Chapter 12 ISANG DI INAASAHANG SORPRESA ”Dina! Hindi ka sumama sa akin dito sa Canada para magmukmok… hindi ka pumunta dito para mamatay.”;mabagsik na wika ni Carlos kay Dina na nasa kwarto lang nito at nakaupo sa gilid ng bintana habang nakatanaw lamang sa labas. Tumingin lamang si Dina sa direksyon ng kinaroroonan ni Carlos. Walang sigla at wala na ang kislap sa mga mata ni Dina. Halos 3 linggo na ang nakakalipas buhat nang dumating sina Dina at Carlos sa Canada ngunit hindi man lamang kakikitaan ng kasiyahan si Dina na makatapak sa banyagang bansa at sa halip palagi lang siyang nasa bahay ni carlos at halos hindi lumalabas ng kwarto. “Alam ko naman iyon,best pero…”;si Dina at napabuntong-hininga. Nalungkot si carlos na makitang ganoon si Dina. Lumapit si Carlos kay Dina, tumabi siya

