SILAS
Hindi pa niya alam.
Sigurado ako.
Kung nabasa na ni Lyra ang sulat ng ama niya, hindi siya ganyan kanina.
Hindi siya magpapacute sa lobby.
Hindi siya tatawag ng “Uncle” na may halong pang-aasar.
Hindi siya maglalaro.
Kung alam niya na para ma-reveal ang secret will ay kailangan niya akong pakasalan ay mas magiging diretso siya.
Mas magiging agresibo.
At kilala ko si Lyra.
She doesn’t back down.
She attacks.
She even tried to seduce me once just to win.
So kung mabasa niya ang kondisyon sa sulat?
Paniguradong hindi siya uurong.
Natitiyak ko na papayag siya pero hindi dahil gusto niya.
Papayag siya para manalo.
Ayaw nga niya tanggapin na ako na ang may kontrol ng lahat pano pa kaya kung malaman niya ang totoo.
Malaman niya ang larong ginagawa ng ama niya.
Sigurado akong hindi siya papayag na mapunta sa charity ang lahat ng pinaghirapan ng ama niya para mapatunayan na kaya niyang kontrolin ang sitwasyon.
And that’s exactly what worries me.
Hindi ko kailangan ng kasal na ginawa dahil sa pride.
Hindi ko kailangan ng asawang pumayag lang dahil ayaw matalo.
Napabuntong-hininga ako.
Bakit hindi pa niya binabasa?
The timeline is already started, ilang araw na ang lumipas.
Ayaw ko siyang pangunahan.
Kapag ako ang nagsabi baka lalo pa kong mapasama. Iisipin niyang minamanipula ko siya.
Na pine-pressure ko siya.
Mas lalaban siya.
Kaya tahimik muna ako.
Habang hindi pa niya alam, binibigyan ko siya ng trabaho.
Yung audit na pinagawa ko sa kanya?
Hindi random.
May discrepancy doon sa subsidiary reports.
Gusto kong makita kung paano siya mag-isip kapag hindi siya ang nasa spotlight.
Kung kaya ba niyang mag-focus sa numbers.
Kung kaya ba niyang mag-build, hindi lang ang mag-charm.
This is a serious matter. She needs to learn about a hardwork.
Kailangan niya maintindihan na hindi lahat ng gusto niya ay basta lang niya makukuha ng madalian.
Hindi pwedeng basta maghintay lang.
Kailangan may gawin.
Kailangan paghirapan.
Kailangan pag-isipan.
Para apag dumating ang time na mabasa niya ang sulat at lumapit siya sa akin.
Ayokong ang dahilan niya ay dahil wala siyang choice.
Gusto kong kapag pumayag siya…
Alam niyang kaya niya akong tapatan.
Hindi dahil kailangan niya ako.
Kundi dahil kaya niya.
At kung sakaling piliin niyang hindi pumayag at mapunta sa charity ang lahat.
At least alam kong hindi siya nagdesisyon out of desperation.
Napangisi ako ng bahagya, alam ko naman kung ano ang pipiliin niya.
Matigas ang ulo niya.
Kapag nalaman niya ang kondisyon ay alam kong hindi siya uurong.
Lalapit siya sa akin.
I am very sure of that.
Hindi para magmakaawa.
Hindi para makiusap.
Lalapit siya para makipag-deal.
Dahil ganon siya.
Palaban. Competitive. At ayaw matalo.
At kapag nangyari ‘yon…
Kailangan siguraduhin ko na nasa akin ang advantage.
Hindi siya ang pumili ng larong ito.
Pinilit lang siya ng ama niya na sumali.
Pero ako?
I didn’t have to say yes.
Ako ang susi.
Kung wala ako ay hindi maa-unlock ang secret will.
Kung hindi ko siya pakakasalan ay hindi mabubuksan ang final conditions.
Hindi gagalaw ang shares.
She may think she’s walking into this to win.
Pero ang totoo ay ako ang may hawak ng alas.
At kung lalapit man siya sa akin para makipagkasundo tungkol sa hiling ng ama niya na magpakasal kaming dalawa.
It won’t be because she cornered me.
It will be because she needs me.
And in this game -
The one who is needed holds the power.
______________
LYRA
Hindi ko na babalikan ‘yung morning drama namin ni Uncle Silas.
Akala ko kaya kong inisin siya pero mukha ako pa ata ang naasar.
Hindi ako sanay sa ganu'n reaction niya.
Tama lang, kalmado, at talaga naman nakakapanibago.
Akala ko mapapataas ko ang blood pressure niya unlike nung mga una naming enncounter.
Hindi na gumana yung pang-iinis ko sa kanya tapos binigyan niya pa ko agad ng task.
Audit.
Of all things.
9:32 AM.
Nasa loob ako ng conference room kasama si Vera.
Ine-explain niya sa'kin ang acquisition reports.
Graphs. Numbers. Subsidiaries. Profit margins. Inter-company transfers.
Nodding lang ako pero sa totoo lang?
Ang sakit sa ulo.
Talaga bang employee na lang ako?
“Ma’am, this is the subsidiary under Northern Logistics,” sabi ni Vera habang tinuturo ang spreadsheet na halos puro numero ang nakikita ko.
Tumango ulit ako.
“Okay. So what exactly am I looking for?”
She blinked.
“Sabi ni sir, alam niyo na daw po?"
Oo nga pero kasi parang nalito ako sa dami ng inexplain nito ni Vera.
"Oo nga pero pwede pakiulit," sabi ko na lang while smiling.
And since mabait naman si Vera ay inulit na lang niya sa akin kung ano ang gagawin ko.
10:47 AM.
Mag-isa na ako sa maliit na office na binigay sa akin.
Hindi executive. Hindi malaki. Glass walls.
Symbolic ba ‘to? Para kita niya ako habang nag-i-struggle?
Inilapag ko ang mga papel.
Binuksan ko ang laptop.
Fine.
You want performance?
I’ll give you performance.
Pwede bang sayawan ko na lang siya kaysa ganito? Ready ako kahit now na.
Nagsisimula pa lang ako pero parang naiiyak na ko.
Huminga ako ng malalim.
Mataas ang pride ko kaya hindi ako pwedeng umayaw.
I need to do this.
11:30 AM.
Tatlong beses ko nang binasa ang financial summary.
Wala. Mukhang maayos. Balanced. Organized. Professional.
Nakakainis!
12:15 PM.
Gutom na ako.
Pero hindi ako lalabas.
Ayokong makita niyang sumuko ako agad.
1:42 PM.
Nag-alis ako ng heels.
Yes, tinanggal ko.
Hindi ako sanay na naka-upo ng ganito katagal.
Hinilot ko ang sentido ko at ang masasabi ko ay struggle is real talaga sa first day ko sa work.
“Okay, think, Lyra.”
He wouldn’t give me something random.
For sure may mali dito at kailangan ko lang mag-focus.
Kailangan ko mahanap ang mali dito pero kung siya ang hahanapan ko ng mali kahit napakipit pa ang mga mata ko ay masasabi ko agad.
2:36 PM.
May napansin ko. Isang maliit na transfer amount. Hindi malaki. Hindi suspicious.
Pero bakit recurring siya kada quarter?
Parehong halaga.
Parehong description.
Consulting adjustment fee.
To the same external entity.
Pero wala sa master contract list ang entity na ‘yon.
Humigpit ang hawak ko sa mouse.
“Got you.”
3:58 PM.
Dinouble check ko.
Tinugma ko sa bank movement summary.
Present. Real. Hindi typo. Hindi clerical error.
Hidden channel. Small leak. But intentional.
4:47 PM.
Halos hindi ako tumayo mula kanina.
Masakit na ang likod ko.
Naka-bun na ang buhok ko kasi nakakairita na.
Yung feeling ko mas makakapag-focus ako kung ganito na ang ayos ng hair ko.
Pumasok akong fresh at hindi ko talaga inexpect na ma-stresss ako ng buong araw.
But on the brighter side ay hawak ko na ang printed report.
Kahit pagod ay napangiti ako.
I did it.
Highlighted. Flagged. Cross-referenced.
Tumingin ako sa oras.
Oh, my God! Hindi ko na namalayan na halos uwian na.
Kailangan ko nang ipasa 'to kay Uncle Silas.