Pauwe na kami ni sir. Mula pa kanina ay hindi na ko nagsasalita. Napahiya kaya ako. Kung sasagutin ko lamang siya ay bumibira sa daldal ang aking bunganga. Wala pa naman akong preno sa pagsasalita dahil kung ano ang naiisip ko ay sinasabi ko. Panay ang sulyap sa akin ni manong at sa kan'ya. Ang driver ni Drake. Nasa backseat siya at ako naman ay katabi itong driver. Nagtataka siguro siya kung bakit ang tahimik naming dalawa. "Sir, may dumating nga pala na package niyo kaninang umaga," pambabasag niya mula sa katahimikan. "Nakalimutan ko lang ibigay. Fatima, pakibukas naman yang nasa harapan mo," utos niya. Kumunot ang noo ko. Ako pa talaga inutusan niya. Galit nga sa 'kin si sir eh. Hindi ko nga siya pinapansin. Kinuha ko naman sa loob ng compartment ang maliit na package. Parang isang

