13. She Thinks I'm Dumb

927 Words
SILAS Lyra's pretty face is so close to mine, it's just an inch away at malapit na maglapat ang aming mga labi nang biglang tumunog ang cellphone ko. What the hell just happened to me? Para akong napatulala and I almost kissed her kung hindi pa tumunog itong cellphone ko, at bago pa man ako tuluyang mawala sa katinuan ay tinalukuran ko na siya at nagsimulang maglakad ng palayo sa kanya habang kinukuha ko sa bulsa ng pants ang cellphone kong patuloy pa rin na nagawa ng tunog. "Hello." "Sir Silas, natukoy ko na po kung bakit ganoon ang amoy ng opisina niyo, nasilip na po namin ang footage sa hidden camera sa loob ng opisina niyo, at ang sekretarya niyo po ang may kagagawan, makikita po sa video na may hawak siya ng bote ng pabango at inisprayan niya po ang buong opisina niyo, dalawang beses niya ginawa, una noong umaga nagsspray ng pabango, at nung lumabas kayo for lunch ay inulit niya ulit ang pag-spray!" Pag-imporma sa akin ng isa sa mga tauhan ko na aking inutusan para mag-imbestiga dahil talagang hindi na ako mapakali sa amoy ng opisina ko. And what the hell? Si Vera ang may kagagawan kung bakit ganoon ang amoy ng opisina ko? Napalingon ako kay Lyra, at tignan mo nga naman parang kakatalikod ko pa lang ay hawak na niya agad ang cellphone niya at kagaya ko parang may kausap din siya pero thru chat or text lang dahil seryoso siyang nagpupumindot. Si Vera ay dating sekretarya ni Mr. Dominguez, and with her actions ay mukhang alam ko na kung sino ang nag-utos sa kanya para gawin ang bagay na 'yon? Napangisi ako because I thought I was crazy thinking about her all the time, but it turns out Lyra is playing me. She thinks I'm dumb, she wants to play me, well, I'm going to play along. "Don't worry Sir, bukas na bukas din ay ipapatawag namin si Vera para hingan ng paliwanag." sabi pa ng kausap ko na agad kong pinigilan. "Don't fùcking do that, I'll handle it myself. You understand?" I instructed na halos pabulong pero siniguro ko na maririnig dahil itinapat ko ng maigi ang bibig ko sa tapat ng cellphone bago ko ibinalik sa may tapat ng tenga ko. "Yes, sir." Nang marinig ko ang pag-confirm ng kausap ko ay agad ko ng tinapos ang tawag at ngumisi ako sa harapan ni Lyra na hanggang ngayon ay busy pa rin ang kanyang atensyon sa pagpipindot sa kanyang cellphone. _________________ LYRA We're about to kiss, almost, but then.... Uncle Silas's phone suddenly make a noise, at agad niya kong tinalikuran para sagutin kung sino man ang istorbong natawag sa kanya. Sakto naman na narinig ko rin ang mahinang vibration sound ng cellphone ko na nakalagay sa loob ng clutch bag ko. Tumingin muna ako kay Uncle Silas na medyo lumayo sa akin. Nakatalikod siya at nasa tapat na ng tenga niya ang kanyang cellphone. Dali-dali ko naman kinuha ang cellphone ko sa loob ng clutch bag ko to check kung sino, at halos bumilis ang tìbok ng puso ko ng mabasa ko ang message niya. Vera: I think he knows. I'm sorry, Miss Lyra. What the -? How the hell does he know, pinlano namin itong maigi, kakilala pa nga ni Vera ang bantay ng CCTV sa opisina. Mabilisan akong nag-type ng reply. Me: Are you sure na alam na niya, at paano naman niya nalaman? Ilang saglit lang ay nag-reply agad si Vera. Vera: Sa tingin ko oo, dahil hindi ko alam na may hidden camera pala sa loob ng opisina ni Sir Silas, tumawag kasi sa akin 'yung kakilala ko na bantay ng mga CCTV, may pumunta daw dun na tauhan ni Sir Silas, pinaalis daw siya at pinagkakalkal ang mga footage, kahit 'yung mismong kakilala ko hindi rin niya alam ang tungol sa hidden cam, may mga password pa daw na ginamit para ma-access yon. Oh, God! Vera: Diyosko, kinakabahan ako, kailangan ko po ng trabaho, ma'am. Kahit ako Vera ay kinakabahan din, pero kung magpapatalo ako sa takot ay walang mangyayari kaya lalaban ako hangga't kaya ko. Me: Pero pinatawag ka na ba? Pinagpaliwanag ka na ba? Asking her, because I need to know all the details kung talaga bang sobrang gulo na ng sitwasyon. Vera: Wala pa naman po pero since sinabi ng kakilala ko na meron pa lang hidden camera sa loob ng opisina ni Sir Silas ay sigurado ako na malamang alam na ni Sir Silas na ako ang may kagagawan kung bakit ganoon ang amoy ng loob ng opisina niya. Malaking problema nga ito, sa ngayon busy pa si Uncle Silas dahil kasama ko pa siya, at kung alam na ng tauhan niya malamang ay.. Napalingon ako kay Uncle Silas na nakatalikod pa rin at mukhang seryosong nakikinig sa kung sino mang kausap niya ngayon sa kanyang cellphone, and I wonder hindi kaya ang taong kausap niya ngayon ay nagsisimula ng magsumbong sa kanya. Damn it! Alam man niya o hindi ay tuloy ang plano hangga't nandito siya. Nag-type ako ng last reply ko kay Vera. Me: Don't worry, I'll handle it. When the time comes that you get implicated, for now, be calm and don't say anything until someone asks you. And then I hit send bago ko muling itago ang cellphone ko sa loob ng clutch bag ko, at pag-angat ko ng tingin ay... "So, what are we gonna do next?" Nakangising tanong ni Uncle Silas sa akin habang nakaupo siya sa may dulo ng kama.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD