valid naman iyong reason niya kaya hinayaan ko nalang din. Gusto talagang mag-usisa kaso tulad nga nang mga sinasabi nang iba ay may Takot akong malaman ang totoong dahilan. Ewan ko ba. Siguro naman ay darating yung time na sasabihin din niya kung bakit.
"Ano sa tingin mo Keith, may karapatan na ba akong magselos kahit M.U palang kami."
"Selos?! Sa Flappy Bird?!"
"Oo! Eh sa laging andoon ang atensyon at oras niya eh. Pag ako napuno talaga mayayari siya sa Angry Bird ko!"
Tumayo ako at isinuot ang backpack ko. Di ko na kaya pang magtagal dito at baka masapak ko tong kaibigan ko. Nagtitimpi lang ako eh.
"Oh san ka pupunta?!"
"Magliliwaliw!"
Nakita kong nagkamot nang batok si Alex at itinuon ulit ang attention niya sa phone niya.
Habang naglalakad ako na kala mo nasa luneta eh biglang nagring ang phone ko.
"Hello Keith?"
Wrong number.
"Speaking. Sino po ito?"
"Si Jane to, yung vice president ng Nurse Org ano ka ba! Friend Pwede ko ba malaman ano oras ang vacant mo?"
"Vacant ko ngayon hangang 2pm."
"Good. Pinapatawag tayo nang President at may meeting daw! Kaloka. Punta ka sa Office ah?! Andito na kami."
"Osige. Punta na ako."
"Bye friend!"
Ugh.
First time ko na maging officer at sa kasamaang palang ay sa Nurse Org pa. 910 ang mga kumukuha nang Nursing sa School namin. Halos isang building nga inilaan samin eh. Treasurer ako. Imagine kung biglang maisipan magpasingil nang President namin eh dapat masingil ko yung 910 pesos nang walang kulang! Hustle!
So first time ko magmeeting at first time ko din gagawin ito nang hindi kinakabahan na mabully. May kaibigan na ako sa mga officers eh, si Jane. 3rd year din siya pero ibang section siya. Nako po, Boss yung babaeng yun eh. Angas po. Nung una nga kala ko ibuully ako eh pero yung pala siya pa ang makakasundo ko. Napaka totoong tao niya. Nalaman ko iyon dahi Kaibigan din siya ni Paolo at naikwento siya nito.
Pagdating ko sa Office ay sinalubong ako ni Jane at niyayang maupo. Napansin ko na andoon ang din ay tatlong Engineering students.
KAPAG NGA NAMAN SINUSWERTE KA.
Andito din si Cholo!
"Since kumpleto na tayo." Paunang sabi nang president namin na si Ate Joanne. "Kaya natin kasama ang mga engineering students ay dahil sila ang gagawa nang munting booth natin. Pinakiusapan ko sila. Para di na hustle para sa atin. Atsaka kailangan magaling ang gagawa ng booth dahil 1 week iyong nakatayo sa School Fest blah blah balah."
Andami pang pinagsasabi ni Ate Joanne pero halos lutang na ako. Di ako mapakali dahil nakatitig sakin si Cholo. Eye to eye. Ibang klaseng titig. Mas makabuluhan.
Di ko maiwasang mayuko nang maalala ko ang sinabi niya nung isang gabi.
"Ikaw. Ikaw ang first love ko, Keith."
Lalo akong nailang dahil naalala ko yun. Gusto ko mang isipin na biro lang ang lahat pero seryoso siya nang sabihin niya iyon (at ramdam ko) ay di ko magawa. Alam ko na he really mean it.
"Ui Keith, napano ka? Nakatulog ka na ata." Kanina pa kasi ako halos nakayuko.
"Ah di naman."
"Tawag ka ni Ate Joanne."
Paglapit ko kay Ate Joanne ay i-nexplain niya ang magigig parte ko sa pakulong to. Di naman masyado mahirap ang gagawin ko, sasamahan ko naman ang dalawang engineering na mamili! Puta. Kung di ba naman talaga ako minalas ngayong araw na to. Tho maganda naman ang kapalit nito na maghapon akong excused bukas. Nasaakin kasi ang pera nang Org. Kaya kailangan ako every now and then so Ate Joanne decided na i-excused nalang ako since hustle naman kung pabigla-biglang susulpot ang isang member para humingi nang pera (lakas makayaman) para pambili nang kung ano-ano.
"Oh so magkakilala pala kayo ni Cholo, ayos, di na masyado magiging mahirap para sainyo to."
After kami kausapin ni Ate Joanne ay tinawag niya ang secretary at BM para pagusapan ang design ng booth.
Habang busy akong nagbibilang ng perang nakolekta (p****r eh) bigla nalang sumulpot sa tabi ko si Cholo. Siyempre patay malisya muna. Kaya ko naman yun sana eh kaso masyado siyang nagscoot palapit sakin tapos nakatitig pa. Kaya kahit ayoko man ay nailang ako.
"Bakit di ka dun. Diba pinagiisipan niyo yung design?" Sabi ko.
"Aw. Pagtabuyan talaga?!"
"Di naman. Oa."
"Kaya na nila yun. Mas gusto ko dito."
Shit.
Compute lang. Pindot sa calcu. Sulat sa ledger. Pindot. Sulat. Nilang. Nang matapos ko na eh wala na akong reason para hindi siya harapin.
"Kumain ka na ba?" Tanong niya.
"Oo. Ikaw?"
"Di pa nga eh, pwede mo ba akong samahan?"
As a good person and since wala naman akong gagawin eh napa-oo nalang ako kahit alam kong medyo awkward ang datingan sakin. Ayoko naman na humindi tapos magsabi nang kasinungalingan diba? At saka kilala ko naman siya so why not?
"Sure ka ayaw mo ng kapartner ng shake mo?"
"Ayos na tong XL na shake, ubo aabutin ko neto."
Ngumiti naman siya. Tinignan ko yung dala niyang tray, base sa nga binili niya eh di siya masyadong gutom. Kasi siomai with rice lang tapos XL na ice tea. Eh kadalasan marami yang kinakain kapag nakikita ko sila nila Yosef. Lalo na nung minsang gumawa sila nang project sa bahay, grabe, halos gibain nila yung lalagyan ng bigas sa sobrang grabi talaga nila Mag-rice!
Matapos niyang kumain ay niyaya niya ako sa malapit na sari-sari store na maliit na tambayan upang magyosi siya.
"Keith.. About the other day."
"You don't have to say it."
"But I have to explain it!"
Huminga ko nang malalim. Masalas na mantra ko sa ganito ay Hingang malalim.
"Bakit?"
"Kung tinatanong mo kung bakit ilaw ang First Love ko..."
Naputol ang sinasabi niya. He just stopped.
"...Sa tamang oras sasabihin ko."
"Ikaw ang bahala Cholo. Pero honestly hindi ko alam kung paano magreact dito."
"Keith di mo naman kailangan suklian yung love ko para sayo, sa ngayon. Sinabi ko lang iyon sayo cause I felt like being suffocated and the only way to be released is by telling you that... Keith please, wag sana magbago yung pakikitungo mo sakin."
I was speechless. Sino ba ako para makuha ang attention na ito, ang ganitong klaseng treatment o kung saan man to maka-categorize. I am no one. A commoner. A simple guy with apparent plans on his life. Do I even deserve this? No.
"Keith alam ko naman na mahal mo si Paolo eh... pero" Napatigil siya. Huminga nang malalim at yumuko.
"...Pero handa akong maghintay."
...
"Nabili na ba lahat ng mga kakailanganin niyo?" Tanong sa amin ni At Joanne nang makarating kami sa school. Halos abutin kami ng lunch sa pamimili nang mga kakailangin na gamit para sa booth. Actually hindi siya yung booth na nagbebenta ng samo't-saring pagkain at kalakuti, ang booth namin paranv maliit ng version ng Hospital at siyempre First Aid. Meron din kaming simple lessons ng First Aid. Ang point kasi nito ay palawigin ang kaalaman ng mga hindi Nursing students patungkol sa nga ganitong bagay. Hindi naman mababalewala ang kaunting malalaman nila dahil hindi mo kailanman masasabi ang mga possible na mangyari.
Sinamahan ako ni Paolo upang maglunch. Si Alex kasi absent gawa nang masakit daw di umano ang katawan.
"Babe di ka ba masyadong pinahihirapan sa Org?"
"Di naman. Medyo nakakapagod lang kanina kasi halos palipat-lipat kami ng Hardware."
"Sana palang sinamahan na kita, kahit driver lang."
"Saan ka ba kasi nagpupunta Pao?"
This past few days kasi halos lahi siyang umaalis kapag lobg break. Ngayon lang ako nagkaroon ng pagkakataon makausap siya tungkol dito dahil busy ako sa Org. Nagkikita nalang kami sa mga Classes. Kapag naman nasa bahay ako eh di ko na siya matext man lang dahil naghahabol ako ng lectures at mga nirereview.
"Eh kasi tinuturuan ko sina Katherine ng Basketball. Kailangan kasi nila ang magtuturo dahil malapit na yung intrams nila."
"Ah ganun b-"
"Keith wait lang- Oh hey Kath.. Yeah break ko... Okay sige. Malapit lang naman eh... bye!"
Ayos naman yung mood ko pero nang marinig ko yung pangalan nang babaeng yung twice eh nagpintig talaga yung tenga ko at bigla akong nakafeel ng kairitahan.
"Keith puntaha ko lang sila Kath ah? Diyan lang sa 12Ave."
"Okay. Go. Puntaha mo na siya." Tumayo na ako at mabilis na umalis. Di ko na siya pinakinggan pa.
Hindi na ba niya binibigyan ng halaga yung relationship namin? Halos itong 2hr break na nga lang namin yung time namin sa isa't-isa pero he chose that girl over me... Kung sa bagay. Katherine is obviously a Girl for f***s sake.
"Oh Kieth, bakit ka nakabusangkol diyan?" Tanong ni Cholo.
Sino ba naman ang di maiirita sa mga pinag-gagawa ni Paolo? Feeling ko nababalewala na itong relationship namin. Nababalewala na ako. Di ba niya narerealize iyon or talagang di na niya napapansin? Nyeta.
Matapos akong tumulong para sa pagconstruct ng booth ay Tinapos ko na yung pagaayos ng record ko para sa mga nagastos. Kakailanganin kasi ito ni Ate Joanne eh. Nang matapos ko ang trabaho ko ay nagpaalam na akong uuwi na. 3pm palang naman eh pero wala na talaga ako sa mood. Since excuse naman ako the whole day sa mga classes ko kaya uuwi nalang ako.
"Keith." Tawag ni Cholo. May inabot siyang nakabox. "Sansrival. Para naman mabawasan yang pagkabanas mo." After he gave me the box eh nagsmile siya tapos iniwan na ako.
On my way home ay di ko maiwasang mapaisip sa nangyayari. Simpleng bagay pa nga lang ito pero ganito na yung reactions ko. Paano pa kaya kapag may mas malaking pagsubok? tae.
Maghapon lang akong nakakulong sa kwarto ko at nakahiga. Nakakapagod yung mga nangyari at nangyayari eh. Nakakapagod sa utak at katawan.
...
Lumipas ang mga araw at mas lalo akong naging busy sa Org. Maraming nga bagay ang kailangang matapos dahil weekend nalang ang pagitan at School Fest na. Sumabay pa ang maraming pinapagawa ng mga prof dahil one week na walang regular classes gawa ng school fest kaya nagpopondo na sila.
Kasabay ng pagiging busy naming lahat ay ganun din si Paolo. Busy siya masyado na di man lang niya magawang makausap ako. Nabaon na nga sa limot yung nangyari nung isang linggo eh Di na namin napag-usapan pa.
Inaamin ko, medyo naging malamig ang relasyon namin. Halos wala nang time for each other. Naging magulo at kasabay ng mga pangyayari ay may nalaman ako na kahit papano ay bagbigay linaw sa akin tungkol sa mga bagay.
Isang katotohanan na dala ko buong weekend. Di ako naging magaling sa pagdala o kahit pagtago nito dahil nahulata ni Yosef ang pinagdadaanan ko. Hindi ko naman masabi sakanya dahil hindi ko kaya. Anytime na magsabi ako sakanya ay siguradong magbe-breakdown ako.
And I don't want to cry in front of anyone anymore.
*Phone ringing.*
"Hello, Pao."
"Where are you?" After niya akong iwan for that girl?
"Bakit?"
"Just answer me!"
"Teka lang ah, ano bang problema mo? Why are you shouting?!"
"Okay sorry for shouting. Nasaan ka ba ngayon Keith?"
"Sa bahay."
"Puntaha kita. Bye."
Tangina. Siya pa ngayon itong may lakas ng loob na pagtaasan ako nang boses? Eh kung tutuusin kahit di ko sagutin yang punyetang tawag niya eh pwede ko gawin.
Ilang saglit lang ay nagtext siya na nasa labas na daw siya ng bahay. So pinuntahan ko. Nagyaya siyang pumasok muna kami so pinagbigyan ko at pumunta kaming room ko.
Bakas sa mukha niya ang galit at irita. Again, dapat ako yang nakikitaan nmg ganyan ah. But no. As much as possible ayoko nang sabayan pa siya. Walang patutunguhan itong usapan na to kung sasabayan ko siya.
Umupo ako sa kama ko. Umupo naman siya sa swivel chair na nakaharap sakin. Nakatingin lang siya sakin na parang binabasa ang utak ko. Pero bakas na bakas pa din yung galit sa mata niya. Pero di ako nagpatinag sa tingin niya. I stayed calm and patiently waited for him to say something. Napapansin ko na kinakalma nkya yung sarili niya coz he's breathing sloww and deep. Ilang segundo pa ay nagsalita na siya.
"Sino kasama mo the whole day?"
"What is this for?"
"Just answer. Sino kasama mo."
"Si Cholo and yung Org officers." Totoo naman sila ang kasama ko dahil busy kami sa prepartions. At bilang di lalahok ang college of engineering (for some reason na kakagaling lang nila sa tour at walng time para magready) ay sila ang naatasang tumulong sa mga kasali.
"So totoo nga?"
"Totoo ang alin?" Balik tanong ko sakanya.
"Na magkasama kayo maghapon."
"Oo. Paolo ano bang problema mo?"
"Si Cholo! Siya yung problema ko! Di ba sabi ko naman sayo ay iwasan mo siya? Pero bakit di mo ginagawa?!"
"Paolo pwede ba! Hindi ko siya iiwasan nang dahil lang sinabi mo dahil wala naman akong mali!"
"Ikaw wala dahil ang manhid mo! Can't you see na may gusto siya sayo?!"
"And he also knows about Us. So anong pinuputok ng butche mo?!"
"Sa tingin mo di siya gagawa ng paraan para sirain yang 'US' na yan? I'm sure he will, Keith!"
Nagulat ako nang hawakan niya ang kamay ko nang mahigpit. Napatingin ako sa kamay niya at namay ko, nang tignan ko ang mga mata niya na galit ay di ko maiwasang maluha.
"Alam mo Pao, hindi naman niya masisira yung kung ano ang meron tayo eh... basta ba hindi ikaw ang unang gagawa ng lamat. As long as I love you. As long as you still hold on. Pero sa nakikita ko, unti-unti ka nang lumalayo."
"What are you talking about?"
I wasn't able to contain myself anymore. Slowly, my tears rolled down from mg eyes. Paulit-ulit kong naririnig ang usapan ng mga kaibigan ni Paolo. Ang sakit. Sobra. Ang sakit sakit.
"Sa tingin mo hindi aabot sakin ang tungkol sainyo ni Katherine?" Mabilis na pumatak ang mga luha sa mga mata ko nang maalala ko ang mga narinig ko galing sa mga barkada niya. "Pao narinig ko yung kwentuhan ng mga kaibigan mo."
"Keith hindi k-ko alam ang sinasabi mo."
"Stop playing naive!"
Naupo akong muki sa kama nang manlambot ang tuhod ko. Hindi ko na kaya ang masyadong maraming emosyon. Nahihirapan ako.
"Keith kung ano man yung narinig mo, hindi totoo yun. Mahal kita. Alam mo yan!"
"Putangina naman Paolo! Ni hindi ko na ng alam kung dapat pa ba kitang pakinggan. Hindi ko na alam kung dapat pa kitang laniwalaan!"
"Keith please..."
"No. Stop. Paolo alam mo ba gaano kasakit na malaman ko na nagugustuhan mo na si Katherine?" I tried to breath. But crying makes it so hard. "Pao ang sakit sakit. Saan ba ako nagkulang? Ano bang mali ko?"
"Keith wala... Sorry... walang mali o kulang sayo."
"Kung wala, bakit? Ha?! Bakit?!"
Hindi siya sumagot. Umupo siya at humawak sa ulo niya. He's crying. But he answered me. Clearly.
"I'm confused."
End of Chapter 16