Keith's POV Sino ba nagsabing madali ang landas na tinatahak ko-mali, tinatahak ng mga katulad ko. Maraming bagay sa mundo na hindi tama sa ating mga paningin. Kapag hindi pabor ang bagay o gawa saatin ito ay madalas na nasasabihan ng Mali. Kapag ang isang kilos o ugali ay bago sa ating paningin madalas ay nasasabihan na ito ay di dapat, ito ay di tama. Tao tayo na kapag ang isang bagay ay di ayon sa ating mga nakasanayan ay nasasabihan na taliwas, weirdo o di naman kaya ay bastos. Sino nga ba ang may alam ng tama at mali, sino ba ang nagsasabi na tama o mali ang isang bagay o kilos. Hindi ba, tayong mga tao din? Maraming bagay sa mundo ang di natin alam. Mga tanong na wala ang kasagutan. Bakit nga ba may bulag, pipi at bingi? Bakit may mga naisilang na di kompleto ang parte ng katawan.

