Chapter 17 ANG WAKAS Ilang araw na mula nang mailibing ang mga labi ni Carlos, ang mga kamag-anak nito na pawang nakabaseng lahat sa Canada na nagsiuwian sa Pinas upang makipaglibing ay nagsipagbalikan na din sa dakong kinalulugaran. Mga busy ang mga ito at may kani-kaniyang trabahong pinagkakaabalahan, di iyon lingid sa kaalaman ni Dina kaya nga kahit noong nang magstay siya doon ay iilang pagkakataon niya lang silang nameet. Gustuhin man nitong magstay pa ng matagal-tagal ay di pupwede at nauunawaan naman iyon ni Dina at alam niya din naman sa kanyang sarili na wala siyang karapatang magdemand sa mga kamaganak ni Carlos pagkat kung tutuusin si Carlos nga itong maraming nagawa at naibigay sa kanila ni Dino. Napatingin si Dina sa buong paligid ng loob ng bahay, napabuntong-hininga siy

