Chapter 6 SI ALICE

2598 Words
Chapter 6 SI ALICE Kalahating taon na si Dina sa poder ng mga Ballestros at di man lang siya nagawang dalawin or kahit kontakin man lang ng kanyang ina at kapatid. Hindi niya na nakita ang mga ito buhat nang lumipat siya kina Rico. Naging maayos naman at smooth ang pag-aaral ni Dina pero as usual, di siya gaano close sa mga kaklase niya liban na sa women's basketball team ng paaralan. Kelangan united siya sa mga kasama niya, teamwork kase ang susi para sa magandang game play sa basketball. Malapit siya sa kanila pero para pa ring may limitasyon ang pakikipagkaibigan niya, di siya lubos na open sa mga kasama niya at di din siya masyado inuusisa ng mga ito. Kahit na sa ganoong sitwasyon, magkakasundo naman sila at nagawa nga nilang magchampion sa basketball season na iyon... tinalo nina Dina ang basketball team na dating kinabibilangan niya sa dating university na pinapasukan niya. Ang iba ay masama ang loob para raw kasi binalewala ni Dina ang matagal na pinagsamahan nila noon, pero ang iba naman ay nauunawaan siya pagkat sports iyon... lahat sila ginagawa ang kanilang makakaya para manalo ang kanilang team... ngunit sadyang napagkalooban lang talaga si Dina ng excellent talent sa paglalaro ng sports na ito. Aware naman ang mga ka-teammates ni Dina na malaki ang papel ni Dina kaya sila nagchampion sa larong iyon, dahil kase sa kanya natutong makipagcooperate ang bawat member, nagkaroon sila ng teamwork sa halip na magsapawan at mag-agawan ng bola para magpasikat kung sino ang makadami ng puntos. Tuwang-tuwa naman si Rico habnag ikinukwento ni Dina sa kanya ang pagkapanalo nila, proud na proud si Rico. Masaya pa niya itong ibinalita at ipinagmalaki sa kanyang mga magulang, dahilan para ikatuwa din nila ito sabay umaasang magkakadevelopan nga ang mag-asawa sa kabila ng katotohanang kahit ilang panahon na ang lumipas e wariy magkapatid pa din ang turingan ng dalawa. Lumipas pa ang ilang panahon at grumaduate na nga si Dina sa college, pero ni anino man lang ng kanyang mama o ni Sunshine ay di man lang niya naaninagan buti na lang nariyan ang mga Ballestros gayon pa man disappointed siya dahil wala ang pamilyang kinalakihan niya at kinalungkot niya iyon ang mas lalo niyang ikinalungkot ay ang katotohanang dapat niyang harapin... graduate na siya, ibig sabihin di na siya papaaralin pa ni Rico... at kailangan niya na maghanap na ng trabaho... well, dapat lang. "Graduate na ako, Rico."; si Dina nang makausap si Rico ng sarilinan sa mini library nila. "Well, congratulations Dina! Wala akong mapagsisidlan ng saya. We are so proud of you.";sagot ni Rico. "Haha! Para ka namang matanda kung magsalita!";tawa ni Dina pero agad ding sumeryoso. "Uhmn.. Ah eh, Rico. .. tutal ay graduate na ako... baka pwede na akong bumukod sa inyo, nahihiya na rin akong makitira---";naputol si Dina sa kanya pang mga sasabihin. Salubong ang kilay ni Rico. "NO.";maagap na sagot ni Rico. "Pero Rico di naman agad-agad e. Maghahanap muna ako ng trabaho. Tapos pagkaya ko na---"; Tinangkang magpaliwanag ni Dina pero muli ay naputol nanaman siya sa kanyang mga sinasabi. "Work? Maghahanap ka ng work?"; ani Rico na naksalubong pa din ang kilay. Sa kagustuhang makumbinse ni Dina si Rico ay tumango siya sa halip na makipagtalastasan at sagutin pa ng pabalang ang kanyang kausap gaya ng kanyang nakasanayan. "Bakit ka naman magwowork? E kaya naman kitang buhayin---" "Pero Rico---" "Dina! Habangbuhay kitang aakuing responsibilidad! Ipinangako ko iyan... parang ako na ang tumatayong ama mo ngayon. Isa yang katotohanan na di natin kapwa matatakasan. Kami na ang bago mong pamilya, Dina." "Rico di ba sabi mo, di mo ako tatalian?!";umangal na si Dina at medyo tumaas na ang boses. "BAKIT?! Mayroon na bang lalaking naglalakas-loob na kunin ka sa akin?";sagot ni Rico na may malakas ding tining. Nagulat