CHAPTER 9

1268 Words
JAYDEN POV  I know she’s not ready to accept everything yet—not even our marriage. Sa totoo lang, hindi rin ako handa. I broke up with Eve, and it still hurts to leave her like that. Sobrang galit niya sa akin, at tanggap ko iyon. I just hope someday she will understand… kahit alam kong hindi magiging madali. Right now, abala ako sa preparations ng kasal namin ni Belle—civil first, para private. Pero isang araw, habang nagdadala ako ng gamit pabalik sa bahay, aksidenteng nakita ko ang phone niya na naiwan sa table. Biglang may lumabas na message: “See you tomorrow, Belle. Love you!” Steve. Halos sumabog ang dugo ko sa galit. Pagbaba ni Belle, agad niyang kinuha ang phone. Pilit kong pinakalma ang sarili at tinanong, “Who’s Steve?” Hindi niya ako sinagot at tinalikuran. “Belle! Don’t test my patience!” sigaw ko, nanginginig ang boses. “Give me your phone!” Pero hindi siya nakinig at tuluyang pumasok sa kwarto niya. Sinundan ko siya at inagaw ang phone. “Give it back to me!” pilit niyang kinukuha. “If you don’t listen, hindi mo na makukuha ito! Ikakasal na tayo. Pa’no mo nagawang makipag-date sa iba?!” “Ikakasal? Paano? Napipilitan ka lang diba? Dahil yan ang gusto ni Mommy! Bakit? Gusto mo ba ako? Hindi diba?” Wala akong masabi. Tumigil siya at pumasok sa kwarto niya, naiwan akong nakatayo sa hallway, puno ng kaba at pangamba. Ano nga ba ang tunay kong nararamdaman kay Belle? Mahal ko siya bilang kapatid simula pagkabata namin. Kilala siya, kilalang-kilala ko siya kahit kanino mang babae. Pero ngayon may ibang damdamin na hindi ko kayang pangalanan. Siguro someday, matututo rin akong mahalin siya bilang asawa ko. Hindi ko siya pinipilit na mahalin ako. Pero alam kong sa huli, magsasama talaga kami bilang mag-asawa. Iniwan ko na lang ang phone niya sa table. Buong gabi, iniisip ko siya at hindi makatulog. Gusto ko puntahan siya sa kwarto at humingi ng sorry. Alam kong mahirap para sa kanya ang pagpapakasal sa akin, at gusto ko rin siyang makakita ng lalaking mamahalin siya… pero nakapangako na ako kay Mommy, at hindi ko kayang bawiin iyon. Biglang sumagi sa isip ko ang sinabi niya noon—na in-love siya sa isang tao sa panaginip niya. Sino kaya iyon? Gusto kong malaman… pero paano? Next Morning Quarter to six, nag-ring ang cellphone ni Belle. Kinuha ko ito—Steve calling. Hinayaan ko lang mag-ring at ibinalik sa kanya. Pinuntahan ko siya sa kwarto. Tulog pa siya, kaya nilagay ko lang ang phone sa table niya para hindi siya maabala kung tatawag ulit. Pagkatapos ng ilang minuto, bumaba siya. Hindi kami nagkatinginan. Habang nagba-breakfast, tumawag ulit si Steve at sinagot niya agad. “Hello… Yes, Steve,” sabi niya, sabay tingin sa akin. “Ok… Pupunta ako,” at ibinalik ang phone. Tumayo siya para umalis, pero napansin ko na hindi pa niya natapos ang pagkain. “Before you go, finish your breakfast!” utos ko. Umupo siya ulit at tinapos ang pagkain. “So… talagang ipagpapatuloy mo pa ang pakikipagkita sa kanya?” tanong ko. “Don’t worry. Ito na lang ang huling pakikipagkita ko sa kanya,” Nagulat ako sa sagot niya. “Hindi na ako makikipag-date sa iba? I’m really sorry,” sabi niya. Nakikita ko sa mga mata niya ang sincerity, pero ramdam ko na may tinatago pa rin siya. Tahimik muna kami ng ilang sandali. Ramdam ko ang tensyon sa pagitan namin. Lumapit ako at umupo sa kabila niya. “I’m sorry sa inasal ko kagabi, pero gusto ko lang itama ang lahat. Ikakasal na tayo kaya ganun nalang ang ginawa ko,” paliwanag ko. “Itama? Bakit kailan naging tama ang lahat? Gusto ko lang may makakasama na mamahalin ako bilang babae, hindi bilang isang kapatid. That’s why I dated Steve—because I know he loves me as a woman,” sagot niya. “Pero mahal mo ba siya?” tanong ko. “Mahal mo rin ba ako? Kapatid lang diba?” “I’ll try, Belle. I’ll try,” sabi ko. “So, trial and error pala ito?” sagot niya. Tahimik kami ulit, parehong nakatingin sa mesa. Nang mangahas akong itanong ang tungkol sa lalaki sa panaginip niya: “Na-mention mo noon ang lalaki sa panaginip mo… gusto mo pa rin siya?” “Yes…” maikli lang ang sagot niya. “Tell me about him… so I can try to be him. Kahit magkaiba kami, I’ll try to become him,” sabi ko. “Wag na. Sabi mo, diba? Ang panaginip ay hindi talaga magkakatotoo. Hindi niya naman ako gusto. Ano pa ang silbi para malaman mo? At huwag mong pilitin ang sarili mo na mahalin ako,” sagot niya, may halong kirot. “Pero dapat mo na siyang kalimutan,” sabi ko, pilit na kalmado. “Dahil kahit anong mangyari, ikakasal pa rin tayo.” “Kahit hindi tayo nagmamahalan?” I love her as my sister, and I know she loves me as her older brother. Mutual ang feelings namin, at hindi lalagpas ang pamamahal namin bilang magkapatid kahit hindi kami magkadugo. “Bigyan natin ang isa’t isa ng panahon para mag-isip. Kung aabot ng isang taon na walang pagbabago, puwede na tayong maghiwalay,” dagdag ko. “Oo! Gagawin talaga ko yan!” Medyo nasaktan ako sa sagot niya. Agad siyang tumayo. “I’m sorry. Naghihintay na si Steve.” Nagmamadali siyang umalis. Tama ba ang sinabi ko? Hindi. Mali approach ko. Dapat ako ang gumawa ng paraan para ayusin ang relasyon namin. Pero paano kung ayaw rin niyang makasama ako? Ayoko rin na darating ang araw na magkahiwalay kami. Sana, kahit papaano, magiging maayos ang pagsasama namin at makalimutan niya rin ang taong nasa panaginip niya… at sana ay makalimutan ko rin si Eve. Pagdating ko sa office ay bigla ring pumasok si Jun. I could tell right away na may mabigat siyang iniisip. Hindi lang siya nandito bilang staff—he’s here because he genuinely worries about Belle. And honestly, I can’t blame him. Everything is happening too fast. “Sir Jaden, sigurado ka ba talaga sa desisyon mo?” maingat niyang tanong. “Bata pa si Belle. Nag-aaral pa siya. Hindi ba puwedeng pagplanuhan muna nang mas maayos ang kasal n’yo?” Hindi ako agad nakasagot. I’ve asked myself the same question so many times. Tama siya—pero may dahilan kung bakit ako nagmamadali. “Sir,” dagdag niya, “alam ba ni Belle ’to?” Huminga ako nang malalim bago sumagot. “Yes,” sagot ko. “Pero hindi niya alam na mas maaga naming itutuloy ang kasal.” Napailing si Jun, halatang hindi siya kumbinsido. “Hindi papayag si Belle sa plano mo,” diretsahan niyang sabi. “Ano ba talaga ang pinagmamadalian mo?” Napapikit ako sandali. I didn’t want to say it, but there was no point hiding it anymore. “May iba siyang gusto, and once we’re married, wala nang magiging sagabal.” Hindi ko siya tinignan. Ayokong makita ang reaksyon niya—kung disappointment man o tahimik na pagtutol. Sa isip ko, paulit-ulit na bumabalik ang iisang hiling. I hope she forgets the man from her dreams. Sana dumating ang araw na marealize niya na panaginip lang iyon, not something real I have to compete with. Because if she does forget him, maybe our marriage has a chance to last. And maybe—just maybe—she’ll learn to love me. Not as her brother. Not because she was forced. But as her husband.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD