SILAS
Kausap ko pa ang security sa telepono ng bigla niya kong tinalikuran at lumabas na din.
Kailangan pa talagang takutin bago umalis.
Kinabukasan ay pinatawag ko si Attorney dahil pagkatapos ako'ng sugurin ni Lyra dito sa opisina ko ay siya na naman ang kinulit nito.
Gustong makita ng makulit na babae ang lahat ng dokumento na magpapatunay na talagang legal ang ginawa kong pagbili sa kumpanya ng daddy niya kasama ng iba pa nitong ari-arian.
"Just as you instructed, ay pinakita ko lahat ng documents, and provided her a photocopy of all business transactions niyong dalawa ng daddy niya."
"Ano'ng reaction niya?"
"Biglang tumahimik hanggang sa umalis na lang, and actually kaka-received ko lang ng message na umalis na daw ngayon si Lyra ngayon dun sa mansyon?"
"What? Pero hindi niya tinanggap ang condo 'di ba?" Asking him again, although sinabi na niya yan kanina.
Gusto ko lang masiguro kung tama ba ang pagkakadinig ko dahil napapaisip ako, kung hindi niya tinanggap ay...
"Where the hѐll is she going to live?"
"Gusto mo bang pa-imbestigahan natin kung saan siya tumutuloy ngayon, and again, yes, hindi niya tinanggap ang condo." sagot ni attorney, and at the same time ay nanghihingi na siya ng permiso kung magpapaimbestiga ba ako.
Fùck! Hindi ko namalayan na nasambit ko pa lang ang mga salitang 'yon na dapat sana ay sa isip ko lang.
Umiling naman ako ng dalawang beses.
"No need, maybe nagpapahupa lang siya ng sama ng loob, hintayan na lang natin na muli siyang lumapit para i-claim ang condo niya." Bilin ko kay attorney.
Mga ilang usap pa ay lumabas na din ito ng opisina ko.
Lumipas ang isang linggo ay walang Lyra na dumating, at hindi ko maiwasang hindi mag-isip kung nasaan ba siya? Saan siya nakatira ngayon at kung may trabaho ba siya?
Fùck this conscience, bakit ba kasi ibinilin pa siya sakin ni Mr. Dominguez, but then I remember Lyra is a grown woman now.
A beautiful woman.
Siguro napag-isip niya ang lahat ng sinabi ko sa kanya at tuluyan na niyang tinanggap na tapos ang pagiging buhay prinsesa niya, pero ang hindi ko maintindihan ay ganoon na nga ang nangyari ay mataas pa rin ang pride niya.
I already granted her father's wish by providing shelter and a job, pero ang anak naman ang may ayaw, so wala na kong magagawa.
Ayaw niya ng condo, ayaw niya ng trabaho, then fùcking don't, the hѐll that I care!
Afterwork ay nagpunta ako sa Jazz Bar na madalas kong puntahan.
The Dim lights, smooth jazz music make me relax while sipping my whisky.
A pretty and sexy looking girl who looks familiar across the table is smiling at me, she even waves her hands, I think I might have slept with her before, but too bad, I'm not in the mood tonight. Ang dami kong inattendand na meeting, and I'm really tired, I just want to relax just a bit before I go home and listen to a live jazz band that plays on the stage.
I didn't react to her smile; I just pretended that I didn't see her and sipped my whisky.
Nawala naman ang malawak na ngiti ng babae, sumimangot at biglang tumayo.
Here we go again. Sanay na ako sa ganitong eksena, mga babaeng nagagalit kapag hindi napagbibigyan.
"Fùck you, Silas, go to hѐll!" Bulyaw niya before leaving.
"We are all already here!" I whispered into myself before taking another sip of whisky.
Inilapag ko ang baso ng may lamang alak at ng nag-angat ako ng tingin ay napakunot ang noo ko sa nakikita ng mga mata ko.
Si Lyra, nakaupo sa isang table, nag-iisa, may isang còcktail drink sa harap niya. Nakatuon ang atensyon niya sa stage, pinapanood ang tumutugtog na banda.
Hindi ko siya nakikita kanina dahil nakaharang ang babaeng tinanggihan ko, at minura ako.
Lyra is wearing a black body con dress that hugs her curves perfectly. She's a really grown woman now. Ilang sandali ko pa siyang pinagmasdan at hinihintay na may dumating pero mukhang wala talaga siyang kasama.
Dinampot at binitbit ko ang whisky na iniinom ko. Naglakad palapit sa kanya, and then umupo ako sa bakanteng upuan na nasa tabi niya.
Napalingon naman siya sa'kin at binigyan ko siya ng matamis na ngiti na agad din nawala dahil sa hindi maganda niyang paninitig at isabay mo pa ang sinabi niya.
"Excuse me, who are you? And why are you sitting here without my permission?" Nakataas kilay niyang sambit at umaakto na hindi niya ko kilala.
Saglit ako'ng natigilan dahil hindi ko inexpect na ganyan ang sasabihin niya sa'kin but then I get it.
Nagkukunwari siya ngayon na hindi niya ko kilala dahil sa mga nangyari.
"My apologies," I said before I got up.
Kailangan ko ng umalis at baka ipahiya niya pa ko.
I was about to go, but then naramdaman ko ang isang kamay niya na biglang humawak sa isang braso ko.
Napatingin ako doon, sabay lipat ng tingin sa mukha niya. Ang kaninang nakasimangot ay nakangiti na ngayon.
"Ano ka ba naman, Uncle Silas? Of course, kilala kita, c'mon sit down. let's watch the show, and relax."
Naramdaman ko pa ang parang paghila niya pababa sa braso ko kaya napabalik ako ng upo.
Inalis na niya ang pagkakahawak ng kamay niya sa braso ko. Muling nagseryoso ang mukha niya at itinuon ang kanyang atensyon sa may stage na parang walang nangyari.
Ako naman ay parang naguguluhan because what the fùck is happening. Hindi ako natuwa sa joke niya kanina, and then talaga bang nagjo-joke siya?
I guess, yes dahil mukhang hindi naman siya galit at magkasama na nga kami ngayon sa iisang table but her jokes are not funny, but then parang ganoon din pala ang ginawa ko sa babaeng minura ako kani-kanina lang, I pretended that I didn't know her kaya nagalit.
Dinampot ko ang dalang kong drinks at uminom to calm myself dahil parang nawala ang chill ko, at hindi lang 'yon parang nauhaw rin ako bigla dahil naubos ko ng isang inuman ang glass ng whisky na iniinom ko. Nag-order ako ng panibago dahil wala na kong iinumin.
Si Lyra naman ay seryoso lang nakatingin sa may stage at pinapanood ang bandang natugtog.
So just like me, she's also into jazz music. We have the same taste in music.