CHAPTER 15

1562 Words
-BELLE POV- My phone died yesterday kaya biglang naputol ang tawag ng isang lalaki. Until now, hindi pa rin mawala sa isip ko ang boses niya. Familiar. Deep. Calm. And somehow… it made my chest ache. Pero pinilit ko na lang iyong i-ignore dahil mas importante ang araw na ito. Today was my first official day sa Imperial Modeling & Advertising Agency bilang bagong endorser nila dito sa bansa.One year palang ako sa pagmo-modelo, kaya hindi ko pa rin maiwasang kabahan. This time felt different. Hindi lang ito simpleng trabaho. Bumabalik ako sa bansang minsan kong tinakasan… at sa buhay na iniwan ko noon. Maaga akong dumating sa studio. Busy agad ang buong paligid. May mga stylists na nagmamadali, photographers checking the cameras, staff members preparing the set, habang ang iba naman ay abala sa pag-aayos ng outfits at accessories ko. Pagpasok ko sa dressing room, agad akong pinaupo sa harap ng malaking salamin habang inaayos nila ang buhok at makeup ko. Tahimik lang akong nakatingin sa sarili ko sa salamin. I changed a lot. Hindi na ako yung dating Belle na tahimik lang umiiyak sa kwarto kapag nasasaktan. Hindi na rin ako yung batang babae na laging sumusunod kay Jayden. New York changed me. The pain changed me. Ngunit bigla kong naalala si mommy Elsa. Yung mga araw na kumpleto pa kaming tatlo nila Jayden. Mommy would always smile habang pinapanood kaming mag-away ni Jayden dahil sa simpleng bagay. May mga gabing sabay-sabay kaming kumakain sa labas, laughing over random stories, habang tahimik lang si Jayden pero paminsan-minsan ay aasarin ako para mapikon. Back then, I thought those moments would last forever. Pero hindi pala. Habang nalulunod ako sa memories ko, biglang bumukas ang pinto ng dressing room. A tall woman entered confidently. Sharp eyes. Expensive clothes. Strong aura. I immediately recognized her. Trixie Garcia. Isa siya sa pinakasikat na model dito sa bansa ngayon. Huminto siya sa harap ko habang tinaasan ako ng kilay. “Are you Belle Danieles?” Tumango ako habang diretso siyang tinitingnan. “Yes. Why?” Bahagya siyang ngumiti pero halatang hindi friendly. “Nothing. I just wanted to see the woman everyone’s suddenly obsessed with.” Nanatili lang akong tahimik. She crossed her arms before speaking again. “You worked abroad for years, right? Hopefully you’re actually good enough.” I almost smiled. Marami na akong na-encounter na kagaya niya sa modeling industry. Women who smile while trying to intimidate you. Kaya sa halip na maapektuhan, tumayo lang ako at inayos ang dress ko. “Don’t worry,” kalmado kong sagot. “I didn’t come back here to compete with anyone.” For a second, tila natigilan siya sa sagot ko. Then she smirked. “We’ll see.” Pagkatapos noon ay tuluyan na siyang lumabas. Makalipas ang ilang minuto, sumilip si Mrs. Fe sa dressing room. “Ms. Belle, the set is ready.” Huminga ako nang malalim bago ngumiti. “Okay. Let’s start.” The moment I stepped onto the set, everything felt natural again. The lights. The cameras. The pressure. The attention. Parang automatic nang gumalaw ang katawan ko habang nagsisimula ang photoshoot. “Beautiful!” “Perfect!” “That look! Yes!” Sunod-sunod ang camera flashes habang nagpapalit ako ng poses. And somehow… for the first time after coming back home, I felt okay. Parang hindi ako yung babaeng tumakbo palayo one year ago. After almost an hour, natapos ang first set ng photoshoot. Lumapit agad ang photographer habang nakangiti. “Ms. Belle, you’re incredible.” Bahagya akong ngumiti. “Thank you.” Tumabi rin si Mrs. Fe. “Honestly, mas maganda ka pa in person kaysa sa posters mo.” Natawa ako nang mahina. “That’s flattering.” Maya-maya ay nagsalita ulit ang photographer. “You can take a short break first before filming.” Pagkatapos ay napalingon siya kay Mrs. Fe. “Where’s the male model partner?” “Paparating na raw.” Lumayo muna ako para kumuha ng tubig habang nire-review ang mga pictures ko sa tablet. Everything felt peaceful. Until suddenly.. May biglang humawak sa pulsuhan ko. Mabilis akong napalingon. “Who the—” At doon, biglang tumigil ang mundo ko. "Jayden?" Nanlamig ang buong katawan ko. He was standing right in front of me. His grip on my wrist tightened slightly. “Belle…” My chest shook violently hearing my name from him again. Sobrang isang taon. Almost 2 years ko ring pilit kinalimutan ang lalaking ’to. Pero sa isang tingin lang… parang bumalik lahat ng sakit. Hindi ako agad nakapagsalita. At dahil doon, mas lalo siyang nagalit. “Say something.” Mahina niyang sabi. Napakagat ako sa labi bago ko pilit sinabi ang unang pumasok sa isip ko. “Bitawan mo ako.” His jaw tightened instantly. “You disappeared for almost year.” malamig niyang sabi. “And that’s the first thing you say to me?” Napatingin na ang ibang staff sa amin. Mabilis na lumapit si Mrs. Fe. “Sir? Is there a problem?” Hindi man lang siya lumingon dito. Nakatitig lang siya sa akin. “Yes.” His eyes darkened. “A very serious problem.” At bago pa ako makapagsalita, bigla niya akong hinila palabas ng studio. “Jayden!” Halos mawalan ako ng balance habang sinusubukan siyang pigilan. “Let go of me!” Pero parang wala siyang naririnig. Pagdating namin sa hallway, saka niya ako binitawan. Mabilis akong huminga habang hinihimas ang pulsuhan ko, pero agad din siyang lumapit ulit. So close. Too close. Ramdam ko ang init ng katawan niya at ang mabilis niyang paghinga. “Why?” His voice cracked slightly. At doon ako natigilan. Because for the first time… narinig ko kung gaano siya kasaktan. “Why did you leave without telling me?” Napaiwas ako ng tingin pero mabilis niya akong hinarap ulit. “Do you even know what I went through after you disappeared?” Unti-unting namuo ang luha sa mga mata ko. I hated this. I hated how weak I became around him. “I needed to leave.” Mahina ang boses ko pero nanginginig. Napatawa siya nang mapait. “Needed?” Napahawak siya sa buhok niya habang frustrated. “Belle, I looked for you everywhere.” Nanikip bigla ang dibdib ko sa sinabi niya. “I called agencies. Hotels. Airports. I even used connections abroad just to find you.” Tumulo agad ang luha ko. “And then one day… I heard you were already building your dream life in New York.” His eyes turned red. God…Hindi ko pa siya nakitang ganito noon. This broken. This desperate. Huminga siya nang malalim bago muling tumingin sa akin. “Do you know how many nights I blamed myself?” Hindi ako makapagsalita. Because deep inside… I knew. I hurt him too. Pero masyado rin akong nasaktan noon para manatili. Humugot ako ng lakas bago siya tiningnan diretso sa mata. “You weren’t the only one hurting, Jayden.” Biglang napahigpit ang panga niya. “I already explained that.” Napatawa ako nang mahina habang umiiyak. “Explained?” Tumango ako habang pinupunasan ang luha ko. “Do you know what it felt like seeing my husband holding another woman?” Nanahimik siya. At doon ko nakita ang guilt sa mga mata niya. “I was young, Jayden. But I wasn’t stupid.” Huminga ako nang malalim. “You kept saying you cared about me… but every time I looked at you before, I always felt like you were looking at someone you were responsible for. Not someone you truly loved.” Bigla niyang hinawakan ang braso ko. “That’s not true.” Napatingin ako sa kamay niya bago dahan-dahang tumingin sa kanya. “Then what was I to you?” Natahimik siya. And that silence still hurt me. Even after one year. Napapikit ako habang pilit pinapakalma ang sarili ko. “See?” mahina kong sabi. “You still can’t answer me.” Biglang humigpit ang hawak niya sa akin. “Because you left before I could understand my own feelings!” Nanlaki ang mga mata ko. Mabilis ang paghinga niya habang nakatingin sa akin. “Do you know what happened after you disappeared?” Hindi ako makagalaw. “The house felt empty.” His voice became softer. Broken. “Everything reminded me of you.” Nanikip ang dibdib ko. “Your paintings. Your room. Your voice.” Napaluha ako lalo. “And every time I came home…” napatawa siya nang mapait. “I kept hoping you’d suddenly be there again.” Hindi ko kinaya. Mabilis akong umiwas ng tingin dahil hearing those words from him after all this time… destroyed me. Pero bago pa lumala ang emosyon naming dalawa, bumukas ang studio door. “Ms. Belle?” Napalingon kami pareho. Isa sa mga staff ang nakatayo roon. “Ready na po for filming.” Mabilis akong napaatras kay Jayden. Huminga ako nang malalim bago inayos ang sarili ko. Professional. I needed to stay professional. Pinunasan ko ang luha ko bago tumingin kay Jayden sa huling pagkakataon. “We’ll talk another time.” Pero bago ako makaalis, mabilis niyang hinawakan ulit ang kamay ko. “Don’t disappear again.” Hindi na ako sumagot. Dahan-dahan ko lang inalis ang kamay ko mula sa pagkakahawak niya bago ako tuluyang bumalik sa studio habang pilit inaayos ang magulong t***k ng puso ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD