Chapter 7 SABAY-SABAY NA KAMALASAN

4333 Words
Chapter 7 SABAY-SABAY NA KAMALASAN Dumadalas na ang pagdalaw ni Alice kay Rico sa bahay nila at din a iyon nagugustuhan ng mga magulang ni Rico. Bagamat noong una ay gustong-gusto nila si Alice para sa kanilang anak pero iba na ang sitwasyon ngayon pagkat asawa na ni Rico ang anak ng kanyang yumaong matalik na kaibigan. Alam nilang mahal ni Rico si Alice pero may moralidad ang mga magulang ni Rico at nahahalayan silang makitang nagdadala ng ibang babae si Rico sa kanilang pamamahay. Wala din namang magagawa si Rico dahil di kaila sa kanya na botong-boto ang kanyang mga magulang kay Dina at ngayon ay naikasal na nga sila kaya nauunawaan niya kung paanong pinagtatabuyan ng kanyang mga magulang si Alice. Dahil sa pagtutol ng mga magulang ni Rico sa pagpunta-punta ni Alice sa bahay nila, napilitan ang mga ito na magkita na lamang ng madalas sa labas, kung saan wala ang kanyang mga magulang at si Dina... sa ginawang ito ni Rico, di na kaya pang bakuran ng mag-asawa ang ginagawa ng kanyang anak pag kasama si Alice. Malungkot sila dahil hanggang doon lang ang kaya nilang gawin para kay Dina... gusto nila maproteksyunan ang dignidad ni Dina, kahit paano bagamat kilos lalaki ito... siya pa din ay isang babae na dapat nirerespeto at ang ginagawang pakikipagdate ni Rico sa ibang babae ay wari pangiinsulto at kabastusan s apagkababae ni Dina. "Mama, don't worry. We're just friends. Walang malisya ang pakikipagkita kong madalas kay Alice... and I am fully aware na I am a married man na ngayon. Masaya lang talaga ako at bumalik na siya.";paniniguro ni Rico nang minsan pa'y punahin siya ng kanyang ina sa pakikipagkita nito kay Alice. "Alam naming iho na first love mo si Alice.. but please wag mo kalimutan si Dina. May binitiwan kang salita kay Dina, alalahanin mong palagi na asawa mo siya at legal iyon.";nag-aalala pa ding wika ng kanyang ina. "I know ma."; sagot na lamang ni Rico. Pero ma, may promise din ako kay Alice... Nauna akong nangako kay Alice at di ko iyon tinupad. This is my chance para makabawi sa kanya.;sagot ng isipan ni Rico. Di lingid sa kaalaman ni Dina na ang busy na si Rico Ballestros ay nagkakaroon na ng panahon na maidate si Alice samantalang siya naman ay hindi man lang nagawang maipasyal buhat nang mapadpad siya sa kanilang poder.Nalulungkot si Dina at naiinis sa tuwing naiisip na magkasama sina Rico at Alice nang sarilinan habang pinupuno ang pagkukulang nila sa isa't isa, inaasahan niya din na mahigit pa sa date ang ginagawa ng dalawa. Kaya kahit naiinis at nalulungkot wala siyang magawa dahil first love iyon ni Rico... at maging hanggang ngayon si Alice pa din ang babaeng mahal nito, at siya naman ay hadlang sa pagmamahalan ng dalawa. Kahit asawa niya si Rico, pakiramdam niya ay wala siyang karapatan na tailan ang lalaki kase kahit mismo si Rico ay binibigyan siya ng kalayaan e. Siguro inaakala ko lang na nagkakagusto nako sa bruhong iyon dahil siya lang palagi ang lalaking nakikita at nakakasama ko araw-araw.;pangangatwiran ng isip ni Dina. Lagi lang kase sa bahay si Dina, di naman din niya alam kung saan siya mamasyal o pupunta liban sa malapit na park sa bahay nila, may basketball court doon kung saan madalas siyang tumambay at maglaro pag siya lang mag-isa sa bahay. Hindi na madalas magbangayan si Rico at Dina nitong mga nagdaang araw. Wala na kasi panahon si Rico para sa kanya. Kaya naman bago pa malunod sa pagkabagot ay naisipan niyang buksan ang kanyang f*******:, wala nang update-update si Dina mula nang pumanaw ang kanyang ama sapagkat masyado siyang nalilibang sa paglalaro ng basketball sa bagong university, sa kanyang graduation, sa kanyang bagong pamilya... at kay Rico. Kaya naman nawaglit sa kanyang isipan ang magupdate ng status sa kanyang f*******:, nalimutan niyang may f*******: account pa nga pala siyang nag-eexist. Wow andami namang notification! Puro condolence ang nakasulat... andami ko ding message! Karamihan sa mga inbox ko galling sa bestfriend ko!;gulat na isip ni Dina habang binabasa ang messages. "Best, kumusta ka na?" "Hi Best." "Best why don't you reply? Ano ang nangyayari?" "Galit ka ba sa akin, Best?" "Best,nabalitaan ko ang nangyari kay papa... I am so sorry best. Condolence. I want to hug you ,Best." "Best are you okay?" "Best, what is happening to you?" "Best, what happen?" "Best nagpakasal ka daw? Is it true? Why?" "Best are you really mad at me?" "Best it's been months already wala man lang ako balita sa iyo. What happen?" "Dina... I don't know why you aren't replying and why I can't contact you even on your phone at maging sa home niyo... and I am starting to worry. I am going back there and please, please I beg you, do reply me. I really want to see you."; huling basa ni Dina sa mga messages. Wow!UUWI ang bestfriend ko! Nakakaexcite naman!;excited na isip ni Dina at napatalon pa sa tuwa, agad siyang nagreply sa message pero offline ang bestfriend niya. "I am so sorry, Best... andami ko kase pinagdaanan. Masyado ako stressed and busy gaya nga ng nabalitaan mo wala na si papa, basta ikukuwento ko na lang sa iyo pagkita natin... it's a long story talaga e. When are you coming home,Best. I wanted to see you too at excited na nga din ako e.";reply ni Dina at iniimagine nag pagbabalik ng kanyang bestfriens na galing Canada. "Rico...";si Alice. Nagulat si Rico nang pukawin ni Alice ang kanyang lumilipad na diwa habang nanonood sila ng sine. "Uh yes, Alice?"; nakangiting sagot ni Rico. Nalungkot si Alice at nahalata iyon ni Rico. "I'm sorry, I was just so into the movie...";pagdadahilan ni Rico. "Di ko alam kung ang movie nga ba talaga ang iniisip mo, Rico.";malamig na tugon ni Alice sa pagdadahilan ni Rico. "W-why?" "Lagi na lamang ba tayong ganito, Rico?";malungkot na wika ni Alice. "I don't understand, Alice.";nagtatakang wika ni Rico. "Of course you don't, Rico- Kase... nagbago ka na. Magkasama nga tayo pero ang layo naman ng loob mo sa akin.";si Alice, tumayo upang lumabas ng sinehan. Agad siyang hinabol ni Rico. Naabitan ni Rico na umiiyak si Alice. "Alice I am sorry.";ani Rico at niyakap si Alice. "I can't reach you, Rico. I can't connect with you anymore... I think, you don't love me anymore.";si Alice. "Sssshh... no, Alice. Don't say that.";si Rico at nabagbag siya nang makita ang mga luha ni Alice. "Kung pinanood mo ngang talaga ang movie... what was the movie all about?";tanong ni Alice habang nasa bisig pa din ni Rico. Di naman makasagot si Rico at nagui-guilty siya. Kanina kase habang nanonood ng movie ay iniisip niya nag pagiging malamig sa kanya ni Dina. Di na din siya inaaway ni Dina at di na din siya nito madalas kibuin and it really starts to bother him... gaya ngayon, naiisip nanaman niya si Dina. Nadisappoint si Alicesa pananahimik ni Rico sa halip na sumagot. "Kanina pa ako comment ng comment about the moviebut it seems like I was talking to the air.";may pagtatampo sa himig ni Alice. "I am sorry. Alice. My mind is occupied---" "By whom?";singit ni Alice. Muling di makasagot si Rico,ayaw niyang magkaroon ng maling implikasyon si Alice pag sinabi niyang si Dina ang iniisip niya kanina kase wala naman iyung malisya para sa kanya. Nadisappoint nanamang muli si Alice. "I am sorry, Alice.Matagal kang nawala, honestly... naninibago ako. Ngayon lang ako uli nakipagdate, ngayon lang uli ako nagkaroon ng time manood ng sine, na may ka-holding hands... please do belive me and I wish you would understand. Maniwala ka, Alice... mahal pa din kita. Promise, babawi ako sa iyo.";ani Rico. Sapat na ang mga sinabi ni Rico upang makumbinse si Alice kaya tumango siya bilang tugon. "Rico..." "Yes?" "Wag mo na uli babaliin ang pangako mo sa akin ha. Sabi mo babawi ka, sana tuparin mo ito.";ani Alice. Tumago lamang si Rico at niyakap nila ang isa't isa. Gabi na nang umuwi si Rico... as usual galing nanaman uli sa date nilang dalawa ni Alice. Patay na ang ilaw sa kwarto ni Dina, ngunit di maintindihan ni Rico kung bakit nakadama siya ng pagkakonsensya gayong wala naman talaga silang relasyon ni Dina. Nang gabi iyon, hindi din nakatulog ng maayos si Rico. Patay na ang ilaw sa kwarto ni Dina pero di pa din siya makatulog. Mag-aalas dose na ah ngayon lang dumating si Rico!... galing marahil sa pakikipagdate niya kay Alice.;inis na isip ni Dina nang maringgan ang kotse ni Rico sa labas ng bahay. Sa inis ay naisipan niyang muling buksan ang kanyang f*******:. Nakita ni Dina na may reply ang kanyang bestfriend kaya naman kahit papaano ay napawi nang kaunti ang kanyang pagkainis. "Kararating ko lang ng Pinas, best. Nung isang araw lang. I am happy nagreply ka sa messages ko. I was really worried and I m very desperate to find you. You're still aloof with other people like the usual, di ka pa din nagbabago. Ipinagtanong-tanong kita kahit kanino but most of them don't even know what happened to you or where you are now... sa akin ka lang talaga nagging close. I thought nga di ka na magrereply sa mga messages ko and di ka na din makikipagkaibigan sa akin dahil kasal ka na. I was really worried and kaya nung nagreply ka alam mo ba kung gaano ako kasaya? Para akong nabunutan ng tinik sa lalamunan at nakahinga ng maluwag... well, kahit naman di ka payagan ng asawa mo na makipagkaibigan sa akin, mangungulit pa din ako sa iyo e hehe. Madami kang dapat ipaliwanag sa akin ha!";mahabang basa ni Dina sa message ng bestfriend niya. "LOL. Why would I do that? Bestfriend kaya kita at ikaw lang ang bestfriend ko bakit naman kita aabandunahin dahil lang nag-asawa ako.";relpy ni Dina. Online ang bestfriend niya at maagap na nagreply. "Best! I miss you!";anito. "Likewise :)"; reply ni Dina. "BTW, can I see you tomorrow? DI ka ba busy? I want to see you na.";ang bestfriend ni Dina. "Sure.";reply ni Dina. "May reunion ang aming basketball club tomorrow. Pwede ka pumunta? I hope you will go... please, please be there.";sagot muli ng bestfriend ni Dina. "Sige pupunta ako, namiss din kase kita. Pasalubong ko ha.";si Dina. "Oo may pasalubong ka sa akin at tiyak magugustuhan mo but..." "Anong but?";takang tanong no Dina. "Don't forget your promise. Even though kasal ka na and I may not be the first... you still have to do it ha." "Naku, kalimutan mo nay un uy!";si Dina tawang-tawa. "Nope. A promise is a promise." "Promises are made to be broken.";alibi ni Dina. "Hindi ah, promises are made to be kept... because it is an assurance for whom you had made your promise. May trust na nakapaloob sa promise no. Alibi lang yang quote na ginagamit mo ng mga sinungaling... and I know hindi ka ganoon.";sagot nito. "Ok na, you win. Oo na tutuparin ko promise ko sa iyo."si Dina na namumula pa ang mukha. Naalala niyang nangako siya sa kanyang bestfriend na ito ang unang makakakita ng kanyang feminine side...at magsusuot siya ng dress pagkauwi nito galling Canada. Naipromise niya iyon nung panahong crush na crush niya ang kanyang bestfriend... si Carlos Tan.Si Carlos ang kanyang bestfriend, ang kanyang senior at kanilang dating team captain sa basketball club. Nauna ng isang academic year si Carlos kay Dina, last year nang grumaduate ito ay nagtungo ito sa Canada ngunit nangakong babalik din... at ngayong nakabalik na ang kanyang bestfriend, obligado si Dina na magbestida sa harap ng kanyang ultimate crush and bestfriend. Nawaglit ito sa kanyang isipan at di niya akalaing maalala pa ni Carlos ang promise niya. Saan kaya siya maghahanap ng bestida gayong puro damit-panlalaki ang mayroon siya? "Thanks best! Muah! See you tomorrow ha!";si Carlos "Ok sige see you.";si Dina. Naalalang bigla ni Dina na may naireserba siyang bulaklaking damit sa ilalim ng maletang dala-dala niya noong lumipat siya sa poder nina Rico. Medyo luma na nga iyon, binili niya kase iyon mula sa katuwaan nila ni Sunshine noong 2nd year college pa siya at naitago niya iyun sa maletang ginamit niya nang magalsa-balutan siya papunta sa mga Ballestros. Sumagi muli sa isip ni Dina si Sunshine, close sila talaga ng kapatid niyang iyon at madalas siya ang nagtatakip sa mga pagkakataong kelangan niyang mag-alibi sa papa niya para sa basketball... nakakalungkot at wala man lang siyang balita sa nakbabatang kapatid at hanggang ngayo'y nananatiling itong mailap maging ang kanyang ina sa kanya. Binaling niya ang kanyang isip sa bestida at pinalis sa kanyang isipan ang lungkot, nanumbalik ang kanyang sigla at excitement na makita ang bestfriend. Maagang nagising si Dina, hinalukay niya sa maleta ang kanyang bestida at pinlantsa pa ito. Takang-taka ang mga magulang ni Rico dahil bigla-bigla'y naging bisi-bisihan si Dina. Maging si Rico any nagtataka din at ibig niyang tanungin si Dina kaso naiilang siya, pakiramdam niya ay may pader na nakapagitan sa gitna nilang dalawa buhat nang bumalik si Alice sapiling niya. Speaking of Alice... may date nanaman kami mamaya.;isip ni Rico at napabuntong-hininga at wariy nakadama ng biglaang pagkahapo. Nang mga panahong naiisip niya si Alice, nagkakaroon siya na ng nasa na gusto niyang mapag-isa sa halip na kasama ang dalaga, gusto niyang magpahinga muna sa pakikipagkita kay Alice... wala din siyang balak na galawin si Alice bagamat minsang panaho'y maraming beses na namagitan sa kanila noon bago ito nagtungo ng America kaso ang isipin pa lamang ang mga bagay na iyo ay nakokonsensya na si Rico... may mga pagkakataong nagsisisisi siya kung bakit niya kinuha ang pagkabirhen ni Alice, hindi sana ganito kabigat ang kanyang obligasyon sa dating kasintahan. Ngayon ay wala na siyang magagawa dahil di niya naman niya iyon kaya pang ibalik pa kay Alice... kaya nga kahit kalian ay di niya mgagawang tanggihan si Alice dahil sa inaako niya ding responsibilidad ang ginawa niya noon sa dalaga. "I am heading for work. Mukhang may lakad ka ata, Dina. Care to join me for a ride?";usisa ni Rico kay Dina. Saglit na nag-isip si Dina pero maagap ding umiling at sumimangot. "Naku, wag nab baka may magselos.";ani Dina. "What do you want to imply?";pagsusungit ni Rico gaya nang nakasanayan nila noon ni Dina. "Nothing. Sige na, bye.";ngiting-aso ni Dina sa kanya. Lalong nagngitngit si Rico sa ipinakita sa kanya ni Dina, dati-rati'y kase susugurin na siya nito ng mahihinang suntok at siya naman ay magsasakit-sakitan... napabuntung-hininga si Rico dahil... namimiss niya iyon. Natanaw niya si Dina na bumabalik sa kwarto nito, ibig niyang malaman kung ano na ang pinagkakaabalahan nito ngayon, gusto niyang magtanong... pero di niya magawa. Nakabihis na si Dina, nagsuot din siya ng makeup na nakita niya lang nakapatong sa kanyang tokador. Pula ang kanyang lipstick, yung lipstick na iyon ay iyun din ang ginawa niyang pangblush-on, blue ang kanyang eye shadow at may mascara din sa kanyang pilik-mata. First time niyang gumamit nang makeup... dahil iyon kay Carlos. Kahit noong JS prom niya wala nga siyang suot na makeup, coat-tie and slacks pa gamit niya noon, hindi gown at yung isang prom nila ay tinakasan pa niya... pero dahil kay Carlos, magmemakeup siya at magbebestida... dahil nangako siya sa kanyang tanging tinuring na tunay na kaibigan at bestfriend. Muling tumingin si Dina sa salamin at tingin niya ay okay naman ang pagkakamakeup niya. Wala siyang ipapares na sandals sa kanyang bestida pagkat mas maliit ang paa ng mama ni Rico sa kanya at hindi kakasya ang mga panyapak nito sa kanya. Kaya naman napilitan siyang isuot ang kanyang sneakers gaya nang madalas niyang ginagamit sa kahit anong okasyon. Hinintay muna ni Dina na makaalis ang lahat nang nasa bahay bago siya tuluyang umalis upang magtungo sa kanyang lakad. Ayaw kasi ni Dina na makita siya ng mga ito na nakapambabae, baka kasi isipin ng mga ito na ginagawa niya iyon para kay Rico. Habang naglalakad, nagtitinginan kay Dina ang lahat ng tao, flattered naman si Dina dahil nakuha niya ang atensyon ng bawat niyang maraanan. Maya-maya pa ay nakarating na si Dina sa lugar na pagdadausan ng reunion, do'n sila magkikita ni Carlos, pero sa halip na pumasok agad ay naisipan niyang magtago muna sa sulok baka kase wala pa si Carlos at ang mga kabatchmate nito ang unang makakita ng feminine side niya. Sumilip-silip sa entrada si Dina, nakita niyang naroroon na si Carlos nakaupo na kasama ang mga kabatch nito sa basketball club, kumaway si Dina at akmang tatawagin si Carlos ngunit natigilan siya. Nagulat si Dina nang may nakitang maganda at seksing babae na lumapit sa mesa nina Carlos.... No, kay Carlos ito lumapit at humalik sa pisngi, tumayo si Carlos at umabrisiete ang babae sa kanya at wariy ipinakilala naman nito ang mga kausap nito. Parang nabuhusan ng malamig na tubig si Dina. Ang ultimate crush niya ay may babae na... nalungkot si Dina, mawawala na sa kanya ang atensyon ni Carlos at mababaling na ito sa girlfriend niya gaya ni Rico. Nawala ang excitement ni Dina at napalitan ito ng kalumbayan dahil sa pagkasawi niya kay Carlos kaya naman napagpasyahan na lamang ni Dina na umuwi. Sa paglalakad, di inaasahang makasalubong ni Dina si Sunshine. Gulat na gulat sila sa isa't isa pero wariy nakadama ng konting kasiyahan si Dina nang makita ang nakababatang kapatid, miss na miss niya na ang kanyang pamilya, napatawad na kaya siya ng mga ito?Pero parang iba ang sinasabi ng reaksyon ni Sunshine. "MY GOSH! What are you wearing?! Bakit ganyan ang mukha mo?!";di makapaniwalang wika ni Sunshine. Nainis tuloy si Dina. "Iyan lang ba ang kaya mong sabihin sa harap ng ate mo?!";bulyaw din ni Dina sa kapatid. Mainit ang kanyang ulo dahil halos mapahiya na siya kung sakaling sinipot niya si Carlos at heto dinadagdagan pa ng kanyang kapatid. "Ate? WHAT ATE?! You must be kidding! Hindi tayo magkapatid.";ani Sunshine. Napataw ng pagak si Dina, ibig niyang sabunutan ang kapatid pero nagawa pa niyang magtimpi. "FYI, anak ka ni papa sa ibang babae bago pakasalanan ng mama ko ang papa mo. Anak ako ni mama sa ibang lalaki. We're not even blood related, paano kita magiging ate? And alam mo ba, accordning sa law, you're an illegitimate child.";si Sunshine. Natigilan si Dina, di niya maintindihan ang sinasabi ng kapatid. "A-ano?" "Hindi kasal ang papa mo sa tunay mong ina nang ipanganak ka. Patay na iyung tunay mong ina months later nang ipanganak ka... di ka ba nagtataka kung bakit napakaliit ng age gap natin? It's very impossible na iisang ina ang pinanggalingan natin no! And another truth that I must relay to you, ako ang legitimate child ng ama mo kase he adopted me and ikaw naman naconceive labas ng lawful marriage kaya illigitemate ka. And I really hate you...";si Sunshine. Di makapaniwala si Dina, ang lakas ng loob niya kanina ay wariy naglahong parang bula dahil sa mga katotohanang nadinig. "Hate me? Ganoon lang ba talaga kadali kalimutan ang pinagsamahan natin?";malungkot na wika ni Dina. "Pinagsamahan? Wala tayo non. Ako palagi ang sumusunod sa iyo para akong aso. Madalas ako pa ang utusan mo ,ano ako? Muchacha mo?! Tapos nanahimik ako, palagi mo ako dinadamay sa kalokohan mo pati ako nabubulyawan kahit wala namang kasalanan! I really hate you! You rebel! MURDERER!"asik ni Sunshine na punong-puno ng kapootan at galit kay Dina. Nagalit din si Dina dahil gusto niya ipagtanggol ang sarili niya sa mga paratang nito pero natigilan nang magsasalita sana siya'y bigla siyang sapawan ni Sunshine. "We really hate you! We want you to die! Dahil sa iyo nawalan ako kinikilalang ama tapos ginawa mo pang biyuda ang mama ko! Isa ka ding balakid sa manang makukuha namin.. according to the law kami ang may karapatan at ikaw na murderer at puro sama ng loob ang dinulot sa ama mo, dapat wala ka nang mana!";galit na wika ni Sunshine. Ibig umiyak ni Dina pero hindi, hindi sa harapan ng dating kinikilalang kapatid. Kaya pala ganun siya kung itakwil ng mga ito dahil di naman pala talaga siya kadugo at di siya mahal ng mga ito. Ginawa pa nilang dahilan ang kamatayan ng kanyang papa para kunyari ay may dahilan sila upang itakwil siya, ang totoo mana lang naman pala ang habol ng mga ito at isa siyang napakalaking hadlang para masolo nila ang yaman ng kanyang papa... siya ang laman at dugo ng kanyang ama pero mas pinapanigan pa sila ng walang kwentang batas. "I can't believe na nagkita pa tayo! Look at yourself! Nakakahiya ka! Ang kapal-kapal ng kolorete mo sa mukha, bakit? CLOWN ka ba?! So UGLY!";si Sunshine. Di makagetover si Dina sa mga katotohanang naibunyag sa kanya, di siya makaimik at sinamantala iyon ni Sunshine para iwan siyang nakatunganga. Binalewala niya ang sinabi ni Sunshine at nagpatuloy sa paglalakad nang makita niya ang repleksyon nya sa glass window ng isang fast food chain. Natawa siya, narealize niya na nakakatawa nga pala ang hitsura niya. Ang tawa ay unti-unting napalitan ng luha. May gap na kami ni rico. May girlfriend na si Carlos. I'm an illigetimate child... at itinakwil na ako ng dating kinikilala kong pamilya. What a luck!; naiinis na isip ni Dina. Nanatili siyang matatag, nag-iisip siya ng mga bagay na maaring maging sulosyon sa mga problemang iyon...pero wala siyang makapa, pero naisip niya ang ukol kay Carlos ay hayaan na din itong maging masaya sa girlfriend nito ngayon, puputulin na lamng niya ang kanyang komikasyon sa bestfriend para maiwasan ang anumang pagseselos na maaring mangyari sa pagitan nila ng kanyang girlfriend. Pakakawalan niya na ang kanyang ultimate crush. Masama ang loob ni Dina, nagpatuloy siya sa paglalakad, magulo ang kanyang isip at gusto niya mawala na lamang ang mga isiping iyon at manatiling blangko na lamang. Hindi niya na alintana ang mga taong napapatingin sa kanya sa tuwing siya'y mapapadaan. Ang inakala niya kasing admiration ay panglilibak pala. Ayaw ni Dina magisip, sa sobrang sakit ng nararamdaman niya ngayon ay manhid na siya upang makadama pa ng hiya. Kakapasok pa lamang ng gate ni Dina nang masinagan siya ng ilaw ng kotse ni Rico. Bumaba si Rico ng kotse, pati ang kasama nito... siyempre, si Alice pa din gaya nang inaasahan. Agad umabrisiete si Alice kay Rico, pagpapakita ito ng possessiveness kay Rico pero wala nang pakialam si Dina rito, bahala na sila sa buhay nila. Tatalikdan niya na sana ang dalawa. "DINA!"; tawag ni Rico kay Dina sabay lapit ng mga ito sa kanya. Di siya sumagot, sa halip matamalay niyang hinarap ang "totoong magkatipan". "Bakit ganyan ang suot mo?! At ang mukha mo... HAHAHAH!"; matinding halakhak ni Rico. Maging si Alice ay napatawa din ng bahagya. Katawa-tawa ngang marahil ang kanyang hitsura. Di siya umimik. "Ginawa mo bang magpaganda para sa akin?! Hindi ganyan ang pagpapaganda, Dina! HAHAHA!";panunukso pa din ni Rico. Kinalabit ni Alice si Rico upang awatin ito sa pangangatyaw. Nakita iyon ni Dina, lumalabas pang napakabait nga talaga ni Alice upang ipagmalasakit pa siya nitong huwag mapahiya. Ibig nang mapaluha ni Dina sa ginagawa ni Rico, parang nilalagyan kasi nito ng asin ang kanyang sugat. "Mali ka. Ang presko mo naman! Para isipin mong magpapaganda ako sa isang kagaya mo, napakalaki naman ng ulo mayroon ka!";mataray na sagot ni Dina. "Anong sabi mo?";si Rico na nag-eefort na maibalik ang dating turingan nilang dalawa ni Dina. "Umuwi ang bestfriend ko galing Canada. Nagpromise ako sa kanya noon na siya ang unang makakakita ng feminine side ko pag-uwi niya. Ngayon yung usapan namin kaso di kami nagkita e." "Too bad kami ang unang nakakita! Siguro di ka niya sinipot dahil sa hitsura mo! HAHAH---";naputol si Rico sa panunukso nang sapawan siyang bigla ni Dina. "You are right! Mabuti na lang at di niya ako nakita... dahil mapapahiya ko lang siya kung sasamahan niya ako sa ganito kong itsura! Pero kahit ganoon alam kong sasamahan pa din niya ako at di pagtatawanan sa kabila nitong katawa-tawa kong hitsura ngayon!";galit na wika ni Dina at di sinasadyang pumatak ang luha niya. Agad siyang tumalikod at iniwan ang dalawa bago pa man nila makita iyon at mas lalo pa siyang mapahiya... kaso kahit pilit man niyang itago, kitang-kita iyon ni Rico. May kung anong sakit ang sumundot sa puso ni Rico nang makita niya ang mga luha ni Dina, dahilan para din maglaho ang mga ngiti niya. Mabilis na nakapasok ng bahay si Dina at hahabulin na sana siya ni Rico pero pinigilan siya ni Alice. "Let her be alone. Kailangan niya ng space.";maunawaing sabi ni Alice. Nalungkot si Rico, ang ibig lang naman kase sana niya ay maibalik ang dati nilang samahan ni Dina, iyung tipong bagamat nagbabangayan sila araw-araw e nagkakatuwaan din naman. Lalong nabagabag si Rico nang makita niyang napaluha si Dina ngayon. May problema ba si Dina?;malungkot na isip ni Rico. Tuloy-tuloy ang pagdaloy ng mga luha ni Dina sa loob ng kwarto. Agad niyang hinubad ang damit na suot at itinapon sa sahig. Pinalis niya ang lipstick sa labi niya gamit ang sarili niyang kamay. Ang sakit-sakit ng kalooban niya. "Papa... papa...";hikbi ni Dina. Natigilan si Rico sa tangkang pagkatok ng pintuan ni Dina nang marinig ang hikbi ng asawa. Saka niya narealize kung gaano na kalaki ang pagkukulang niya kay Dina buhat nang bumalik si Alice. Nakonsensya siya, nalungkot at pakiramdam niya ay wala siyang karapatang maging masaya sa piling ni Alice... kanyang nalimutan, siya ang dahilan at naulila si Dina. Nalulungkot siya sa katotohanang iyon pero may kung ano pang kirot ang nararamdaman si Rico, di niya maipaliwanag pero nagpapahirap ito sa kalooban niya at sa puso niya nang marinig niya ang mga hikbi ni Dina. I hate this day! I hate it! What Ihate most... is the fact that he can laugh hard at me while I am hurting!;inis na isip ni Dina. Galit na galit talaga siya kay Rico habang tuloy-tuloy pa din ang mga luha na lumalabas sa kanyang mga mata. Sabay-sabay na kamalasan ang dumating sa buhay niya ngayong araw na ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD