Narito na kami sa tapat ng gate nang kami ay makababa ng sasakyan. Namangha na lang ako sa mga nakikita ko ngunit napangiwi na lang ako dahil may dalawang guards na nakabantay rito. Kinabahan ako, baka hanapan na naman nila ako ng id. Jusko, kung ganito ba naman na may mga bantay palagi eh mauubusan ako ng id nito. Huminto ako sa paghakbang.
"Hey, bakit ka huminto?" Kunot-noong tanong niya. "P'wede bang tanggalin mo na 'yang facemask mo. Babaho hininga mo diyan," ani niya. Okay lang naman, sa loob loob ko basta huwag lang nila makita ang butas ng ilong ko. Pagtawanan pa nila ako.
"Ah sir, wala kasi akong id na dala," sagot ko.
"What? Id ba kamo?" Bigla itong napatawa na kinasimangot ng mukha ko. "Hindi na kailangan ng id rito. Akala ko kung ano na. Id pala!" singhal niya. "Pumasok na tayo sa loob," pag-aya niya. Napatakbo pa ako para lang maabutan siya. Pinandilatan ko ng mga mata ko ang mga guwardiya. Sa tuwing nakakakita kasi ako ng guwardiya ay naiinis ako sa kanila.
Nang makapasok na kami rito sa loob. Kinabahan ako dahil parang pamilyar itong mansyon na ito. Parang nakita ko na ito dati. Alangan naman sa panaginip ko ito nakita. Napaisip ako, hindi kaya... Jusko! Parang ito yung mansion ni Mr. Pangit. Nagulat ako at nahinto sa paghakbang. Malapit na kami sa elevator. Hindi ko na naman maigalaw ang mga paa ko. Sabi niya, huwag na daw ako babalik dito pero ano itong ginagawa ko rito? Shuta! Ang laki talaga itong problemang pinasok ko. Kainis talaga. Kung hindi sana ako nangarap na magtrabaho sa hotel malamang hindi ako makakabalik dito sa lugar kung saan may nangyari sa amin ni Mr. Pangit pero ano tong ginawa ko. Bumalik ako sa kan'yang mansion. Shuta!
"Hey ano ba Fatima? Tatayo ka na lang ba riyan?" Napaigtad ako sa tinig ng boses niya. "Com'on!" Sinenyasan niya ko. Humakbang ako at nilapitan siya. "Sumunod ka sa akin," utos niya.
"Sige!" sagot ko. Patungo na kaming dalawa kung saan naroon yung elevator. Bumukas iyon nang ilapat niya ang palad sa palm screen device. Automatic na bubukas ang pinto. Pumasok kaming dalawa sa loob ng elevator. Inihanda ko na ang magazine sa aking bag para may proteksyon akong maitago ang aking mukha. Hindi sapat ang facemask sa akin at baka makilala niya pa ko.
"What is that?" tanong ni sir Blade.
"Magazine sir," sagot ko.
"Me I see that?" Inilayo ko ito nang akmang kunin niya sa aking kamay. Itinago ko ito sa may bandang likod ko. "Tsk! Mahilig ka pala sa mens magazine. Hmmm..."
"Hindi naman po sir," ani ko kasabay nang paghinto ng elevator at automatikong bumukas iyon. Sabay na lumabas kaming dalawa. Automatikong sumarado ang pinto ng elevator.
"Well narito na tayo. Ano kaya ginagawa ni bossing," ani nito. Napangiwi ako. Malamang may kas*x na naman, sa loob loob ko.
Nang malapit na kami sa kan'yang kuwarto. Pinaupo niya muna ako rito sa may living area. Mag-antay daw muna ko rito dahil kakausapin niya daw muna ang boss niya.
Lumipas ang ilang minuto. Nakaramdam ako ng pagkainip. Almost 20 minutes na kong nag-aantay rito kaya naisipan kong buklatin muna ang magazine. "Ang guwapo talaga niya, sana maging kamukha ng baby ko itong guwapong nilalang na ito," mahinang usal ko saka napangiti. Hanggang sa nawili na talaga ako tingnan ang mga larawan niya sa magazine. Gustong gusto ko na talaga siya. Lihim na lang akong kinilig sa guwapong lalaking narito sa magazine. Pahaplos-haplos pa ko sa kaniyang katawan. Naalala ko tuloy yung lalaking naka one-night stand ko. Hindi ko man nakita ang katawan niya dahil nakablind fold ang mga mata ko noong may nangyari sa amin. Alam kong makisig siyang lalaki dahil naramdaman iyon ng aking palad nang paglandasin ng aking kamay ang nagtitigasan niyang muscle.
Napaigtad na lang ako sa kinauupuan ko nang may tumikhim. Taranta kong isinilid ang magazine sa loob ng aking bag. Sa taranta ko hindi ko maipasok ng maayos sa loob. Nang bigla na lang may umagaw iyon mula sa aking likuran. Napatingin ako sa lalaking nangahas nang hablutin niya ang magazine sa aking kamay. Nanlaki ang mga mata ko sa nakita.
"Shuta!" malutong na mura ko. "Paano ka nakalabas sa magazine?" ani ko ngunit salubong ang mga kilay niya. Biglang kumabog sa lakas ang aking dibdib.
"This is mine!" galit na ani niya.
"Hindi akin 'yan," pinilit ko pang maagaw iyon sa kan'ya. Nainis ako. "Ibalik mo sa 'kin 'yan." Mas lalo pa niyang itinaas ang magazine na hawak niya sa kaliwang kamay niya. Hindi ko tuloy maabot. Kaya ang ginawa ko ay umakyat ako sa sofa pero inilayo niya ito. Napahakbang ako ng konti sa sofang tintapakan ko pero nadulas ako dahil sa suot kong sandalya. Natumba kaming pareho at bumagsak sa sahig.
"F*ck!" malutong na mura niya. Nagtama ang aming mga mata.
"Oh maygad! What's happening here? Narito ka pala? Saan ka galing? Kanina pa kita hinahanap," ani ni sir Blade sa lalaking narito sa ilalim ko. Parang nawili na ko sa ibabaw na nakapatong sa katawan niya.
"Tulungan mo muna akong tanggalin itong linta sa ibabaw ko," ani niya. Ano raw? Ako linta? Nainis ako sa sinabi niya kaya kusa akong umalis sa ibabaw niya. Mabuti at hindi natanggal ang facemask ko kaninang bumagsak kami. Pinandilatan ko siya ng mga mata ko.
"Who is she? Siya na ba ang maglilinis ng kuwarto ko?" Galit na ani niya. Jusko! Mukha ba kong tagalinis? Ang ganda kaya ng damit ko paglilinisin lang niya ako rito.
Sumenyas si sir Blade. Lumayo sila mula sa kinaroroonan ko. Nag-usap ang mga ito. Mukhang seryoso ang kanilang pinag-uusapan. Sumulyap pa sa 'kin yung lalaking kamukha niya sa magazine. Nakakalito naman. May kamukha din siya doon sa hotel na pinagtatrabahuan ko ah. Teka nga, binigay na niya sa akin yung magazine bakit niya pa kinuha iyon. Ang gulo ng isip ko. Parang sinulid na nagkabuhol buhol na sa utak ko dahil hindi ko maintindihan ang nangyayari sa paligid ko.
Kinabahan na naman ako nang patungo si sir Blade rito. "Hmmm... Fatima, napag-usapan naming dalawa ang pakay mo rito," ani niya.
"Siya ba ang boss mo sir?" bigla kong tanong.
"Hindi ko masasagot ang bagay na iyan Fatima. This is a confidential issues."
"Sir matanong nga kita?"
"Hmmm... Go on," ani nito.
"Nasaan na po si Drake? Yung pangit," biglang sabi ko na kinagulat niya. "Siya ba ang boss mo kaya mo nasabing confidential issues?" Hindi ko alam kung bakit ko pa natanong ang bagay na iyon.
"Wait me here Fatima. May sasabihin lang ako sa kaibigan ko," ani niya saka niya binalikan yung lalaking antipatiko. Tinawag ba naman akong linta. Shuta!
Nag-usap ang dalawa nang matapos nilang mag-usap ay sinenyasan ako ni sir Blade na lumapit. Humakbang ako patungo sa kinaroroonan nilang dalawa. Hawak ng lalaking antipatiko ang red folder. Napanguso ako nang pasadahan niya ko ng tingin pagkalapit ko. Inilapit pa niya ng husto ang mukha niya sa mukha ko. Nangunot ang aking noo.
"Can you remove your facemask?" Napahawak ako sa suot kong facemask at umiling. "Ayaw mo bang umuwe ng masaya kasama itong hawak ko?" Turo niya sa hawak niyang red folder.
"Siyempre gusto. Pero sa isang condition," ani ko. Nakuha ko pang humiling ng kondisyon.
"Okay tell me what you want," ani niya.
"Ibigay mo muna sa akin yung magazine. Binigay mo na sa akin yun kanina noong nasa hotel tayo ah." Nagkatinginan ang daawa. Nagkibit balikat si sir Blade nang makita ko.
"Give it to her," utos niya kay sir Blade. Kung makautos ito ay parang siya pa ang boss sa kanilang dalawa. Mas boss pa ngang tingnan si sir Blade kaysa sa kan'ya. Pinasadahan ko siya ng tingin. Guwapo naman siya at bumagay naman sa kan'ya ang may balbas na umabot pa sa kan'yang tenga. Parang si Can Yaman kung titignan. Yung suot niyang damit. Jusko! may butas pa. Tapos yung suot pa niyang short ay may butas din at kupas na kupas pa ang kulay ng kan'yang short. Pero infairness ha, bumagay sa kan'ya ang buhok na itinali niya. Napatingin siya sa 'kin. Tinapunan niya ko ng matalim niyang tingin. Ang suplado naman niya.
Nang makuha ni sir Blade ang magazine ay agad na inabot niya sa 'kin ito. Isinilid ko na ito sa loob ng aking bag. Sobrang saya ko dahil nabawi ko na din ito.
"Now, my turn. Remove your facemask," utos niya. Kinabahan ako nang hawakan ko ang facemask ko. Face reveal na naman tayo mga ka-ILONG.
Unti-unti ang pagtanggal ko sa hawak kong facemask. May konting pawis pang namuo sa pagitan ng aking labi nang tanggalin ko ito.
"What the??" Parang nagulat pa siya nang makita niya ang ilong ko o sa mukha ko kaya siya nagulat. Shuta! Ang malas ko naman sa ilong. Nakapasa ako sa una at ikalawang pagsubok pero ito ay parang wala na kong pag-asang makapasa sa ikatlong pagsubok. Hindi ko alam kung sino itong lalaking nasa harapan ko ngayon. Kung makatitig kasi ay parang mangangain ng buhay. Sino ba itong taong nasa harapan ko? Parang kilala niya ko.