BUKANG LIWAYWAY, ang oras na pinakahihintay ng lahat ng estudyante. Mula sa pagkakaratay sa lupa ay lahat sila'y tumayo upang pagmasdan ang pagtaas ng sikat ng araw upang paalisin ang mga demonyong gustong-gusto silang patayin. Ang mga sugatan at di makakilos ay unti-unti nading naghihilom ang sugat at nakakagalaw nadin dahil sa tulong ng kapangyarihan ni Astrid. As usual, nasa taas ng puno si Astrid upang pagmasdan ang mga tumatakbong demonyo. Nanatili ang kanyang tingin sa kadiliman na unti-unting nawawala dahil sa sikat ng araw. 'Isang gagabi nanaman, mayroon pang susunod.' - Astrid said on her mind at ng tuluyan ng naghari ang sikat ng araw at tuluyan ng nagtago ang kadilim sa dulo ng kagubatan ay tumalon na siya pababa. Umupo siya sa lupa at sinandal ang kanyang likod sa puno at pi