si Dina at di nakaimik. "Di ba ang mga magulang, pinapalaya lang ang kanilang mga anak na babae sa kanilang poder pag mag-aasawa na sila---"; naputol si Rico sa kanyang pangangatwiran. "Pero paano yan? Kasal na ako sa iyo Rico! Paano pa ako makakalaya sa iyo?!" "If he can't be a man enough to face me... then he's not worth to have you at di din kita ibibigay sa kung kani-kanino lang. Dito ka lang sa akin.";pasimpleng sagot ni Rico. Di na nakapagtimpi si Dina at agad niyang kinuwelyuhan si Rico at halos mapasandal ito sa pader. Nagulat si Rico, bagamat natural na iyon kay Dina pero nang mga panahong iyon ay nakikita niya sa mga mata ni Dina ang matinding galit. Hinawakan nya ang mga kamay ni Dina at binaliktad nya ang posisyon nila ni Dina at si Dina ngayon ang naikulong sa pagitan ng bisig nya at ng pader. Nagulat si Dina sa ginawa ni Rico kaya lumambot ang pagkahawak nya sa kwelyo nito. "Sina mama at papa... tinuturing ka na nilang anak. Mahal na mahal ka nila. Di mo ba naiisip ang mararamdaman nila, Dina?"; si Rico. Natigilan si Dina, sinamantala ito ni Rico upang alisin niya ang mga kamay ni Dina sa kanyang kwelyo. "Wag kang selfish. Kung wala kang enough reason para umalis dito... then huwag. Dito ka na lang. Matutupad mo pa ang gusto ng papa mo. Mahal na mahal ka ng magulang ko, laluna na kay papa dahil... gustong-gusto ka talaga niya... para sa akin."; si Rico. Nanahimik si Dina. "Stay here, Dina. You don't have to go. Di mo kailangan mag-isa dahil... may pamilya ka dito."; mahinahong dugtong ni Rico. Napakakomportable ng mga pananalita ni Rico kaya napaiyak bigla si Dina. "Ang totoo naman talaga e... gusto ko din ditto, Rico. Kaso nahihiya ako sa tuwing naiisip kong wala naman akong silbi dito at pilit kong isinisiksik sa inyo ang sarili ko..."; pag-amin ni Dina. "No. That's not true. Hindi ka walang silbi sa amin Dina. Pinapasaya mo kami dito. Nagkaroon muli ng masiglang tawanan sa bahay na ito nang dumating ka sa amin, Dina."; ani Rico at nakangiti na. Muling natigilan si Dina nang makita ang ngiting iyon. Napatitig siyang mainam kay Rico at feeling niya ay namumula siya. "Wipe your tears now, okay? We want you, Dina. We want you to stay here with us."; si Rico at tinapik ang balikat ni Dina saka hinimas ang kanyang ulo at akmang iiwanan na sana ang dalaga upang mapag-isa ito... nang bigla siyang yakapin ni Dina buhat sa likuran. Nagulat si Rico, natigilan siya dahil nararamdaman niya si Dina sa kanyang likod, di man niya nakikita ang dalaga pero damang-dama niya ang yakap nito sa kanya. "HEY! What are you doing?";naiilang na wika ni Rico pero di natinag si Dina sa kanyang pagkakayakap. Ibig magpumiglas ni Rico dahil kinakabahan siya sa ginagawa ni Dina sa kanya. "Thank you, Rico. Gusto ko din sa pamilyang ito. Salamat at dinala mo ako dito.";ani Dina at agad binitiwan si Rico saka dali-daling nilisan ang lugar at tinungo nito ang sariling kwarto. Wari nahiyang bigla si Rico sa biglang pagpapasalamat sa kanya ni Dina. Hindi siya makapaniwala dahil marahil mahirap bitiwan ang mga salitang iyon para kay Dina laluna alam niya kung gaano ka ma-pride si Dina. Napangiti bigla si Rico at naamuse sa reaksyon ni Dina, na para na rin niyang tinuturing na nakababatang kapatid. Alam niyang normal lang na makadama ng hiya si Dina dahil di nito talaga ugali ang mag-thank you kaya naman nasisiyahan talaga siya dahil kahit paano ay nagiging open na sa kanya si Dina di gaya noon. Ngayon ay madalas pa din silang nag-aaway at nagbubulyawan na parang aso at pusa pero wala nang halong pait at galit iyon dahil para na lamang itong naging habit o ritwal sa kanila. Nasanay sila sa ganoon pero di na ito napapalooban ng poot gaya nang una dahil sa kabila ng bangayan ay may pagmamalasakit na sila sa isa't isa... bilang pamilya. Nang mailapat ni Dina ang pintuan ng kanyang kwarto, agad siyang napatingin sa kanyang mga kamay. Bakit? Bakit ko ginawa yon? B-bakit ko siya niyakap?!;naguguluhang isip ni Dina. Mabilis ang pintig ng puso ni Dina at sariwang-sariwa sa kanyang ala-ala ang mga ngiti ni Rico. Nagkakagusto ba ako kay Rico? HINDI! Imposible!!!;naiinis na isip ni Dina. --- Pauwi na si Rico galing trabaho nang makita niya ang isang pamilyar na mukha na nakatayo sa labas ng opisina nila. Nanlaki ang mata ni Rico. Hindi siya makapaniwala laluna nang hinarap siya nitong may ngiti sabay kaway. "Rico..."; anito. "A-Alice!"; si Rico at nabitiwan ang dala-dala niyang bag. Patakbong tinungo niya ang babae at agad niyakap. "Where have you been?"; napaluha si Rico. "Ang mahalaga ay nakabalik na ako."; ngiti ni Alice. Nagtungo silang dalawa sa isang cafe. ---- "Mama, sino ba ang first love ni Rico?"; usisa ni Dina sa mama ni Rico. Nitong mga nagdaang araw ay panay ang tanong ni Dina ng mga bagay ukol kay Rico. Ang pagiging matanong niya ay ikinatuwa naman ng ginang. Natutuwa siya dahil nakikitaan niya si Dina ng pagkakaroon nito ng interes kay Rico. "Isa lang ang naging girlfriend ni Rico... iyon ay ang first love niya, si Alice."; sagot ng ginang sa tanong ni Dina. Alice? Para namang tunog-bata ang pangalan parang pang-nursery rhymes.;komento ng isip ni Dina. "Naging sila ni Rico buhat pa noong mga high school pa sila. Hanggang nang magcollege sila ay nanatili pa rin matibay ang pundasyon ng kanilang pag-iibigan, akala nga ng karamihan ay sila ang magkakatuluyan, maging kami man. Kaso umalis si Alice ng walang pasabi. Biglaan... at maging hanggang ngayon ay wala na kaming nabalitaan sa babaeng iyon."dugtong pa ng mama ni Rico. "Baka di niya natiis ang kasungitan ni Rico kaya umalis."; biro ni Dina. Ngumiti ang mama ni Rico, nahihimigan niya ang pagkainsecure ni Dina sa mga sinabi nito. "Originally hindi naman masungit si Rico, iha. Naging ganoon lang ang ugali niya nang iwanan siya ni Alice. Ang totoo, masayahing tao si Rico and very warm siya sa lahat. Kaso naglaho ang lahat ng sigla ng anak ko nang bigla siyang iwanan ni Alice 3 years ago. Kaya naman... sobrang tuwa naming ay pumayag kang magpakasal sa kanya iha. Naniniwala kami na ikaw ang muling magpapatibok ng puso ni Rico.";masayang pahay ng ginang. Pinamulahan ng mukha si Dina na lalong ikinatuwa ng ginang. "N-naku mama, asa pa kayo. Hinding-hindi ako maiinlove kay Rico, sa palaaway na yon. AT hinding-hindi rin siya maiinlove sa akin, aawayin ko siya kase salbahe siya sa sa akin."; ani ni Dina at umalis. Talaga lang ha...;pilyang sagot ng isipan ng ginang at di maitago ang mga ngiti sa labi. --- "Nagka-anorexia nervosa ako, Rico. Ayaw kong ipasabi sa iyo noon dahil ayokong mag-alala ka dahil sa kahiya-hiya kong kalagayan. Namamayat ako unti-unti akong pumapanget at halos patayin ko na din ang sarili sa gutom. Hindi ko alam kung bakit ako nagkaganoon. Ayokong makita mo ako sa ganoong kalagayan,kaya ang choice ko noon... magtago muna at magpagaling, nagtungo ako sa America upang lunasan ang aking sakit.";paliwanag ni Alice. Gulat na gulat si Rico, nababanaag niya sa hitsura ng dating katipan na pinagtagumapayan nga ni Alice ang kanyang laban sa sakit na iyon. Bagamat lumipas na ang 3 taon, maganda pa din si Alice. Pumayat man kaysa noong nakaraang 3 taon pero makikita mo pa ding maganda siya. Maiksi na at hanggang leeg na lang ang buhok ni Alice na dati-rati ay halos abot baywang. May mga kaunti mang pagbabago, siya pa din ang Alice na minahal niya at masaya siya sa nakikita niya. "Bakit? Sana nasuportahan kita, Alice. Hindi ganoon kababaw ang pinagsamahan natin."; nanghihinayang na wika ni Rico. "Hindi kase biro ang sakit ko, Rico at nakakahiya... natatakot din ako, paano na lang kung namatay ako? Mabuti pang kamuhian mo na lang ako para makamove-on ka... gayon pa man kaya ko din nakayanang umalis at labanan ang aking sakit at magsumikap na gumaling dahil sa iyong pangako Rico. Gumaling ako dahil sa iyo Rico, dahil ang pangako mo sa akin ang nagsisilbing lakas ko."; ani Alice. Natigilan si Rico at di makaimik. "Pero..."; ani Rico at ipinakita ang kamay kay Alice. "May singsing ka na suot..."; puna ni Alice. Tumango si Rico. "Kasal na ako, Alice."malungkot na wika ni Rico pero kailangan niyang ipagtapat iyon. Natigilan si Alice, naglaho ang ngiti sa kanyang labi at unti-unti siyang napaluha. "Pinanghawakan ko ang pangako mo, Rico. Nangako ka sa akin na ako lang ang babaeng pakakasalan mo.";may himig panunumbat na sabi ni Alice habang umiiyak at diretsong nakatingin sa mga mata ni Rico na wariy nangingiusap. "Iyun naman talaga ang plano ko, Alice... ikaw lang talaga. Ang pagpapakasal ko ngayon sa ibang babae... ay di gaya ng iniisip mo, Alice."; diretsong wika ni Rico at saka ikinuwento ang naging sitwasyon nilang dalawa ni Dina kung bakit nauwi sila sa kasalan. "Ikaw lang naman talaga ang minahal ko, Alice.";pagtatapat ni Rico. "Mahal na mahal kita Rico!";madamdaming wika ni Alice at hinalikan bigla sa labi si Rico. Ikinagulat iyon ni Rico dahilan para iniwas niya agad ang kanyang labi kay Alice. Ipinagtaka ni Alice ang ginawang pag-iwas ni Rico. Napansin ni Rico ang reaksyon ni Alice, hindi niya din alam kung bakit siya umiwas sa halik ng babaeng mahal niya. "I am sorry, Alice. Nabigla lang ako."; pagpapakumbaba ni Rico. "It okay, Rico... atleast base sa reaction mo, alam kong hindi ka sanay na may humahalik sa iyo... ibig sabihin matagal nang panahon buhat nang may humalik sa iyo at naninibago ka. Ako lang ang tanging hinalikan mo e di ba?"pilyang wika ni Alice at napangiti nang muli. Nakadama ng pagkakonsensya si Rico... paano naman kase, hinalikan niya si Dina nang araw nung sila ay ikinasal. "Gusto kong dumalaw kina mama at papa... I mean sa mama at papa mo, Rico."; ani Alice. Parang nabuhusan ng malamig na tubig si Rico pero alam niyang wala siyang magagawa kundi sundin si Alice pagkat ang tanggihan si Alice ay kailanma'y di niya kayang gawin. "S-sige.";sagot na lamang ni Rico. "Andito na'ko.";ang wika ni Rico nang makarating sa bahay gaya ng nakasanayan. "RICO!---";excited sana na bati at salubong ni Dina kay Rico ngunit natigilan nang makita ang magandang babaeng kasama nito. "O, asan si mama?";usisa ni Rico. "Nasa kusina, nagluluto ng hapunan."; ani Dina pero nanatili pa din ang paningin nito sa babaeng kasama ni Rico. Nakatingin din ang babae sa kanya. Sino siya?!;takang isip ni Dina pero kinutuban siya ng hindi maganda. Wari nabasa naman ni Rico ang kanyang isip. "Ah nga pala, Dina... si Alice. Alice, si Dina.";pagpapakilala ni Rico sa dalawa. Parang dumagundong ang mga sinabi ni Rico kay Dina. Si Alice daw kamo ito! Ang first love ni Rico!;malalim na isip ni Dina. Nakita niyang iniunat ni Alice ang kamay nito sa kanya, napakaamo niyang tingnan at lalo naman iyong ikinainis ni Dina. "Hello, Dina.";simpleng bati ni Alice na may tipid na ngiti kay Dina. Lalong nainis si Dina kase walang kaplastikang mababakas sa mukha nito. Tapos ang ganda pa ni Alice, mukhang mabait, napakahinhin at napakaamong tingnan, parang anghel na di makabasag pinggan... kabaliktaran niya. Hindi inabot ni Dina ang kmaay ni Alice, pinagatawanan niya na kabaliktaran nga siya ng first love ni Rico. Kung mabait si Alice, puwes isya naman ay salbahe. Naiinis si Dina, sobrang inis at tinungo na lamang ang kanyang kwarto. "Hey Dina! That's rude!", pahabol ni Rico kay Dina sa inasal nito sa harap ni Alice ngunit tila wala naman narinig si Dina. "Alice, pagpasensyahan mo na si Dina. Ganyan talaga ang normal niyang ugali, minsan mas salbahe pa nga siya e."; paliwanag ni Rico kay Alice. "Okay lang sa akin iyon, Rico."; malumanay at maunawaing sagot ni Alice.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD