CHAPTER 17

909 Words
— BELLE POV — Nagulat pa rin ako sa ginawa ni Jayden kanina. Pero kung tutuusin, mas kinabahan ako sa sinabi ng director. A kiss scene? Hindi ko alam kung bakit, hindi ko kayang isipin ang sarili kong hinahalikan ng isang lalaki sa harap ng camera. Siguro dahil never pa akong nahalikan. Kaya kahit paano, nagpapasalamat ako kay Jayden dahil pinigilan niya agad ang usapan. Pero habang paulit-ulit kong inaalala ang nangyari, isang tanong ang ayaw mawala sa isip ko. Bakit ganoon siya magalit? Parang hindi iyon simpleng pagtutol. Parang may mas malalim na dahilan. At iyon ang hindi ko maintindihan. Nasa dressing room ako kasama si Dave nang bigla siyang magsalita. "Belle, can I ask you something?" Napatingin ako sa kanya habang nag-aayos ng gamit. "Hmm? Sure." Nag-atubili siya sandali bago ngumiti. "What exactly is your relationship with Mr. Jayden?" Bahagya akong natigilan. "Bakit mo naman natanong?" Nagkibit-balikat siya. "The way he reacted earlier... He looked jealous." Napatawa ako. "Jealous? Impossible." "Really?" "Yes." Isinukbit ko ang bag sa balikat ko. "Trust me. Jayden isn't the jealous type." Kung may isang bagay na sigurado ako tungkol kay Jayden, iyon ay ang pagiging istrikto niya. At minsan... nakakainis. Pero seloso? Hindi. Hindi siya ganoon. At least... Iyon ang gusto kong paniwalaan. Paglabas ko ng elevator, agad kong nakita si Trixie sa lobby. At agad ding sumama ang kutob ko. Hindi ko alam kung bakit, pero simula pa lang nang magkita kami, parang may hindi na siya gusto sa akin. Nang makita niya ako, agad siyang tumayo mula sa kinauupuan niya at hinarangan ako. "Wait." Napahinto ako. "Yes?" Tinaasan niya ako ng kilay. "Do you know who I am?" Napatingin ako sa kanya mula ulo hanggang paa. Then I shrugged. "No." Halos mabilaukan siya. "What?" "Should I?" Namula na ang mukha niya. "I'm the top model and endorser of this company." "Oh." Tumango ako. "Good for you." Lalong tumalim ang tingin niya. Parang gusto niya akong kalmutin sa mukha. "You're quite arrogant for a newcomer." Napatawa ako. "Funny. I was about to say the same thing." Halos manginig siya sa galit. "Do you think you're special because you got that project?" Napangisi ako. "Do you think I'm special because you won't stop talking about it?" Tumahimik siya. Napangiti ako. Got her. "I've handled projects way bigger than that." "Then why are you threatened by me?" Diretsahan kong tanong. Nanlaki ang mga mata niya. "Excuse me?" Lumapit ako nang bahagya. "If you're really that successful, why are you wasting your time talking to someone you think isn't talented?" Napatikom ang bibig niya. At doon ko alam na tumama ako. Pero imbes na umatras, lalo siyang nagalit. "You know what? You're not even that good." Huminga ako nang malalim. Pinipigilan ko pa ang sarili ko. "Ms. Trixie." Ngumiti ako. "Move." "What?" "Get out of my way." Tumalim ang boses ko. "Unless gusto mong mawalan ng trabaho." Biglang nagbago ang ekspresyon niya. At bago ko pa inaasahan, itinulak niya ako. Napaatras ako. At doon tuluyang nawala ang natitirang pasensya ko. "Don't test me." Malamig kong sabi. "Sino ka ba talaga?" sigaw niya. Ngumiti ako. "Ako?" Bahagya akong lumapit. "I'm the person who can destroy everything you've worked for." Natawa siya nang malakas. "Be careful with your words." "You should take your own advice." Tinalikuran ko siya bago pa lumala ang sitwasyon. At eksaktong paglingon ko... Nakita ko si Jayden. Agad siyang nilapitan ni Trixie. "Pauwi ka na?" tanong niya. Tumango naman ang bruha. At biglang naging napakalambing ng boses nito. "Yes." "Alright. Take care." Ngumiti si Jayden. "See you tomorrow." "Thanks, Jayden." Parang gusto kong mairita sa tono ng boses niya. Pero hindi ko na pinansin. Dere-diretso akong naglakad. Pero syempre... May ugali si Jayden na hindi marunong sumuko. "Belle." tawag niya kaya napahinto ako. "Come to my office." Hindi man lang pakiusap. Utos agad. Napairap ako. "Sorry." Nagpatuloy ako sa paglalakad. "I have important errands." "I'll wait." he insist, Napahinto ako at dahan-dahang lumingon. "Hindi mo ba ako narinig?" Tumaas ang kilay ko. "I said I have somewhere important to go." Tumalim ang tingin niya. "What could be more important than talking to me?" Napangisi ako. "A date." Nanlaki ang mga mata niya. "What did you say?" "A date." Tinawid ko ang mga braso ko. "Do you have a problem with that?" Unti-unti siyang lumapit. At bawat hakbang niya ay parang may kasamang pagbabanta. "Try dating another man. But don't blame me if you don't like my reaction." Napatawa ako. "Wow. Are you threatening me now?" "I'm warning you." Lumapit pa siya nang kaunti. "Don't leave. Follow me." At sa paraang sinabi niya iyon... Hindi ko alam kung dapat ba akong matakot. Tinalikuran niya ako na para bang sigurado siyang susunod ako. Napamaang ako sa kinatatayuan ko. "Maghintay ka!" Paano siya naging close sa ibang babae sa harap ko mismo? Tapos ngayon, may gana pa siyang pagbantaan ako? Napairap ako. The audacity of this man. Hindi ko alam kung saan niya kinukuha ang kapal ng mukha niya. Nakikipag-usap siya nang maayos kay Trixie, hinahatid pa ito ng tingin, tapos ako ang babawalan niyang makipag-date? Excuse me? Diretso akong umuwi sa condo ko. At buong biyahe pauwi, paulit-ulit na bumabalik sa isip ko ang sinabi niya. "Try dating another man. But don't blame me if you don't like my reaction." Hindi ko maintindihan kung bakit. Pero habang inaalala ko iyon... Mas lalo akong naiinis. At mas lalo ring bumibilis ang t***k ng puso ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD