Chapter 9 KAKAIBANG DAMDAMIN
Ilang araw na ding maganda ang mood ni Rico. Nagtataka si Dina pagkat madalas siyang nginingitian ni Rico, binabati din siya nito o tinatanong kung kumain na ba siya, kumusta na siya at kung anu-ano pa. Lubos niya talagang ipinagtataka ang kakaibang kilos ni Rico sa kanya.
Siguro nadamay lang ako sa pagkagood-mood niya dahil masaya din siya kapiling si Alice;isip na lamang ni Dina.
Tok! Tok!
Narinig ni Dina na may kumatok sa pintuan ng kanyang kuwarto, agad niyang binuksan iyon.
”Ah... Hi?”;si Rico pala iyon. Nagtataka nanaman uli si Dina at ano naman kaya ang sadya nito ngayon.
“O… nakauwi ka nap ala. Umalis nga pala sina mama at papa. Alam mo din naman na di ako marunong magluto. Kaya nagorder na lang ako ng pizza, nasa mesa lang, nakapatong. Kumain ka na lang kung gusto mo.”;patay-malisya ni Dina sa kakaibang kilos ni Rico at parang walang kaconcern-concern kung magsalita. Bumalik si Dina sa loob ng kwarto nagbabasa kase siya ng mga e-mails bago kumatok si Rico at napansin niyang wari may email buhat sa pinag-aplayan niya na school kaya ibig niya itong mabasa agad.
”Isarado mo na lang ang pinto.”;mando ni Dina kay Rico. Pero sa halip na sumunod e nagtuloy din si Rico sa pagpasok sa loob ng kwarto ni Dina.
“A…e.. kung ganon, di ka pa din ba kumakain?”;usisa ni Rico.
”Kumain. Pizza lang.”;pagbabalewala pa din ni Dina kay Rico at nagpatuloy sa pagbabasa ng email.
”Ahm... baka gusto mong...”;di matuloy-tuloy ni Rico na ayain si Dina na kumain sa labas na kasama niya, hindi niya alam ano ang irarason kung bakit naisipan niyang yayain ito.
”YES! YES! WOHOOO!!!”;hiyaw ni Dina at masayang napatalon pang bigla, nagulat naman si Rico.
“Rico! Rico! Natanggap ako sa school na pinagaplayan ko! YES!!!”;masayang pahayg ni Dina at sa tuwa’y napayakap pa kay Rico. Muling naramdaman ni Rico ang mabilis na pagtibok ng kanyang puso nang sandaling nadaiti sa kanya si Dina, at bago pa man niya narealize, bigla-bigla’y napaganti siya ng pagyakap kay Dina… wari nagkusa ang kanyang katawan upang gawin iyon. Dama ni Rico ang init ng katawan ni Dina, gusto niya iyon. Masarap sa pakiramdam niya na nasa kanyang bisig si Dina... dahilan upang mapapikit siya habang patuloy na dinadama ang mga yakap sa kanya ni Dina. Nagtaka naman si Dina at natigilan dahil naramdaman niya ang pagganti ng yakap sa kanya ni Rico na dati-rati’y hinsi nito ginagawa pag napapayakap siya. Naramdaman ni Dina na uminit ang kanyang magkabilaang pisngi, dama niya ang malakas na pagkabog ng kanyang puso pero sa halip na labanan ay hinayaan niya ang sarili na magpatangay sa masarap at kakaibang damdamin na nararamdaman niya sa piling ni Rico. Pumikit din si Dina at inihilig ang ulo sa dibdib ni Rico, lalo namang dinama ni Rico si Dina at parang ayaw niya nang pakawalan pa ito. Damang-dama ni Dina ang mahigpit na yakap sa kanya ni Rico... nang biglang tumunog ang kanyang cellphone. Napamulat sila ng sabay at sa gulat ni Dina ay naitulak niya pa si Rico dahilan upang makawala siya sa pagkakayakap sa kanya ni Rico. Natigilan si Rico, sa isang saglit parang hindi niya alam kung ano ang nangyari... nakita niya na lamang si Dina na patungo sa kinaroroonan ng cellphone nito.
”Saglit lang.”;ani Dina kay Rico upang sagutin ang tawag. Bakas sa mukha ni Dina ang pagkaasiwa, hindi niya alam kung ano ang nangyari sa kanilang dalawa ni Rico at kung ano din iyung naramdaman nila pareho. Napatingin si Rico sa kanyang mga kamay... titig na titig siya rito.
Nagawa ng mga kamay na ito na yakapin si Dina… pero hindi naman nito kayang gawin kay Alice. Bakit ko ba nagawa iyon? Bakit parang gusto ko ang ginawa ko? Ano itong nararamdaman ko?;isip ni Rico at dinama ang mabilis na pagtibok ng kanyang puso gabang mariing nakatitig kay Dina.
”Best?”:si Dina nang masagot ang cellphone, parang nabuhusan ng malamig na tubig si Rico, nabad-mood siyang bigla nang mapag-alamang ang kinaiinisan niyang si Carlos pala ang tumawag kay Dina.
”Thanks best. Ok, good night.”;ani Dina sa kausap bago pinindot ang end call button sa cellphone niya. Di umimik si Rico.
“Si… Carlos. Binati niya ako sa pagkakatanggap ko sa isang school.”;ani Dina.
“School?”;matabang na wika ni Rico pilit isinasantabi ang pagkainis sa lalaking tumawag.
“Oo, sa Wisdom. Natanggap ako bilang PE teacher don.”;wika ni Dina.
“W-wow! I’m speechless. Congratulations, Dina. That’s… really… very surprising.”;nasa himig ni Rico ang pagkagulat at wari di ito gaanong masaya, sa halip e parang nag-aalala pa nga.
“Thank you.”;masayang tugon ni Dina sa pagbati ni Rico.
“Well, paano yan? Does this mean… you’re moving out? You’re not…right?”;kinakabahang tanong ni Rico.
“Moving out? Bakit? Malapit lang yon dito… ayoko magrent, magastos… pero kung, gusto mo na ako umalis---“
”Of course not! Hindi ako papayag na aalis ka ng basta na lang. Wel… if that’s the case, congratulations uli. Nagmamature ka na.”;maagap na putol ni Rico sa sasabihin ni Dina at nakangiti na siya ngayon.
“Sorry if I didn’t tell you, Rico. Gusto ko kase masurprise ko kayo… alam mo medyo nakakabagot kase pag ako lang mag-isa sa bahay, pag umalis si mama at papa, wala na akong nakakausap. Siyempre dati, ikaw kaso may Alice ka na ngayon e at busy ka din both sa kanya at sa work mo… kaya ganon.”;wika ni Dina. PArang nalungkot din si Rico sa sinabi ni Dina. Nawalan na talaga siya ng panahon kay Dina… kahit nga sa mismong mga magulang niya wala na din siyang time dahil lang kay Alice.
“Well… I am so proud of you, Dina for your achievement.”;tanging naisagot ni Rico. Masayang ngiti lamang ang tugon ni Dina. Napatitig si Rico kay Dina, lubha siyang nagagandahan sa pagkakangiti nito na wari matitigilan siya sa paghinga. Nagtaka naman si Dina sa pananahimik ni Rico.
“Uhm… if wala ka nang sasabihin, pwede ka na bumalik---“
“Let’s celebrate.”;maagap na sagot ni Rico kay Dina.
“Ha?”;nagulat naman si Dina.
“Sabi ko magcelebrate tayo… sa pagkakatanggap mo. Tutal ay pizza lang yung pagkain, alam kong di ka naman mabubusog ng ganyan e.”;ngiti ni Rico sa kanya. Napangiti din lalo si Dina.
“Talaga? Gusto ko ang ideyang yan!”;masiglang wika ni Dina. Napahalakhak si Rico.
”Gustong-gusto mo talag tuwing kainan ang usapan.”;nasisiyahang wika ni Rico.
”Bakit me angal ka? Siguraduhin mo lang na eat-all-you-can yan nang di ka malugi!”;natatawang wika ni Dina. Napahalakhak pang lalo si Rico. Namiss niya ang ganito, pakiramdam niya it’s been ages since he laughed aloud like that.
Maganang kumain si Dina habang naaliw si Rico sa pagmamasid sa kanya. Nagtaka naman si Dina sa inaasal ni Rico.
“Hmn? Bakit, Rico?”;usisa ni Dina. Umiling si Rico at nagpakita ng matipid na ngiti. Napatitig si Dina sa mga ngiti ni Rico, muli nyang naramdaman ang mabilis na pagtibok ng kanyang puso at nararamdaman niya din wari namumula ang pisngi niya at bagamat airconditioned ang restaurant ay biglang uminit ang paligid. Dali-daling itinuon ni Dina nag paningin sa kanyang pagkain.
“Kung wala naman pala, edi wag mo ko tingnan ng ganyan… wala akong utang sayo no.”;biro ni Dina. Napatawa si Rico pero agad ding sumeryoso.
“Dina… I’m sorry.”;seryosong wika ni Rico. Natigilan si Dina at di niya alam kung titingin ba kay Rico o magpapatay-malisya na lang ba.
“Sorry… dahil hindi nagging mabuti ang turingan natin buhat nang magkakilala tayo. Sorry dahil hindi kita tinrato ng maayos… at ako pa ang nagging dahilan kung bakit namatay ang papa mo… at itakwil ka ng mga kinikilala mong pamilya. Sorry nagging insensitive ako.”;sincere na wika ni Rico. Tumingin si Dina kay Rico.
“Narinig mo nga pala talaga ang usapan naming ni Carlos…”;ani Dina.
“Oo. Sorry.”;Si Rico. Umiling si Dina at malungkot na ngumiti.
“Hindi mo kelangan ungkatin ito. Nagpapasalamat din kase ako… kinuha mo ako kina Sunshine at... mama.”;si Dina na wari hirap na sambitlain ang salitang ”mama”. Naawa si Rico at dama niya ang bigat ng nararamdaman ni Dina.
”Dina, may pakiusap sana ako sa iyo...”;mariing tumitig si Rico sa mga mata ni Dina habang sinasabi ito. Nagtaka naman si Dina.
“A-ano yon?”;usisa ni Dina.
“Sa susunod, sana kung may problema ka o may pinagdaramdam, gusto kong ako ang unang makakaalam. Gusto kong sa akin ka unang lumapit. Gusto kong ako ang unang dumamay sa iyo sa mga pagkakataong malungkot ka ha?”;ani Rico. Lalong bumilis ang pagtibok ng puso ni Dina. Pakiramdam niya ay matutunaw siya sa mga titig sa kanya ni Rico.
“Pwede bang ipangako mo sa akin yon, Dina?”;dagdag pang muli ni Rico sa pananahimik ni Dina… pero biglang umiling si Dina at ikinagulat iyon ni Rico.
“B-bakit?”;takang-tanong ni Rico.
“h-hindi pwede… hanggang kaya kong tiisin, titiisin ko atsaka nariyan din naman si Carlos na palagi kong maaasahan at malalapitan ngayon---“;naputol si Din asa kanyang mga sasabihin.
“Kaya nga gusto kong lumapit ka sa akin kase ayokong sa kanya ka unang lumapit… ayoko na maulit yung nangyari nang mga nakaraang araw sa bahay na mas nag-oopen ka pa sa kanya kesa sa akin.”;ani Rico. Natigilian si Dina.
“Pero natural lang yon, Rico. Siya ang bestfriend ko---“
“Pero ako ang asawa mo!”; si Rico, ikinagulat ni Dina ang biglang pagtaas ng boses ni Rico. Natigilan din si Rico sa kanyang ginawa.
”I mean... pamilya tayo... dapat una ang pamilya, Dina.”;ani Rico na medyo malumanay na ang pananalita.
“Pero hindi ko pwedeng gawin yon,Rico. May Alice ka na at hindi niya gugustuhin maging malapit tayo sa isa’t isa. Magseselos siya.”;paliwanag ni Dina.
“Hindi naman ganyan su Alice, Dina. Maunawain siya---“
“Ang totoo, kinausap ako ni Alice nang palihim nang gabing umuwi tayo galing sa basketball match niyo ni Carlos. Ayaw niya ngang malaman mo na kinompronta niya ako at nakiusap na palayain kita. Alam ko naman na siya ang mahal mo, Rico kaso ako ang asawa mo at gusto niya na maghiwalay na tayo. Kung ito ang gusto niya, tiyak gusto niya din na wag na tayo mapalapit sa isa’t isa.”;si Dina na parang bigat na bigat ang damdamin sa bawat salitang binitiwan. Iniisip kase ni Dina na pag nalaman ito ni Rico ay tiyak na ang kanilang paghihiwalay, siyempre hindi makakatanggi sa gusto ni Alice si Rico… kung gusto ni Alice na maghiwalay sila, tiyak hindi iyon mahihindian ni Rico.
“Sigurado ka bang si Alice---“;di makapaniwalang wika ni Rico pero natigilan siya sa kanyang mga sasabihin nang magpakita ng isang pekeng ngiti si Dina.
“Siguro nga… di talaga ako katiwa-tiwala. Hindi ka kase naniniwala sa mga sinasabi ko. Paano mo ako papakinggan at dadamayan pag may problema ako, Rico? Magkaibang-magkaiba ngatalaga tayo.”;tanging naisambtila ni Dina dahil nasaktan siya na mas pinapanigan ni Rico si Alice. Nawala na ang gana ni Dina na kumain. Naalarma naman si Rico sa mga sinabi ni Dina at napaghalata niya ang pagbabago ng mood nito.
“I’m sorry…”;tanging naisagot ni Rico at napayuko pa na wari pinagsisihan ang pagaalangan niya na paniwalaan si Dina.
“mabuti pa ay umuwi na lamang tayo.”;si Dina, sirang-sira na talaga ang mood niya. Nauna na ding tumayo si Dina. Alam naman ni Rico na nadisappoint niya si Dina.
Umuwi na nga sila sakay ng kotse ni Rico. Ilang saglit lang ay nakarating na sila sa bahay. Akmang bababa na sana si Dna nang pigilan siya ni Rico. Ikinagulat naman ni Dina ang pagharang ng kamay ni Rico sa kanya. Kahit nagtataka si Dina sa ginawa ni Rico, hindi pa din nawala ang pagka-bad mood niya. Salubong ang kilay na itinulak ni Dina ang kamay ni Rico pero bago pa tuluyang makababa ay bigla siyang ipinaharap ni Rico sa kanya at hawak pa nito ang magkabilaang braso ni Dina.
“Hindi ako magtatanong kung ano ang isinagot mo kay Alice sa tanong niya sa iyo, Dina… pero ikaw pa din ang pipiliin ko. Kahit anong mangyari, Dina… hindi kita pakakawalan, tandaan mo yan. Dito ka pa din sa akin. Responsibilidad kita at pananagutan ko yun.”;seryosong wika ni Rico. Nabagbag ang damdamin ni Dina. Sa di malamang kadahilanan parang ikinatuwa ni Dina ang sinabi ni Rico na siya ang pipiliin nito kaysa kay Alice pero di pa din niya mapigilang magusisa.
“Pero… paano si Alice?”; nangungusap ang mga mata ni Dina, kitang kita iyon ni Rico. Natigilan si Rico, hindi siya makasagot kundi nanatili lamang nakatitig sa mga mata ni Dina. Iba ang Dina na nasa harapan niya, hindi ito ang matapang at palaaway na Dina… kundi napakaamo ng mga mata ni Dina at parang napakarupok na wari nais niya itong maingatan at maprotektahan. Huli na para siya ang makasagot dahil muli nanaman niyang nakita ang disappointment sa mga mata nito na kani-kanina lang ay wari bumighani sa kanya.
“Di bale… wag kang mag-alala, Rico dahil alam ko naman ang posisyon ko. Alam kong balang araw kelangan din kitang palayain para makasama mo ang iyong tunay na minamahal, si Alice. Ayaw ko din namang maging kontrabida at hadlang sa lovestory niyo habangbuhay. Gusto ko din maging bida sa sarili kong kwento kaya sisiguraduhin kong pag kelangan na talaga kita pakawalan... Rico, makikita ko na din ang lalaking handang mag-ingat at umako ng responsibilidad mo sa akin.”;pilit pinasisigla ni Dina ang kanyang boses bago tuluyang lumabas ng kotse.Napatunganga si Rico habang sinusundan ng tingin si Dina na papalayo sa kanya. Di niya maintindihan kung bakit napakabigat ng loob niya sa mga sinabi ni Dina sa kanya wari sinampal siya ng mga pananalita nito.
Lumipas ang mga araw at pilit nilang itinuturing ang isa’t isa gaya ng normal at nakagawian. Ngunit may mga instansya na parang nagiging awkward sa pagitan nilang dalawa gaya nung minsan abutin nila ang baso at sabay silang dalawa kaya di naiwasang mapahawak si Rico sa kamay ni Dina o kaya nung isang pagkakataong nahulog ang libro at sabay nanaman sila muli sa pagpulot at di naiwasang magkadaiti ang mga braso at kamay nila. Madalas na pagkakataong mangyari ay yung dadaan sila sa isang lugar at magkakabungguan sila ng landas, minsan pa nga ay sabay silang kakaliwa o kakanan. Ikinaiilang nila iyon at sa tuwing nangyayari ang mga ganito ay natitigilan sila kapwa at mapapatingin sa isa’t isa. Bagamat nagkakaiilangan sa isa’t isa pinipilit pa din nilang maging normal pero sa likod nito alam nilang may kakaibang damdamin na hindi nila maitatanggi.
Araw ng lunes at magsisimula na si Dina sa pagtuturo bilang PE teacher sa Wisdom. Maagang naghanda si Dina, balak niya din kase na maagang pumunta sa school. Nagulat si Rico, kagigising niya lang nang makita si Dina na bihis na bihis at papalabas na ng bahay.
“Saan ka pupunta? Maaga pa ah?”;usisa ni Rico, gusot-gusot pa ang buhok nito.
“First day ko sa pagtuturo ngayon at gusto kong pumunta ng maaga sa school.”;ani Dina. Nawala ang antok ni Rico.
“Ngayon nab a yon? Teka… ihahantid na kita. Hintayin mo ako,5 minutes.”;ani Rico.
“Wag na, Rico. Kaya ko naman---“;si Dina pero nakapasok na uli ng kwarto si Rico. Lumipas nga ang 5 minuto at nakagayak na din si Rico nang lumabas ng kwarto. Napatawa si Dina sa bilis nito, tuwang-tuwa naman si Rico nang masilayan ang mga ngiti ni Dina dahilan para siya din ay matawa sa inasal niya, napakabilis niyang kumilos. Di kaila sa pamilya ang pagiging vain ni Rico, madalas inaabot siya ng isang oras o mahigit pa sa paghahanda ng sarili, daig pa nga ang babae at record-breaking nga ang ginawa nito ngayon-ngayon lang.
”Bilis ah!”;puri ni Dina nang nakangiti.
”Tayo na?”;ngiti rin ni Rico sa kanya. Tumango lamang si Dina. Masayang ang dalawa nang lisanin ang bahay habang masaya ding nakamasid ang mga magulang ni Rico sa kanilang dalawa.
”Mukhang nagkakamabutihan na ang dalawa.”;puna ng ginang na nakangiti.
”Magkasundo sila nang mga nakaraang araw. Napansin ko ding medyo kakatwa ang kanilang mga ikinikilos... ibig ba nitong sabihin, malapit na tayong magkaapo?”;natutuwang sagot ng papa ni Rico.
”Hay sana nga, sana. Gusto ko magkaroon na ng maliit na baby na lalaruin ko tuwing naiiwan ako dito sa bahay. Naiinip na ako.”
”Tiyak matutuwa si kumpadre kung nabubuhay siya.”; masayang wika ng ama ni Rico.
”Dito na lamang, Rico. Salamat.”; ani Dina kay Rico.
“Sige. Ingat ha? Pagbutihan mo.”;ngiti ni Rico kay Dina. Ngumiti din si Dina bilang tugon bago lumabas ng kotse na lalo namang ikinatuwa ni Rico. Paalis na sana si Rico nang mabulabog siya nang isang malakas na busina sa isang kotse buhat sa likuran niya. Nakita niyang tumigil ang kotseng ito sa tapat ni Dina. Napawi ang kanyang ngiti nang makita kung sino ang sakay ng kotse iyon.
Anong ginagawa niya dito?!;inis na isip ni Rico nang makitang si Carlos ang sakay nung kotse. Ilang saglit pa ay ipinarada na ni Carlos ang kotse nito sa di-kalayuan. Di mapapalagpas ni Rico na basta na lamang iwanan ang dalawa.
”What? Math teacher ka dito?! Oo nga, math major ka nga pala! Tapos coach ka pa ng men’s basketball team? Wow!”;masaya at di makapniwalang wika ni Dina kay Carlos.
“Nareceive ko ang notification a day after nang sa iyo. Di ko sinabi agad just to surprise you.”;ngiti din ni Carlos kay Dina.
“Wow! Congrats best! I am surprised and I am so happy talaga!”;ani Dina at masayang napayakap pa kay Carlos. Awtomatikong napababa ng kotse niya si Rico nang makitang nagyayakapan sina Dina at Carlos.
“Actually, I was so nervous. Iniisip kong baka wala akong makasundo agad don, you know how I was in my college days. And now you are here, I suddenly felt so relieved.”;masayang wika ni Dina.
“Ehem!”;malakas na pagtikhim ni Rico, nasa likod siya nina Dina at Carlos. Ikinagulat naman nina Dina ang biglaang pagsulpot ni Rico.
“Rico? Akala ko umalis ka na?”;nagtatakang wika ni Dina.
”Well san pero mukhang masaya kayo dito e... care if I join?”;si Rico per okay Carlos nakatingin.
“Well, of course. Afterall, you’re Dina’s husband.”;si Carlos ang sumagot at nakangiti pang hinarap si Rico.
Masyadong pa-cool!;inis na komento ng isip ni Rico sa ngit sa kanya ni Carlos.
“Nakaktuwa naman ang asawa mo, Dina. Laging on the go dahil mahilig palaging maki-JOIN.”; sarkastikong biro ni Carlos habang nakangiti at binibigyang-diin ang salitang JOIN. Ngumit lang din si Dina di niya kase nagets na Carlos was being sarcastic.
“ah oo, mahilig talaga akong makialam sa mga sawsawerong mahilig din sumawsaw sa buhay naming mag-asawa.”;nakangiti ding sagot ni Rico. Di maintindihan ni Dina bagamat kapwa nakangiti sina Carlos at Rico ay wari awkward ang sitwasyon nilang tatlo.
“Ah, buti na lang di ako makaclassify na sawsawero because I met you first before youre husband. I WAS your schoolmate, teammate, team captain… and your BESTFRIEND. Right, Dina?”;nakangiti pa din si Carlos. Masayang tumango si Dina bilang pagsang-ayon.
”Oo naman. Di kita tinuturing sawsawero no! Di ka na iba sa akin.”; masayang wika ni Dina kay Carlos. Naglaho ang sarkastikong ngiti ni Rico at ikinainis pa niya ang pagsagot ni Dina na wari kumakampi pa kay Carlos. Ngitngit na tiningnan ni Rico ang ngiti ng pagtatagumpay ni Carlos.
”Well, in that case... ang sawsawero dito ay ang husband mo, Dina. He doesn’t belong here with us.”;panunukso pang muli ni Carlos.
“Oo nga pala, Rico baka malate ka na sa work mo.”;nag-aalalang wika ni Dina.
“Don’t worry, ako na ang bahala kay Dina kase co-worker ko siya. I am a teacher in this school too.”;ani Carlos kay Rico.
“W-WHAT?!”;gulat na wika ni Rico.
“Nagulat din ako… at nasurpris. Kinabahan nga ako dahil madalas akong sinasabihang anti-social. Baka wala akong makasundo pero ngayong andito si Carlos naglahong bigla lahat ng kaba ko, Rico.”;masayang wika ni Dina kay Rico. Di maintindihan ni Rico pero masakit sa parte niya na mas nabibigyan pa ni Carlos si Dina ng assurance nang higit sa naibibigay niya bilang asawa nito. Bagamat alam ni Rico na walang pagtingin si Dina kay Carlos, di pa din niya naiiwasang mainsecure… pakiramdam niya ay isang threat si Carlos sa pagsasama nilang dalawa ni Dina. At sa di malamang kadahilanan, nababagabag si Rico para rito.
Tumingin si Rico kay Dina. Ngayon niya lang nakitang ganoon ka-relas at kakampante ang mukha ni Dina. Palagi niya kase nakikita si Dina at sanay siyang nakabusangot at salubong ang kilay nito... wari hinilom ng pagbabalik ni Carlos ang sugat na ginawa niya kay Dina. Naalala ni Rico na siya ang naging dahilan kung bakit namatay ang ama ni Dina, siya din ang naging rason kung bakit halos wasakin na ni Dina ang kanyang buhay... pero iba na ang hitsura ni Dina ngayon. Di na ito haggard at nakakangiti na din siya... sa harap ni Carlos. Muli, may kung anong sakit ang sumundot sa puso ni Rico. Gusto niya umangal, gusto niyang sabihing... ayaw niya si Carlos pero sa tuwing nakikita niyang masaya si Dina na kasama ang lalaking ito... nawawalan siya ng confidence... maging s asarili niya. Siya ang matayog na si Rico Ballestros at punong-puno siya ng self-confidence kaya nga nagiging mayabang pero... nawalang lahat ng yabang niya mula nang makaharap niya ang Carlos Tan na ito.
”See? Don’t worry. I assure you, Dina will be alright.”;ngiti ni Carlos kay Rico. Ayaw niya iyong tanggapin pero punong-puno ng assurance ang pagsasalita ni Carlos, wari handa nga itong gawin ang lahat para maingatan ang kanyang “Dina”.
“Dina, shall we go now?”;baling ni Carlos kay Dina. Tumango si Dina at ngumiti.
“Bye, Rico. See you later.”;wika ni Dina kay Rico. Sa huli, wala ding lumabas na tinig sa bibig ni Rico at naiwanan na lamang siyang nakatunganga.
Buong araw napapaisip si Rico. Ang tanging laman ng kanyang isipan ay ang masasayang ngiti ni Dina habang kasama si Carlos. Halos di na siya makapagconcentrate sa trabaho. Nababagabag siya, naiisip niya kung ano marahil ang ginagawa nina Dina at Carlos. Dahil di mapakali, maagang tinapos ni Rico ang kanyang trabaho upang sunduin si Dina, hihintayin niyang lumabas sa work si Dina.
“Hello, Dina?”;si Rico sa kanyang cellphone kinakausap si Dina. Muli’t muling ipinagtaka ni Dina ang pagtawag sa kanya ni Rico, ano marahil ang nakain nito at sa unang pagkakatao’y tinawagan siya nito.
“Maaga akong natapos sa work. Susunduin kita.”;ani Rico.
“Now? May faculty meeting kami e. Malelate ako ng uwi… at saka 3pm pa lang, Rico. Sigurado ka bang tapos ka na---“
“Hihintayin na lamang kita, basta… susunduin kita, ok?”; si Rico at din a binigyan pa ng pagakkataong mag-alibi si Dina at agad nang pinatay ang cellphone bago pa makasabat. Hindi maintindihan ni Rico ang sarili kung bakit siya nagkakaganoon at kung bakit ganito ang nararamdaman niya. Inip na inip siya at parang napakahaba ng araw na iyon. Gusto niya nang makita si Dina at mailayo ito agad kay Carlos.
Nakalabas na si Rico sa opisina at patungo na siya sa parking lot nang maraanan niya ang isang basketball court. May batang naglalaro doon, tantsa niya ay nasa trese o katorse ang edad nito. Pinagmasdan niya ang bata at tuloy-tuloy ito sa pagshoot ngunit lagi namang mintis ang mga tira nito.
“Hoy bata! Ba’t ka ba naglalaro nyan e di ka naman marunong.”;paguusisa ni Rico. Hapong-hapo na ang hitsura nung bata pero di ito tumitigil, binalewala nito ang kanyang prisensya. Kaya sa inis ni Rico sinubukan niyang agawin ang bola sa bata ngunit mabilis itong nakailag. Lalong nagngitngit si Rico at sinubukan pang agawin muli ang bola at nabigo nanaman ulit. Tumawa ang bata.
”Manong! Ang lakas mong mag-asar pero ikaw mismo ay di rin naman marunong! Ni mang-agaw ng bola, wala kang binatbat!”;panunukso ng bata. Sumimangot si Rico.
”Anong pangalan mo bata?”;si Rico.
”Melvin po.”;sagot nito.
“Melvin, matagal ka na bang naglalaro nito?”
“Bago lang po.”
“Pero magaling ka na umilag ah?”
“Pursigido lang po. Gusto ko kase makapasok sa varsity team.”
“Talaga? Ako din gusto ko matuto nito. Bakit mo nga pala ibig makapasok sa varsity team?”;usisa pang muli ni Rico. Napakamot ng ulo si Melvin na parang nahihiya.
“Sige na, wag kang mahiya.”;ngiti ni Rico.
”Kase... manong...”
”Kuya na lang, di naman ako ganon katanda e.”;si Rico at inalis pa ang eyeglasses na suot at nagpakita ng masayang ngiti. Napangiti na din si Melvin na parang nahawa sa ngiti ni Rico.
”kase po kuya... yung crush ko, ideal man niya po yung magaling magbasketball at yung myembro ng basketball versity team. Nabasa ko dun sa slumbook na sinagutan niya.”;ngiti ng bata. Napangiti na din si Rico.
”ikaw kuya? DI ka din marunong magbasketball? Bakit gusto mo matuto?”;ani Melvin sa kay Rico. MAtamang napaisip si Rico.
“Kase… yung asawa ko, ideal man niya yung magaling magbasketball…”;si Rico at natigilan.
Nagkaroon ako ng interes magbasketball dahil naiinis akong isipin na natalo ako ng hambog na Carlos na iyon… at hindi sa kung anu pa man!;isip ni Rico pilit inaalis sa isipan na nagkaroon siya ng interes s asports na ito dahil kay Dina.
“Kung ganon kuya, magtulungan tayo… para pareho tayong gumaling sa pagbabasketball!”;masayang wika ni Melvin. Tumango na lamang si Rico at nagsimulang makipaglaro kay Melvin.
Kanina pa sulyap ng sulyap si Dina sa kanyang relo at maging sa entrance gate ng Wisdom. Magaalas sais na ngunit wala pa si Rico.
Sabi niya maghihintay siya! Sabi niya susunduin niya ako! Nagpaalam pa naman ako na mauuna na lamang ako sa meeting dahil sa pag-aakalang narito na siya at naghihintay upang sunduin ako! Pero ano ito? Nauna pang umnuwi ang mga katrabaho ko at natapos na lamang ang meeting… ni anino ni Rico ay di ko makita!;inis na isip ni Dina.
“Bakit ba kase ako naniwala sa lalaking iyon?! Sa malamang nagdate nanaman sila ni Alice!”;nanggigigil na wika ni Dina nang masinagan siya ng maliwanag na ilaw sa sasakyan nito.
”DINA!”;wika sa kanya nung nagmamaneho ng kotse.
Hinihingal si Rico na nakahiga sa court. Sa wakas ay naagaw niya na din ang bola kay Melvin at naishoot na din sa unang pagkakataon. Napakasarap ng kanyang pakiramdam kaya naman bigla siyang nakaramdam ng pagod sa kanilang ginawa na kanina ay di nila nararamdaman.
“Kuya! Nagawa mo! Mgalaro pa tayo uli next time ha?”;masayang wika ni Melvin.
“Oo naman… hanggang sa maging magaling tayong dalawa!”;ngiti ni Rico.
“Pag pumasok ako sa varsity, kuya… ipapapkilala kita sa crush ko.”;ani Melvin.
“Ok sige, pag kasingaling ko na si Carlos, ipapakilala din kita sa asawa ko---“;natigilan si Rico at napatingin sa relo. Mag-aalas sais na. Napabalikwas ng bangon si Rico.
”Kuya bakit?”;si Melvin.
”Patay! Melvin, mauna nako sayo. Susunduin ko pa kase ang asawa ko. Maglaro na lang tayo uli next time.”;ani Rico habang nakangiting kinamayan si Melvin.
”Dina, you’re still here?”; si Carlos kay Dina nang masumpungan niya ito sa entrance ng university. Salubong ang kilay ni Dina at kunot ang noo nito.
“I thought susunduin ka ng husband mo?”;si Carlos uli. Lalong sumimangot si Dina.
“That’s what I thought too, best. I guess, busy nanaman siya uli kay Alice.”;sagot ni Dina na parang ibig nang umiyak. Napaghalata ito ni Carlos.
“Come over, hop on. Ako na ang maghahatid sayo.”;ani Carlos. Di na nagdalawang-isip pa si Dina na sumakay dahil pakiramdam niya’y ilang saglit na lang na pananatili nya sa pagkakatayo ay babagsak na ang kanyang mga luha. Kakasarado pa lamang ni Dina ng pinto ng kotse ni Carlos nang bulabugin sila ng sunod-sunod at malalakas na busina ng kotseng nasa likuran nila.
“Dina!!!”;sigaw ni Rico nang magtabi ang kanilang mga kotse.
”Lumipat ka sa kotse ko at once!”;mando ni Rico na may madilim na aura nang makitang magkasama sina Carlos at Dina. Hindi tumingin si Dina kay Rico at binalewala niya ang prisensya ng kanyang asawa sa gilid nila.
“Carlos, I beg you… ilayo mo ako rito.”;si Dina. Mabilis na kumilos si Carlos at pinaandar kaagad ang kotse.
”San tayo tutungo, Dina? San mo gustong pumunta?”;tanong ni Carlos kay Dina matapos ang ilang minutong pagdadrive.
“Anywhere basta malayo kay Rico.”;sagot ni Dina. Naiinis si Dina kay Rico, naiinis siyang aminin na kahit sinabi niyang payag siyang magkarelasyon sila ni Rico at Alice ay nasasaktan pa din siya. Ayaw niyang makita siya ni Rico na ganoon kadesperada ang hitsura, mapride siya at ayaw niyang mapahiya. Sumulyap si Carlos sa sidemirror at rear view mirror.
“But… Dina, kanina pa sumusunod ang asawa mo sa atin. Wala siyang balak na tantanan tayo. Harapin mo na lang siya for the mean time. I think that would be the best.”; wika ni Carlos tinatangkang pakalmahin si Dina na sa mga panahong iyo’y napaghahalata niyang irritable. Tumahimik lang si Dina at di siya sumagot, tinapunan niya ng tingin ang sideview mirror at narealize niyang kanina pa nga sila sinusundan ni Rico.
“This is no good, Dina. He won’t stop talaga. Talk to him muna.”;si Carlos at inihinto ang kotse matapos ang ilang minutong habulan nila ni Rico.
“Nooo!!!”;sigaw ni Dina at tuluyang napaiyak. Nag-alala si Carlos.
“You don’t understand me anymore, Carlos. I don’t want to talk to him now, I don’t even want to see him! Madalas ako umaasa sa kanya, Carlos and everytime… lagi na lang ako nadidisappoint. And now.. I am starting to get hurt… HERE!”;iyak ni Dina sabay turo sa bahaging parte ng kanyang puso. Agad siyang niyakap ni Carlos. Ayaw niyang magkaganito si Dina… napakarupok niya, siya ay isang babae… at ito ang feminine side ni Dina. Ito ang bumighani sa kanya noong college years nila. Mahal na mahal niya si Dina at ayaw niyang magkaganito ang babaeng mahal niya.
Nakita ni Rico na magkayakap sina Dina at Carlos sa loob ng kotse. Agad-agad siyang bumaba sa kanyang kotse, di maintindihan kung saan nagmimila ang matinding galit na nararamdaman niya nang makitang yakap ni Carlos si Dina. Dali-dali niyang binnuksan ang pinto ng kotse ni Carlos at inialis ang mga kamay ng lalaki sa katawan ni Dina. Parang nabuhusan ng malamig na tubig si Carlos at nagulat nang makita si Rico. Sinamantala ni Rico ang pagkabigla ni Carlos upang hilahin si Dina palabas ng kotse.
”Bitiwan mo ako! Nasasaktan ako!”;asik ni Dina kay Rico ngunit wari bingi si Rico dahil galit pa din siya.
”DINA!”;sigaw ni Carlos at sinubukang awatin si Rico pero habang nakikita niya ang reaksyon nito, natauhan siya. Si Rico ang asawa ni Dina... at siya, ay walang karapatan na mangimasok sa buhay nilang mag-asawa. Gusto man niyang tulungan si Dina at kunin... pero ano nga ba ang karapatan niya? Ano ang katayuan niya upang gambalain silang mag-asawa?
Mahal ko si Dina! Ayaw ko siyang masaktan! Ayaw ko siyang makitang ginaganito! Di ba sapat na dahil na mahal ko siya?!;sagot ng isang bahagi ng isipan ni Carlos at handa na sanang pigilan si Rico nang bigla itong magsalita.
“Di ba sabi ko sa iyo susunduin kita?! Bakit ka sumama sa lalaking iyan?! Diba sabi ko say o na ayaw kong lumapit ka sa kanya?!”;sigaw ni Rico. Mahigpit pa din ang pagkakahawak niya kay Dina. Wala siyang balak na pakawalan si Dna o kaya’y pahintulutan si Carlos na maagaw si Dina sa kanyang pagkakahawak.
“Oo! Alam ko! Pero masisisi mo ba ako?! Si Carlos lang ang meron ako!”;sigaw din ni Dina, napaiyak. Natigilan si Rico nang makita ang mga luha ni Dina.
”Tuwing niyaya mo ako, natutuwa ako! Naeexcite ako! Kase alam ko naman na ang panahon mo ay palaging nakalaan lamang kay Alice kaya ako naman, sinasamantala bawat pagkakataon mo para sa akin at palagi namang akong nagkakapanahon para sa iyo... kahit na nga ba sa huli, lagi namang disappointment ang binibigay mo! Kanina sabi mo susunduin mo ako, sobrang saya ko! Nagpaalam pa ako ng maaga dahil akala ko naghihintay ka... pero bakit?”;si Dina tuloy-tuloy ang pagpatak ng luha. Natigilan si Rico, gusto niyang magpaliwanag pero ayaw din naman niyang sabihin na nagpractice siya ng basketball para kay Dina, nahihiya siyang malaman iyon ni Dina.
”Dina kase----”
”Siguro magkasama nanaman kayo ni Alice? Mali, hindi siguro kundi sigurado. Habang matyaga akong naghihintay sayo, kahit nakauwi na lang ang lahat, di pa din ako umalis. Para akong tanga diba? Kung di pa dumating si Carlos, siguro umiiyak na akong nag-iisa! Di mo ba talaga alam kung bakit ako naghintay ng ganoon katagal, Rico? Di mo ba talaga napapansin iyon, Rico?!”;sigaw ni Dina kay Rico.
“D-Dina…. Tumahan ka na---“;naputol si Rico sa kanyang sasabihin. Ibig niyang yakapin si Dina at ibig niyang pahirin ang mga luha nito.
“Di ba matalino ka, Rico? Dapat alam mo kung ano ang nararamdaman ko sa iyo… GUSTO KITA, RICO!”;matapang na wika ni Dina. Nagulat si Rico dahilan para lumuwang ang pagkakahawak niya sa kamay ni Dina. Sinamantala iyon ni Dina upang alisin ang kamay ni Rico sa pagkakahawak sa kanya.
“Gusto kita, Rico… pero di pwede dahil may Alice ka. Gusto kita pero may mahal kang iba. Pero wag kang mag-alala,papalayain din kita… hindi naman mahirap ibalik ang dating pagtingin k okay Carlos. Kaya wag ka masyadong magyabang dahil di ko naman kayo gagambalain ng babaeng mahal mo! Wag kang mag-aalala, pakakawalan kita Rico.”; wika ni Dina. Di makapagsalita si Rico, ni hindi niya alam paano magrereact, muli namang sinamantala ni Dina ang pagkakataon upang bumalik siya kay Carlos. At gaya kanina, naiwanan nanamang muli si Rico na nag-iisa. Napatitig si Rico sa kanyang kamay.
”Nakawala si Dna sa pagakakahawak ko...”;tanging nasambitla ni Rico.
Sa nalaman ni Rico, isang kakaibang damdamin ang naramdaman niya. Isang damdaming alam niyang matagal nang umusbong doon sa puso niya.